"Oo, oo, woah. Sige na please, wag mainis, gusto ko lang ng matamis mong. Oo, woah"
-Itchyworms (Dalawang Letra)
"I told you...I would'nt mind falling if this is what I'm falling for" sabi niya
Napatingin naman ako sa kanya at natigilan ako dahil nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko
Ang lakas ng tibok ng puso at tila natuod ako sa kinauupuan ko
Nagulat ako dahil Unti-unti siyang lumalapit saakin
Mas lumkas ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung Anong ire-react ko
Basta ang alam ko lang ang lakas ng tibok ng puso ko
Lumapit pa siya ng lumapit hanggang sa isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin
Nahagip naman ng paningin ko ang view ng space shuttle sa baba
"Wow! Ang ganda ng Space Shuttle mula dito oh!" Palusot ko sabay talikod at layo sa kanya
Oh God. Why is my heart beating like this?!
Napatingin naman ako Kay Vicey at parang na-freeze niya sa pwesto niya. Yung literal na nag pause siya
"Ah...P-Paandarin mo n-na nga y-yung F-Ferris Wheel, gusto k-ko pang sumakay ng rides eh" nauutal kong reklamo
"Sige" sabi niya at lumayo narin siya saakin
Mukhang dismayado ang mukha niya
Teka nga----If I didn't move away, are we supposed to kiss?
Napailing ako
Hindi! Erase. Erase. Erase
Baka may nakita lang siyang dumi sa mukha ko at baka gusto niya lang kunin kaya lumapit siya.....ng lumapit......at lumapit?
Argh! Tangina yan oh!
Naramdaman ko namang umandar na ulit ang Ferris Wheel kaya napahinga ako ng maluwag
I can't wait to get out of here! Ang hirap pala pag sa Ferris Wheel yung ganitong eksena kasi wala kang mawo-walk out-an
Pagbaba namin ay dali-dali naman akong naglakad palabas
Nabigla ako dahil hinarang ako ng babaeng operator ng Wheel of Fate
"I'm sorry for the inconvenience Ma'am. This will not happen again, we guarantee you. Its just that...Our system just shut down because of an unknown mean" sabi niya
Napatingin naman ako sa "unknown mean" na tinutukoy niya...si Vicey
Nakangiti naman siya doon sa operator "Don't worry we still had a good time because it was timing for the fireworks"
"Good to know, Sir" nakangiting sabi nung operator. Nabigla ako dahil napatingin siya saakin "You are a cute couple. I hope the Wheel of Fate destined you to be together, forever"
Natigilan naman ako sa sinabi niya
"Uh H-Hindi kami couple-------"
"I'm sure it did" pagputol ni Vicey sa sinasabi ko sabay akbay saakin "The ride was magical"
"Enchanted Kingdom is glad you enjoyed"
Napangiti naman si Vicey at umalis na kami palayo sa Wheel of Fate
YOU ARE READING
Conspire [COMPLETED]
ФанфикWhat if the person you love came "literally" from the stars?