"Why don't we rewrite the stars. Maybe the world could be ours, tonight"
-Zac Efron and Zendaya (Rewrite the Stars)
"Ba't di nalang natin ayusin ang tayo?"
Nagulat ako sa sinabi ni Vice
Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya habang unti-unti siyang lumalapit saakin
Napapikit naman ako at ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagdampi ng labi niya sa labi ko
Saksi ang mga bituin sa kalawakan sa pagkakataong hindi ko inaakalang mangyayari pa
~O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa~Napahiwalay naman kami sa isa't isa
Hindi ako makapagsalita at ang lakas lang ng tibok ng puso ko
He looked at me with piercing eyes
"Pasalamat ka't marupok akong bakla" sabi niya
Napatawa naman ako ng mahina
Nakahawak parin siya sa bewang ko at nakakapit parin ako sa batok niya
"Alam mo nung narinig kita kanina na susuyuin mo'ko, naka-isip tuloy ako ng plano para magmatigas pa sayo. Pero wala eh, di kineri ng baklang 'to na tiisin kang Earthling ka" sabi niya
Kumunot ang noo ko "So sinasabi mo bang nagpapabebe ka lang kanina at gusto mo lang talaga akong suyuin ka?"
Napangiti siya "Oh eh bakit ba? May karapatan naman akong magmatigas dahil may kasalanan ka naman talaga"
Natigilan naman ako at napaiwas ng tingin
"Oh? What's with that face?" Tanong niya
Sumeryoso naman ako "Tama ka"
Kumunot ang noo niya
"Sana mas tinagalan mo pa ang pagmamatigas mo. Deserve ko naman 'to eh. I deserve do be treated like this because I made a big mistake" malungkot kong sabi sabay napayuko at napakalas sa pagkakahawak ko sa batok niya
Vice lifted my chin kaya napako ang tingin ko sa mata niya
"You know what? Ang tanging hinihiling ko lang na gawin mo para mapatawad kita ay ang humingi ng tawad" sabi niya
Nakita ko naman ang sinseridad sa mata niya
"I was just waiting for you to say that the whole time at kagabi nasabi mo nga. Sabi ko sa sarili ko na kapag nagawa mo na ang bagay na yun, hindi na ako magmamatigas pa, you know why?" Sabi niya
"Why?" I asked
"Because I believe that every second counts. Instead of wasting my time para magpasuyo, why not gamitin natin ang oras na ito para maging masaya? Maging masaya sa gitna ng magulong mundo, pwede naman siguro yun diba?"

YOU ARE READING
Conspire [COMPLETED]
Hayran KurguWhat if the person you love came "literally" from the stars?