"Maybe we wouldn't be two worlds appart but right here in each other's arms"
-Ariana Grande (Almost Is Never Enough)
1 day to go nalang bago ang ball at wala parin akong susuotin
Napabuntong-hininga naman ako
Diko alam kung Anong susuotin ko!
Di bale magpapatulong nalang ako Kay Vicey bukas, tutal rest day din naman namin bukas eh. Napagdesisyunan namin ni Ferdy na wag na lang mag bukas ng Café bukas para makapag-prepare at makapag beauty rest din kuno sabi ng mga bakla
Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko
11:15 pm
Ayan tuloy! Di ako makatulog! Argh!
Tumayo ako sa pagkakahiga ko at lumabas ng kwarto
Papunta na sana ako sa kusina para magtimpla nang gatas ng mapadaan ako sa kwarto ni Vicey
Napansin ko namang naka bukas ang ilaw sa kwarto niya
Teka-----di pa siya natutulog?
Kumatok naman ako
*tok*tok* (Wag kayo! Yan na yung tunog wag choosy!)
"Vicey?" Sabi ko
Nakarinig naman ako ng yapak na papalapit sa pinto at binuksan na nga iyon ni Vicey
"Ano na naman ba?!" Mataray niyang bungad habang nakataas ang kilay at nakapamewang
"Tsk! Sungit nito! Tatanungin ko lang naman sana kung ba't ka pa gising?" Sabi ko
"Nag-eempake ako" sabi niya sabay pakita ng mga maleta niya
Lumaki naman ang mga mata ko "Bakit? San ka pupunta? At san mo nakuha ang mga maletang yan?!" Sunod-sunod Kong tanong
He rolled his eyes "Duh! Syempre Kay Anne. Binigyan niya rin ako ng cellphone o!" Sabi niya sabay pakita ng iPhone niya "Tsk Buti pa siya binigyan ako nito"
Sumimangot naman ako "As if namang kaya Kong bumili ng ganyan! Eh Starmobile nga lang ang cellphone ko eh" sabi ko "Eh pero San ka ba pupunta? Aalis na ba dito sa apartment ko? Bakit? Binigyan ka rin ba ni Anne ng mamahalin na condo? O 'di sige umalis ka tutal sabi mo nga nung dumating ka dito na filthy ang apartment ko diba? Maiintindihan ko naman kung ayaw mo na dito kasi ganito lang ang apartment ko. Maiintindihan ko rin kung bakit ayaw mo na nang tulong ko, kasi andyan na si Anne. Si Anne na Mas mayaman, Mas sexy at Mas maganda kesa saakin. Maiintindihan ko promise, okay lang"
Tinignan ko ang reaksyon niya and he just gave me a bored look
"O? Tapos ka na? Okay na? Ako naman, ah?" Pilosopo niyang sabi "Mag oovernight ako kina Buern bukas, kasama ang Team Vice"
Napatigil naman ako. Mag-oovernight lang pala, Gosh Karrie!
Kumunot ang noo ko "T-Team Vice?"
"Oo yan na ang tawag sa grupo namin nina Archi, Buern, Matt at Aaron"
Napatango-tango naman ako "Bakit mo naman kailangang mag overnight doon?"
"Bakit, Bawal ba?" Mataray niyang tugon
"Tanong lang naman!"
"Gusto kasi ng Team Vice na sabay kaming pumunta sa ball sa susunod na araw at dahil rest day natin bukas, sabay narin kaming magbu-beauty rest"
YOU ARE READING
Conspire [COMPLETED]
FanfictionWhat if the person you love came "literally" from the stars?