Official Date

1.3K 69 2
                                    

"Light me up and, baby, kiss me"

-Thyro and Yumi (Kiss)















Kasalukuyan na kaming kumakain ng hapunan ngayon ni Vicey nang bigla siyang magsalita

"May gagawin ka ba bukas?" Tanong niya

"Oo, siyempre naman. Pupunta ako sa Café. I have duties there, remember?" sagot ko

"Eeeeeh pwede bang umabsent ka muna?"

Kumunot ang noo ko "Bakit naman?"

"Eh na-realize ko kasi na...first day nating maging official ngayon..." Panimula niya

"And?"

"....And, wala tayong ibang ginawa kundi mag movie marathon"

"So?"

"So, hindi na Naging special ang first day natin together kaya I want to make up for it. Gusto kong gawin natin yung ginagawa ng mga ordinary couples dito sa Earth bukas"

Napangiti naman ako "So you want me to ditch my job to have a date with you?"

"Precisely" kaswal niyang sabi

Natawa naman ako "Vicey naman eh, parang nag cutting class narin ako niyan para makasama ang boyfriend ko"

"Ayaw mo ba nun? Magka-cutting class rin naman yung boyfriend mo para sayo eh"

Natawa ulit ako kaya natawa rin siya

"Pero kidding aside, kailangan kong pumasok, what if nagka-emergency?"

"Ayan ka na naman sa advance thinking mo eh. Bawas-bawasan mo nga ang kape, Earthling. Tsaka isang araw lang naman eh. Gusto talaga kitang makasama" sabi niya sabay pout

Makakatangi ba ako sa mukha niyang yan? Kainis naman eh. Ang bilis mong bumigay sa ka-cute-an niya Karrie!

"Tsk sige na nga" kunwaring napilitan kong sabi

"Yes! Lab mo talaga ako eh" sabi niya

Naiiling naman akong napatawa



Tinapos na namin ang pagkain namin at nag tulungan sa pagliligpit ng Mesa at paghugas ng pinggan

Napatingin naman ako Kay Vicey na busy sa pagpupunas ng mesa

Napangiti ako habang pinapasok ko ang mga Plato sa cupboard

I missed this. Ang tagal rin nung huli naming ginawa 'to

"Tapos ka na ba diyan?" Tanong ni Vicey na ngayon ay tapos na sa pagpupunas

"Ah...Oo, ilalagay ko nalang 'tong baso doon sa itaas na parte" sabi ko sabay turo ng itaas na bahagi ng cupboard

"Abot mo yan?"

"Oo naman! Watch and learn"

Kumuha ako ng upuan at papatong na sana ako nang pigilan niya ako

"Hoy! Anong ginagawa mo?!" Gulat niyang sabi

"Papatong? Para mailagay ko yung mga baso sa cupboard?" Sabi ko

"Hindi! Ako na diyan, Jusko baka madisgrasya ka na naman. Lampa ka pa naman"

Lumapit siya saakin at kinuha yung mga baso at inilagay niya ito sa cupboard-----without the help of the chair

Ang tangkad niya kasi eh

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now