"Kung hindi ikaw ay hindi na lang
pipilitin pang umasa para sating dalawa. Giniginaw at hindi makagalaw, nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw"-December Avenue ft. Moira (Kung Di Rin Lang Ikaw)
Tagapagsalaysay's POV
Habang busy sa pamimili si Karrie doon sa supermarket para sa mga bibilhin niya para sa Café sa kabilang dako naman ng supermarket ay naroon rin ang lalaking (?) dahilan ng pag-iyak niya gabi-gabi
Si Vice.
Tama ang hinala ni Karrie at maging ang hinala niyo rin na hindi pa nakakaalis ng planeta si Vice
"It is a pleasure to meet you finally, Vice" sabi ng lalaking kausap ni Vice
"Oo nga eh, unexpected na dito pa tayo sa grocery magkikita" sagot ni Vice
Bibili lang kasi sana siya ng paper plates kaso bigla niyang nakita si Mr. Hawkins----ang lalaking kausap niya ngayon
"I think its really fate that brought us here. I am destined to meet you so that we can set up our meeting with you and Anne's company, how's that?" Sabi ni Mr. Hawkins
"Mr. Hawkins-----"
"Please, just call me Greg. We're not in our works naman eh"
"Oh...O-okay, Greg. I'm sorry pero I'm still on vacation right now if you don't mind? Last day na naman ito ng vacation ko eh"
"Oh...really?"
"Actually....Yes I just came back here yesterday from Canada"
"Really?"
"Oo, pinuntahan ko nga ang Northern Lights sa Yellowknife eh"
"Oh...okay I under--------"
Nabigla sila nang makarinig sila ng kalabog mula sa di kalayuan
Nang mapalingon si Vice doon ay tila tumindig ang lahat ng balahibo niya sa pagkagulat nang makita niya ang taong pinagtataguan niya
"V-Vicey?...." Sabi ni Karrie
Tila tumigil ang mundo ni Vice nang makita niya ang namumutla at nanghihina na kalagayan ni Karrie
Bigla namang nawalan ng Malay ang dalaga kaya dali-daling tumakbo si Vice papunta sa kinaroroonan niya
Binuhat niya ng bahagya si Karrie at tinapik ang pisngi nito
"Karrie! Karrie gumising ka!" Natataranta niyang sabi
Hinipo niya ang noo at leeg nito
"Inaapoy ka ng lagnat! Ikaw talagang Earthling ka!"
"D-Do you know her?" Naguguluhang tanong ni Greg
"Yes! Call an ambulance now!" Utos ni Vice habang patuloy paring ginigising si Karrie
*******
Maya-maya ay dumating narin ang ambulansya at sinugod na nila agad si Karrie sa pinaka malapit na hospital
Agad namang chineck ng doktor
"D-Dok? Kamusta na siya?" Tanong ni Vice
"Kaano-ano niyo po ang pasyente?" Tanong ng doktor

YOU ARE READING
Conspire [COMPLETED]
FanfictionWhat if the person you love came "literally" from the stars?