The Past

974 67 15
                                        

A/N: READERS! I'm sorry for unpublishing this chapter. May inayos lang po ako dahil nire-read ko siya and I saw plot holes so please take time to read again, thank you so much

















"...Gusto ko ring humingi ng tawad dahil sa gagawin ko" sabi ni Aling Vilma

Kumunot naman ang noo ko

Nanlaki ang mata ko nang biglang mapalitan ng pilyong ngiti ang kaninang takot sa mukha niya

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagulat ako nang biglang mag-iba ang anyo ni Aling Vilma

Naging ibang tao siya at nagulat ako sa kung sa sino talaga siya

"I can't believe you really fell for that, Sister"

"Jackie?" Di-makapaniwala kong sabi

"Iba na talaga ang acting skills ko at nalinlang kita at napaniwala na ako talaga ang matandang yun!" Komento niya

Anong ibig sabihin nito?

"H-Hindi ka t-tao?" Nauutal kong tanong

She smirked "Gusto mong malaman?"

She snapped her finger and the door suddenly exploded

Mas natakot ako dahil sa nakita ko

Pumasok mula doon ang diko inaasahang makikita ko pala sa araw na ito

Sina Solenn, ang step mother ko na si Emilia...at ang Ama ko

Nanlaki ang mga mata ko

Nakasuot sila ng all black na pananamit

Anong ibig-sabihin nito?

"Well, if it isn't my step daughter" bungad ni Emilia

Napatingin naman ako kay Daddy at nakita kong wala siyang reaksyon sa nangyayari

"D-Dad?" Naiiyak kong sabi

Napaiwas siya ng tingin

"Don't worry, Karrie. Malalaman mo na ang buong katotohanan pero sa ngayon, kailangan mo munang sumama saamin" sabi ni Solenn

"Hindi!" Pagmamatigas ko

Pinilit kong makawala sa pagkakahawak ni Jackie sa kamay ko pero nagulat ako dahil sa lakas niya

"Kung ako sayo, di na ako lalaban" sabi niya

"Lalaban ako hanggang dulo!" Sabi ko

Kinagat ko ang kamay niya at mabilisang tumakbo papunta sa backdoor ng bahay nang biglang may kung anong tumusok sa likod ko

Nilingon ko ito at nakita kong injection ito

Agad nanlabo ang paningin ko at parang nahihilo na ako

Napaluhod ako sa panghihina at diko na maintindihan ang nangyayari basta't ang alam ko ay pinalibutan na ako nina Jackie, Solenn, Emilia at nang sarili kong Ama












































































Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now