REIGN
"What the heck! Sino naman ang gagawa non?", tanong ko kay Zane. Gulat na gulat ako nang marinig ang kwento niya tungkol sa nangyari kay Zayden.
"Basta.", bahagya pa siyang umiling. "Just keep it secret. Ayokong pag-usapan ng ibang tao si Zayden nang dahil lang sa nangyari sakanya. Hanggng kila Lorenz at Cassandra lang ang makakaalam nito.", tumango ako at nag-aya nang umuwi.
Bale kakauwi lang ni Zayden kahapon. Next week pa nga daw talaga siya makakapasok dahil Thursday na ngayon. Kawawa naman siya.
Naipaliwanag na din ni Tita Zandra kay Zayden kung bakit ako doon nakatira sakanila. Naintindihan naman niya ito.
Ang bait talaga niya. Hindi ko lang alam kung bakit may kumakalat na chismis na masungit siya at madaming nakaka-one night stand.
Hay nako, bashers nga naman! Walang magawa kundi manira nalang.
"Teka, kilala mo ba nang lubusan 'yang Lorenz na 'yan?", tanong ni Zane habang nagdadrive.
"Oo naman!"
"What's his full name?"
"Bakit naman? Ano bang problema?", nagsimula na akong mainis. Pinaghihinalaan ba niya si Lorenz? Ano bang meron at nagkakaganyan na naman siya? Ang misteryoso niya!
"Tss. Okay, okay! Sige kung ayaw edi wag!", sigaw niya na nakapagpatigil sa akin.
Tumingin nalang ako sa bintana upang tignan ang unti-unting pagpatak ng ulan. Maaraw naman pero bakit umuulan?
Binuksan ni Zane ang heater, sobrang lamig na din. Binuksan din niya yung radyo.
I can still remember yesterday.
We were so in love in a special way.
And knowing that you love me make me feel oh, so right.Nagha-hum lang din ako habang nakikinig.
But now I feel lost, don't know what to do.
Each and everyday I think of you
Holdin' back the tears, I'm trying with all my might.
Because you've gone and left me standing all alone.
And I know I've got to face tomorrow on my own.But baby, before I let you go.
I want to say, I love you.
I hope that you're listenin' 'coz it's true, baby.
You'll be for—"We're here.", hindi ko namalayang nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila at nagpapark na ng kotse.
Nakarinig kami ng malakas na kalabog at parang nagbabangayan sa loob kaya pumasok agad kami.
"Oh, nandyan na pala yung isang magaling mong anak!" Sigaw ni Tito Earl, Papa nila Zane.
Tinignan ko si Tita Zendrei na pinapakalma ang asawa niya, si Mama naman ay tinatakpan ang tenga at mata ni Zendrei at pilit na inilalayo sa sigawan dito.
Si Zayden naman nakikinig at nakatingin lang sa Papa niya habang nasa sofa.
Bahagyang kumalma muna si Tito nang makita ako.
"Hija, pumasok ka muna doon.", tinuro ni Tita yung kwarto kung saan pinasok ni Mama si Zendrei. Sumunod ako sakanya.
Mula sa loob ng kwarto, rinig na rinig ko pa din ang sigaw ng Papa nila. Nakakatakot ito.
"Fuck, Zane! Sabi ko, gusto ko ikaw na ang magmana ng kompanya natin!", sigaw pa nito.
"But Dad, I told you that I don't want to.", mahinahon pa ding sambit ni Zane.