Be My Light

1.4K 78 16
                                        

"Look up at the stars that light the night sky, wherever you are remember they shine"

-Kevin Oh (Be My Light)










"Kasi tulad mo, may minahal din akong Uzekluvakian"

Natigilan ako sa sinabi niya

"P-Po?" Nauutal kong sabi

Ngumiti naman siya "Base sa ekspresyon ng mukha mo mukhang tama nga ang hinala ko. Mahal mo ang binatang iyon diba?"

Binaling niya ang tingin Kay Vicey na nauuna na kasama ang team vice. Kumekendeng pa ito habang naglalakad at naiiwan ang pwet sa bawat hakbang

"Eh....dalaga po yan eh" sabi ko

Natawa naman si Lola Karing "Pero mahal mo naman"

Natigilan ako at hindi nakapagsalita

Nag patuloy lang kami sa paglalakad papunta sa Mansyon ni Lola

May minahal din siyang Uzekluvakian?....di kaya yun yung ZX000 na tinutukoy ni Vicey? Yung nagtanim ng binhi ng kape ng Uzekluvakia dito sa Earth?

Napatingin naman ako Kay Lola Karing na nakangiti habang nakaakay saakin

I'm getting curious to know a lot from her now...






Pagdating namin sa Mansyon ay sumugod agad ang team vice sa kusina

Habang ako naman ay busy sa pagkamangha dahil sa laki ng masyon ni Lola Karing

Ang ganda ng design...yung ancestral ang dating pero may touch of modern

Napatingala ako at bumungad saakin ang isang glass chandelier

Sa harapan naman pag pasok mo, bubungad sayo ang dalawang malawak na kahoy na hagdan, isa sa magkabilaang dulo

Just wow.

"Isara mo ang bunganga mo, Earthling baka hindi lang langaw ang pumasok diyan" bungad saakin ni Vicey

Agad kong isinara ang bunganga ko

Uminit naman ang mukha ko sa sinabi niya. The way he said it was....somewhat green for me

"T-Tigilan mo nga ako!" Irita kong sabi

"Ano?! Wala naman akong sinasabing masama ah. Ang sabi ko lang baka hindi lang langaw ang pumasok sa bibig mo baka lamok din o kung ano pa mang imsekto...Ano ba kasing iniisip mo?" Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko

Mas uminit ang mukha ko

"W-Wala!"

Natawa naman si Lola Karing saamin "Hay kayo talaga. Sige na Jose, ihahatid ko muna si Karylle sa kwarto niya at may pag-uusapan pa kami"

"Sige po, Lola" sabi ni Vicey

Binaling naman niya ang tingin niya saakin

"See you later, Earthling" at may pa-kindat pa siyang nalalaman bago umalis

Tsk tuluyan na sanang masara yung mata niyang kumikindat. Kainis

"Mas nakakatawa pala talaga kayong mag-talo sa personal kesa sa mga kwento ni Jose" sabi ni Lola Karing

"Kinukwento po ako ni Vicey?" Tanong ko

"Ikaw ang laging bukambibig niya, Iha"

Hindi naman maiwasan ng puso kong mag flatter.....and I hate it

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now