Chapter 1

43 5 0
                                    

Reign's POV

Ako nga pala si Reign Samantha Cauilan, certified fan ng isang boy group sa school namin at lahat gagawin ko para sa kanila. Kahit makipagpatayan pako ngayon.

"Anak! Gumising ka na dyan! Baka malate ka na sa pagpasok sa school mo!", sigaw ni mama. Nakakatamad kasi pumasok eh, sa totoo lang kanina pa'ko ginigising ni mama pero hindi ko na lang pinapansin sa sobrang antok ko. Kasi nag tingin pako at nanood ng videos ng SGN eh haha. "Gigising ka o bubuhusan kita ng kumukulong tubig?", sabi ko nga gigising nako, kesa naman pumanget pako eh,hindi ko pa nakikita sa personal ang SGN eh hahaha.

"Oo eto na po!", sagot ko sabay handa ng mga gamit at damit ko.

Pagtapos kong maligo, nagdamit nako tsaka magtoothbrush na tsaka ako nagsapatos tapos bumaba na.

"Ma, hindi nako kakain bye!", pagpapaalam ko kay mama.

"Oh, sige! Ingat ka ah?!", narinig kong sigaw ni mama bago ako makalabas.

Naglakad na lang ako papuntang school para mas makatipid.

Habang naglalakad ako, iniisip ko kung pano ako makakapunta sa concert ng SGN sa school next year eh at kung pano ko titipirin ang baon ko.

"Miss, be careful! You may be hurt because of the vehicle!", sabi ng isang lalaki sabay tulak sakin. Napunta kami gilid ng kalsada nang magkapatong hahaha. Eto na ata puribir ku ihh. Hahaha.

"A-ahmm, Thank you", sabi ko na lang kahit medyo mabigat siya. Pero ang bango niya, tae!

Tumango lang siya sakin pero nakasumbrero siya. Na curious tuloy ako kung sino siya at anong mukha niya. Hayss, hayaan na nga lang natin basta papasok nako haha.

——

"Good Morning, ma'am. Good Morning, classmates. Sorry I'm late", sabi na nga ba late ako eh.

"Ok, just sit down", sabi ng teacher namin.

Papikit pikit yung mata ko habang nakikinig, wala eh, antok talaga ako.

Wala din ako sa mood ngayon na makinig. Nakakatamad pa naman magturo 'tong teacher namin na 'to. Hahahaha.

Papikit na talaga ako nang narinig ko naman yung tunog ng bell. Buti na lang! Salamat din, nakasurvive din sa unang subject.

Lonely na naman ako ngayon dahil wala naman kasi akong kaibigan, wala lumipat ng school, iniwan na din ako katulad ng ginawa niya.

Siya lang kasi ang nag-iisa kong kaibigan dito eh. Hayss, nakakatamad talaga pumasok eh lalo na wala akong kasama.

Ok lang yan, 4 months na lang graduate nako sa college then magtatrabaho na 'ko.

Ilang minuto lang ako nakatulala hanggang dumating na yung next teacher namin.

"Class, quiet! Diba sabi ko may exam tayo ngayon? So prepare yellow pad we are going to have a 1-100 test!Faster!", beastmode si ma'am, taray! "I'll give you this test questions then answer it faster and correctly ok?", g na g.

Wala din ako sa mood mag test ngayon kasi english 'tong tinetest namin eh.

Nakakabobo pa naman english ngayon. Haha

Ang technique kasi dyan para mabilis kang matapos kasi nga tinatamad ka diba? Edi hulaan mo. Basic.

*after 10-15 minutes*

"Pass your papers forward!", sabi ko na nga ba eh, huhulaan ko na lang. Ok na yan, kesa naman mapagalitan ako diba?

"Ok goodbye class", kala ko pa naman exchange your papers. Psh! Ang haba ng oras na iniwan samin ng teacher namin. Kaya ang ingay tuloy ng buong klase. Nagbasa nalang muna ako ng libro at iba pang tungkol sa lesson. Graduating na'ko this year kaya kailangan talaga magsipag ako.

Ang haba pa ng oras namin bago magrecess. Maya maya biglang may nagsigawan na mga babae. Karindi. Nagbabasa ako tapos nakakaagaw atensyon yung mga hiyawan at sigawan nila.

