Lorenz' POV
Ang buong akala ko eh pare- pareho ang mga tao dito. Maaarte, masusungit, mata-pobre. Dahil nga transferee ako. Ngunit ng makilala ko sa Reign, like wow! Hindi pala lahat.
Isa din pala siyang tao na wala ding kaibigan. Pero mabuti at nilakasan ko ang loob ko at naging magkaibigan na nga kami! Napakabait niya. Dagdag pa ang mala-anghel niyang mukha na ako lang ata ang nakakapansin?
May sari-sarili namang kagandahan ang tao. Tch.
Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta sa klase.
"Argh! Sobrang nabusog ako dun ah!", biglang sabi niya kaya natigil ang mga imahinasyong naisip ko. Nginitian ko lang siya.
Tahimik lang kasi ako eh. Di ako masyadong pala-kaibigan. Ang swerte nga nitong si Reign at kinaibigan ko siya. Hahaha!
"Omg! Aahhhh!! Yan yung transferee diba?"
"O to the M to the G!! Emeged. Ang gwapo nga!"
"Yahhh! Tama ang sabi sabi nila."
"But wait, she's with that loser! Tch. Dapat di siya sumasama dyan. Mahahawa lang siya sa kapangitan niyan."
At marami pang ibang kagagahan ng mga babae. Nainis ako sa huling narinig ko. Ano bang pake nila? Aish!
Nagtigilan ang pagtili nila nang makapasok na kami sa room.
"Ganyan ba talaga dito?", tanong ko.
"Huh?"
"Mga taong mai-issue. Nakipagkaibigan lang iniissue na. Tch. Nakakairita.", galit na sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.
"Ah. Oo. Syempre, magaganda at mapepera eh"
"Hmm. Weird. Tss."
"Hahaha! Okay lang yan. Di naman ako ganun eh.", nakangiting sabi niya. Nginitian ko lang din siya. Tama siya. Buti siya hindi ganun, mata-pobre ampt.
"Wait. Pwede bang ako naman ang magtanong?", liningon ko naman siya.
"Ano yun?", tanong ko.
"Ba't kung kailan ilang buwan nalang matatapos na tayo ng college eh, dun ka pa lumipat? Hehe."
"A-Ah. Private problem na eh.", pilit na ngiting sabi ko. Tinanguan naman niya ako
"I understand."
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang proffesor.
"Good Morning.", bati niya. Bumati din naman kami. "I heard, may transferee tayo dito?", mukhang mabait naman siya. Mukhang dalaga pa.
Nagtaas ako ng kamay.
"Ohh. Introduce yourself."
Pumunta ako sa harap at nag-umpisang magsalita.
"A-Ahh. H-Hello.", medyo kinakabahan ako dahil nga di ko sila kilala at ang nakikita ko ay mga pintasero't pintasera. Psh. "A-Ahm. I'm Lorenz Ocampo. 17 years of age. Nice to know y'all. I hope you'll be nice to me."
Salamat at nairaos ko iyon nang hindi masyadong kinakabahan.
"Nice", bulong ni Reign sa akin.
Lumipas ang ilang oras at lunch na.
"Tara na?", aya niya. Tumango naman ako.
Pagdating namin sa canteen, di na'ko um-order dahil pinabaunan ako ng kanin ng nanay kong maaalahanin. Naku!
Nauna na siya um-order.
"The heck?! Bakit kasama niya yan?"
"Oo nga. Ew!"
"Ang pogi pogi niya tapos sasamahan niya 'yang nobody na yan?!"
Mga bulungan ng walang kakwenta kwentang tao! Mga piste! Ba't ba nila ako pinapakealaman?
Diko na napigilan ang sarili ko at nilapitan sila.
"OMG! He's coming. Wait.", kinikilig pang sabi nung isa habang papalapit ako nang papalapit sakanila. "H-Hi", sinamaan ko siya ng tingin. Halatang nagulat siya pero pilit niyang hindi ipinakita iyon.
"Who the hell told you na pagsabihan si Reign ng ganyan? Tsaka... This is my business, this is my life! Wala kang pake kung makipagkaibigan ako kahit kanino. Ano bang pake mo?!", palakas na palakas na sigaw ko. Nagsimula nang dumami ang mga taong nakapalibot sa amin.
"E-Ehh. T-Totoo naman eh. She's a loser, a nobody!", nagtawanan pa sila ng mga kasama niyang hipon. Akma ko siyang susuntukin pero dahil di naman talaga ako nananakit ng babae, panakot ko lang.
Umilag naman siya. Binigyan ko lang siya ng nang-aasar na mukha. Saka ako umalis doon. Hahaha.
"Anong nangyari? Anong ginawa sayo ng mga yun?", nandun na pala siya.
"Nothing. Let's eat?", wag mo munang malaman, Reign. Baka layuan mo'ko pag nalaman mo kung sino ako.
Zane's POV
Hi! Zane Cohen in your area. Hehe. Member of SGN. Ako ang pinaka playboy sakanila. Wala lang. Trip ko lang mambabae.
Nandito kami ngayon sa canteen para maglunch. Pagpasok namin, may nagkakagulo. Tch. Ano naman kaya 'to?!
Tinignan ko kung sino yung pinagkakaguluhan nila.
Tch.
"Wait. He's not familliar. Taga dito ba talaga 'yan?", si Zayden. Kapatid ko.
"Dunno", kibit balikat naman ni Rhys.
"I heard he's a transferee", nakangising sabi naman ni Jax. Pinakatahimik samin.
Tch. Kapal. Transferee lang naman pala.
Napailing nalang ako saka umalis doon para umupo sa pwesto namin. Sumunod naman sila sa akin.
"Lakas din nun eh noh? Transferee pala ampuu! Hahaha.", daldal talaga nito ni Nixon amp. Siya yung pinakamakulit at mapang-asar talaga samin.
Maya-maya lang din ay nagsialisan na ang mga tao dun. Tapos na ang gulo. Ano naman kayang pinagguluhan o pinag-awayan nung transferee?
Aish ano ba Zane! Wala kang pake dun.
"Nakabusangot ka dyan, kuya?! Hahaha.", bwisit talaga 'tong kapatid ko.
"Tch. Wala! Bumili ka na nga ng pagkain doon! Your treat.", nakangising sabi ko.
"What the he—"
"Oh kayo, guys? Ano gusto niyo. Zayden, ayain mo naman ang friends natin. Treat mo naman eh", kinindatan ko siya. Hahaha! Buti nga. Sige mang-inis ka pa.
Padabog siyang umalis para bumili. Hahaha.
"Hmm. Nga pala. Kumusta kayo ni Lia? 1 week na kayo ngayon noh?", si Ryland.
Nginisian ko muna siya. "Makikipaghiwalay na'ko dun. Walang kwenta amp. Ayaw magpahalik eh", nagtawanan naman sila. Haha. Ganito talaga ako. Sanay na din sila. Ewan ko ba. Basta nasanay na din akong gan'to at di na ako magbabago para lang sa iba!
"Hahaha. Ano pa nga bang aasahan niyo dyan? Eh pinakamatagal nga nyan 1 week and 2 days lang. Hahaha!", tawa naman ni Nixon. Totoo naman hahaha. Tapos every two weeks naghahanap ako ng bago.
Since, ako naman ang pinakapogi saming lahat, hindi ako ang nangliligaw. Mga babae na ang nag-aadjust para sa kapogian ko. Haha.
"Oh? Mr. Cohen! Puro kahanginan na naman yang nasa isip mo ano?", ngisi naman ni Rhys. At nagtuloy-tuloy lang ang usapan namin. Si Jax? As usual, tahimik at walang pake sa paligid niya!