Under The Stars

1.3K 69 1
                                    

"Here we are, under the stars. Heaven is not so far, under the stars"

-John Legend (Under the Stars)





"I knew that my heart will start beating for you"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko mawari kung ano ang mararamdaman ko

My heart skipped a beat. Ang lakas narin ng tibok nito

"Nung una hindi ko maintindihan. Bakla ako kaya nanibago ako. Naguluhan ako sa pagkatao ko hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko noon Basta ang alam ko lang, kapag masaya ka, masaya din ako. Pag malungkot ka hindi ako mapakali at gagawin ko talaga ang lahat para sumaya ka ulit kasi nalulungkot din ako pag nalulungkot ka. For the first time in my life, ang kaligayahan ko ay nakasasalay sa ibang nilalang....sayo, Earthling" sabi niya

Hindi ako nakapagsalita. I run out of words to say.

"Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko para sayo kasi bukod sa hindi tayo talo ay labag din sa batas ng Universe ang nararamdaman ko. Kay nung dumating si Kevin, ibinaling ko lahat ng atensyon ko sa kanya. Totoong, kinikilig ako sa kanya kaya nakumpirma ko na bakla parin pala ako pero hanggang doon lang yun. Hanggang kilig lang. Nung ma-ospital ka, sinisi ko yung sarili ko. Dahil sa kagustuhan kong makalimutan ang nararamdaman ko para sayo...ay siya namang naging dahilan sa kapahamakan mo"

May bigla naman ako naalala

*Flashback*

"I'm sorry" biglang sabi niya, ignoring what I said

Napalunok ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis eh

Hay nako, Karrie! Wala kang karapatang mainis kasi wala naman siyang obligasyon sayo. Kaya kung makipaglandian siya all night dapat ayos lang sayo....

Kasi hindi naman kayo...

"B-Ba't ka nagso-sorry? W-Wala ka namang kasalanan" sabi ko

Bigla siyang lumapit saakin at umupo sa tabi ko "Hindi ko alam, pakiramdam ko kasi ako ang may kasalanan. Nagi-guilty ako. Kung di siguro ako sumama Kay Kevin baka ako pa ang naghatid sayo dito" sabi niya

"Ayos naman na ako ah? Naihatid na ako sa ospital, dumating naman si Ferdy eh"

"P-Pero...paano kung h-hindi siya dumating? Paano kung huli na ang lahat? P-Paano kung......kung n-nawala ka? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nagkataon"

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now