Lumabas ako para makita kung sino ba ang pinagkakaguluhan nila. Tangina. SGN yung pinaghihiyawan nila!

Jax Carson

Ryland Hutton

Zayden Cohen

Nixon Adler

Rhys Carter

At syempre, ang pinakagusto ko sa kanilang lahat...

Zane Cohen

Aaaahhhh!! Sila ang SGN (Sobrang Gwapo Namin) sila mismo ang nag-isip ng pangalang 'yan. Sikat sila sa buong Pilipinas at sa ilang bahagi ng Asya. Pero dito sila sa school namin nag-aaral. In short, schoolmate ko silaa!

Sikat din kasi itong school namin. Exclusive para sa matatalino at mayayaman. Pero di kami mayaman, may kaya lang.

Btw, nasabi ko na ba sa inyo na lahat ng member ng SGN ay may lahi? Yes may lahi silang lahat. And si Zayden at Zane ay magkapatid. Halata naman sa apelyido nila.

Ang weird nga ng mga pangalan nila. Halatang may lahi. Lalo na sa hitsura. Pero mas sanay silang magsalita ng tagalog dahil dito na din sila halos lumaki.

Hmm, wait? Stalker na ba ako nun? Parang hindi naman inalam ko lang naman eh. Hahaha!

Habang pinaghihiyawan namin sila, yun ang mga mokong taas-noong naglakad lang papalayo sa amin. Mga bad boy talaga. Tch. Kung di lang sila gwapo eh. Nakoo!

Para namang pinagsakluban ng langit at lupa ang fangirls nila, kasama ako nang lagpasan lang nila kami. Hays ano ba yan. Mga snobber talaga kalalaking tao. Madalas sila magcutting dahil nga mayaman sila hinahayaan lang sila ng staff and teachers ng school.

Pera ang sagot at gawin mo na lahat ng gusto mo.

Yan ang patakaran sa school na ito. Kaya yun, nagpapakasaya sila. Halos lahat naman ata ng nag-aaral dito ay puro pera ang ginagamit magawa lang lahat ng gusto nila. Makatambay lang sa cafeteria. Tulad ng anim na pogi na mokong na yun. Pero may iilan pa din namang natitira na hindi lang puro pera kundi pati na din talino ang ginagamit tulad ko.

Tamad ako minsan pero minsan lang yun. Ngayon lang ako nagkaganito dahil wala akong masyadong kaibigan. Yung nag-iisa kong kaibigan, lumipat pa ng school. Pero bukas, I promise di na'ko tatamarin.

Recess na. As usual, wala akong kasama. Pumunta ng canteen nang nag-iisa yes, that's me! Lahat nalang nawawala. Di bale, pag may nawawala naman daw may dumadating.

Um-order nako agad... nang nag-iisa. Tss. Saka ako umupo sa pangdalawahang upuan na lagi naming pwesto ni Mayla, siya yung kaibigan ko. Hys nakakamiss. Ako nalang tuloy ang nag iisang nakaupo dito.

"M-Miss? Pwede makiupo?", natigilan ako nang may isang malaking boses akong narinig. Pagtingala ko, sakin nga siya nakikipag-usap. Ahhh! Sheett! Ang gwapo! "Miss?", natigilan naman ako sa pag iimagine

"A-Ahh sure.", nakangiting sabi ko. "Ah btw. Reign", nakangiti kong sabi atsaka inabot ang kamay ko sakanya.

"Lorenz", abot niya din ng kamay niya.

"Hmm. Diba kaklase kita? Ikaw yung transferee?"

"Ah yeah. Hehe. Napansin ko kasi kanina na parang wala kang kausap transferee ka lang din ba?", tanong niya.

"Ah no. Hahaha. Wala lang talaga akong friends", saka ako nagpatuloy sa pagkain.

"Edi ako nalang", masayamg sabi niya. Naubo naman ako.

"A-Ano?"

"A-Ako nalang. A-Ayaw mo ba?", parang napapahiyang sabi niya.

"Syempre gusto. Gustong gusto ko.", at nagtawanan lang kami. Buti nalang at medyo mabait ito. Sana di din niya ko iwan. Haha

My Six Boss and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon