ZANE
Bwisit 'tong Reign na 'to! Napakaarte, nakikitira lang naman sa bahay. Parang ako pa pinapatira niya sa bahay, ah? Napakakapal!
"Kain na, Zaneyyy!!", wtf! What's Zaney?? Ang jologs talaga minsan neto ni Mom.
"Kumain na po ako. And please, Mom..."
"What?"
"Don't call me Zaney!", umiling iling pa ako bago umakyat. Nasa taas ata si Reign, wala naman siya dito sa baba! Dun lang siya pwedeng pumunta!
Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya, binuksan naman niya agad. Ang gandang bungad, ang sama ng tingin! Letche. Jax girl version ata 'to e.
"Tss. Bakit ba ganyan 'yang mukha mo? Kala mo naman bagay! Ngumiti ka naman.", umiwas ako ng tingin dahil nakakairita mukha niya. "Bakit mo pala ako kakausapin? Anong sasabihin mo?", umupo ako sa kama niya. Nakaupo naman siya sa upuan ng study table.
"Una, iniwan mo ako! Pangalawa, kanina walang masakyan!" Pinandilatan niya ako ng mata, tumayo pa siya!
"So?" I raised my eyebrow.
"Anong so, so? Alam mo bang umambon kanina at naambunan ako?"
"Syempre, hindi. Binaba nga kita diba?"
"Hoy! Angas mo ha—"
"Mas maangas ka, nakikitira ka lang! Parang ako pa nakikitira sainyo ha?", hindi ko napigilan ang sarili ko at napatayo na din.
"S-Sorry naman!", umupo siya at kumalma na ulit. "N-Nacarried away lang. Kung hindi mo kasi ako iniwan edi sana... h-hindi ako nilagnat."
Nilagnat siya?? Eh ano namang pake ko do'n?
"Ano bang sasabihin mo?", naiilang na tanong niya.
"Magtrabaho ka sa grupong SGN bilang assistant." Nakayukong sambit ko.
"Ano?!", ampanget ng mukha amp.
"Ang OA. Sige, kung ayaw mo kakausapin ko si Mom.", akma akong tatayo ngunit pinigilan niya ako.
"O-Oo na! Ano bang gagawin?", umupo ako at napangisi sa sagot niya.
"Madali naman palang kausapin.", tinarayan pa niya ako. "Ikaw lang ang mag-aasikaso sa amin. Pagkain, tagapunas ng pawis kapag may fan meeting kami, tagabitbit ng dalahin, ng tubig at kung ano pa. At last, yung mga utos namin gagawin mo."
"What the?!", napahawak siya sa noo niya. "Ang dami naman!"
"Take it or leave it?"
"Oo na nga! Oo na! Psh.", aasarin ko lang 'to! "Labas na dali, labas!" Sinunod ko siya.
Tumatawa ako habang papunta sa kwarto. Nagresign yung dati naming assistant, titira na siya sa ibang bansa.
Nabanggit kanina sa akin 'yon ni Ryland at agad naman akong nag-isip kung sino ang pwedeng pumalit. Naisip ko agad si Reign dahil na din siguro gusto ko siyang pagtripan, napakaangas kasi kanina e. Tss.
Hindi ko sana siya pagttripan kung hindi niya ako inangasan. Tsaka para na din makabawi man lang siya sa pagpapatira namin sakanila, 'no!
I opened my messenger to chat Reign.
Zane Cohen: See you tomorrow :)
Tinext ko na din sila Nixon na meron na kaming bagong assistant pero hindi ko sinabing si Reign 'yon. Bukas nalang nila malalaman kapag pinapunta ko na si Reign sa tambayan namin.