REIGN
Lunes na agad, ang bilis ng panahon. Laban na agad namin sa rubik's cube competition.
Hindi ko pa din makalimutan ang nangyari noong sabado.
I saw Razzi... My boy bestfriend. Siya yung kaibigan ko na umamin sa akin noon.
Siya yung photographer nila Zane nung sabado.
"Razzi...", gulat na gulat na sambit ko. Hindi ko akalaing siya yon. Photographer pala siya.
"R-Reign!"
"Magkakilala kayo?", tanong ng manager nila Zane. Tumango naman ako. "Oh, what a coincidence!", masiglang sabi pa nito.
Nginitian naman ako ni Razzi. Sabi namin ay magkaibigan lang kami. Kinalimutan na namin noon ang nangyari nung high school kami.
"T-Tara na. Sorry, I'm late."
Kinakabahan ako, kalaban namin yung Star Section. Magagaling ang mga estudyante dun!
"Hindi ka mapakali. Okay lang yan! Atleast may plus tayo sa card kasi sumali tayo dito, manalo o matalo.", sabi naman ni Lorenz. 10 am na at kakatapos lang ng recess, oras na din ng pagsisimula ng competition. Kinakabahan pa din ako.
Nagstart na din yung competition. Pinapasok kami sa Mathematics Dept. nung mga teachers na in-charge sa contest na yun.
Sa huli, star section lang din ang nanalo. Syempre, di hamak naman na mas magagaling sila ano! Hindi pa naman kasi kami masyadong sanay at magaling.
"Sayang naman, malapit na yun e! Sa sobrang kaba ko nahuhuli yung pag move ko.", nakayukong sabi ko habang papunta sa room namin. Inakbayan ako ni Lorenz
"Hays, okay nga lang yun ano ba!", sambit niya at tinatapik pa ang braso ko. Nginitian ko naman siya. "Malay mo sa ibang contest manalo na tayo."
"Wala na, ayoko na.", natatawang sabi ko naman.
Mamaya na naman kakain pa kami doon sa tambayan nina Zane. Isang umagang kahihiyan na naman. Nandun din si Zayden!
Kanina nga sabay kami halos ng SGN pumasok, pinagtinginan kami. Mga ma-iissue, alalay lang nila ako mga tanga!
Ay ang panget naman pakinggan kung alalay ako. Assistant nalang para sosyal.
"Reign, tawag ka ni Ma'am Cruz.", sabi sakin ng kaklase kong si Anie. Bakit naman kaya ako tawag ng adviser namin?
Sumunod nalang ako don sa Science Department at tinanong kung anong problema.
"Ma'am?", tanong ko pagkapasok palang ng dept. Siya lang ang mag-isa.
"Oh, nandito na po pala." Sabi naman niya at nakita kong hawak ang telepono. "May tumawag, ikaw ang hinahanap.", nakangiting sabi niya at binigay sa akong ang telepono sa dept.
"Anak... Tulungan mo ako! Tulong! Pakawalan niyo na ako!", nabitawan ko ang telepono nang marinig ko yon.
"M-Ma..."
"Bakit, Reign? Anong problema?"
Tumakbo agad ako papalabas, kailangan kong hanapin si Mama. Kailangan ko siyang puntahan at tulungan.
Damn. Sino naman ang kukuha sakanya? Sa pagkaka-alam ko wala siyang kaaway.
"Huy! Ano na? Panget mo, anong ginagawa mo? Dugyot! Hahaha!", asar ni Zane. "H-Hoy! Ba't ka umiiyak? Pikunin."