"Susungkitin mga bituin para lang makahiling na sana'y maging akin puso mo at damdamin"
-Khalil Ramos (Kung Akin Ang Mundo)
Tagapagsalaysay's POV
Masayang nagtatampisaw sa ulan sina Karrie, Vice at Onyok
Bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan habang sumasayaw sa saliw ng musika na nangagaling pala sa Concert ng Eraserheads sa di kalayuan na kakasimula pa lamang
Samantala, habang nagkakasiyahan sa rooftop ng building kung nasaan ang apartment ni Karrie ay may nakamasid sa kanila sa malayo
Partikular na Kay Vice...
"Kaya pala hindi mo pa nagagawa ang misyon mo VG14314. Distracted ka" aniya
"Buti nalang talaga at sinundan kita dito," dagdag niya
Karrie's POV
Nang matapos kaming magtampisaw sa ulan ay basang-basa kaming bumalik sa apartment at nagpatuyo at nagpalit ng damit
Kasalukuyan ko namang pinupunasan ng towalya si Onyok sa sala. Tapos narin naman akong magbihis at magpatuyo eh
"Aching!" Sabi ni Onyok
"Oh? Uminom ka ng maraming tubig pagkatapos nito ah? Para di ka magkasakit" sabi ko habang pinupunasan parin siya
"Kaya po ba nagkasakit si Mommy kasi hindi siya nakainom ng tubig pagkatapos niyang mabasa sa ulan?" Tanong niya
Napatigil ako at napatingin Kay Onyok "S-Siguro, Baby. Kaya ikaw uminom ka lagi ng tubig pag nabasa ka ng ulan ah?"
Ngumiti siya at tumango
Napaiwas naman ako ng tingin
Ano ba talaga ang sakit ng Mommy ni Onyok?
Tatanungin ko mamaya si Karla
Sakto namang lumabas si Vicey mula sa kwarto niya
Napatitig ako sa kanya. I can't help but stare.
Naka plain white T-shirt lang siya at.....hello kity boxers
Basa pa ang buhok niya at may tumulo pang tubig mula sa buhok niya papunta sa.....adam's apple niya
Isinara ko ang bibig ko at napaiwas ako ng tingin
I didn't noticed na nakanganga na pala ako and I can feel my cheeks heat up
KARRIE! WHAT ON EARTH IS HAPPENING TO YOU?! STOP IT RIGHT NOW!!!
"Huy Kulot na Earthling! Ayos ka lang?"
Bumalik ako sa realidad nang marinig Kong nagsalita si Vicey
"H-Ha?"
"Lutang ka ba teh? O baka napasukan ng tubig ulan ang tenga mo? Ang sabi ko ayos ka lang ba? Kanina ka pa ngumingiwi diyan eh" sabi niya
"Ah....W-Wala 'to! Wala!" Tumayo naman ako mula sa pagkaka-upo ko sa sofa "Ikaw muna ang bahala kay Onyok ah?"
Kumunot ang noo niya "San ka pupunta?"
YOU ARE READING
Conspire [COMPLETED]
FanfictionWhat if the person you love came "literally" from the stars?