"I'm so sick of love songs, so tired of tears. So done with wishing you were still here"
-Ne-Yo (So Sick)
Nagising ako sa nakakasilaw na aninag ng araw mula sa bintana koAkmang tatayo na ako nang makaramdam ako ng sobrang sakit ng ulo, para itong mabibiyak
Paano ako nakarating sa kwarto ko?
Napatingin naman ako sa katawan ko
Paano ako nakabihis?
Teka nga, ano bang nangyari kagabi?
Sinubukan ko namang alalahanin
*Flashback*
"...Who wants to sing the chorus?"
"AKO!" sigaw ko
Gegewang-gewang akong lumapit sa stage at inagaw ang microphone mula doon sa singer
"Itatago na lang ang damdamin ko dahil ayokong malayo sa iyo" pagkanta ko
Naghiyawan naman ang mga tao
"Maghihintay lang na mapansin mo" tumingin ako Karrie Kay Vice
Nakita kong nagulat siya sa susunod kong ginawa, tinuro ko siya
"Ang pag-ibig ko na para lamang sa 'yooooooo!"
Nagpalakpakan naman ang mga tao
Bigla akong nakaramdam nang pagkahilo at naduwal ako sa harap ng madaming tao and the next thing I knew...nawalan na ako ng Malay
*End of Flashback*
"Oh no. What the hell did I do?" Sabi ko sabay sabunot sa sarili ko
Pinahiya ko na nga ang sarili ko sa harap ng madaming tao. Pinahiya ko pa ang sarili ko Kay Vicey
I need to apologize for what I've done, nakakahiya
Kahit masakit ang ulo ko ay pinilit ko paring tumayo at dumiretso sa labas ng kwarto ni Vicey
Kumatok naman ako
Wala namang sumagot mula sa kwarto niya
Baka tulog pa...
"Vice?"
Wala paring sagot
Pumunta naman ako sa kusina at wala siya doon, kumatok ako sa banyo pero walang sumagot kaya pumasok ako pero wala rin siya doon
![](https://img.wattpad.com/cover/137709810-288-k511376.jpg)
YOU ARE READING
Conspire [COMPLETED]
FanficWhat if the person you love came "literally" from the stars?