Chapter 16

4 1 0
                                    

LORENZ

I saw them... Talking and they look so happy. They're laughing and look so happy with each other.

Hindi ko na sila inabala pa nang makita ko sila sa park, nakakaselos. Sobrang hirap talaga magselos nang patago, hindi din naman niya alam na may nararamdaman ako para sakanya.

Wala akong karapatang magselos kasi hindi siya sakin, and I'm not dealing with her. I'm afraid of dealing with her dahil takot din akong mareject.

Hindi niya alam yung nararamdaman ko kaya umalis nalang ako ro'n. Wala siyang alam kay wala akong karapatang pigilan sila.

Baka naman nagkamali ako ng pagkakaintindi, baka nag-uusap lang sila.

O kaya nag-aaway! Magka-away pa naman sila lagi, hahaha!

Nang makauwi ako sa bahay, sinermonan agad ako ng nanay ko.

"Amoy alak na naman!", sigaw nito. Psh, nakainom lang naman ako pero hindi ako lasing.

"Ano ba, Lylia? Wag mo munang sermonan ang anak mo, kakauwi lang e. Pagod yan!", mabuti nalang nandito palagi si Papa para ipagtanggol ako. Bumalik na muli si Mama sa kusina, ako naman umupo sa tabi ni Papa.

Hindi kami sobrang yaman katulad ng iba, may kaya lang. Ang negosyo lang din namin ay restaurant pero madami namang branch yung restaurant namin.

Malakas din ang kita ng negosyo namin kaya nabibili namin ang kahit na anong pangangailangan at kagustuhan namin. Pero sabi nga ni Mama, dapat may limitasyon pa din kahit na gano'n.

Nagpahinga lang ako saglit bago umakyat sa taas.

I still remember her smile with him.

Mahirap magselos nang patago, patago ding nasasaktan. Pero wala akong magagawa dahil ginusto ko yung gan'tong set-up, na hindi sabihin sakanya ang nararamdaman ko.

Dapat ko pa bang sabihin? O dapat ko nalang ilihim? Kasi mukhang hindi naman ako yung tipo ng tao na gugustuhin niya.

Halos lahat ng babae ako ang ideal man. Pero paano kung hindi siya kasama sa babae na 'yon? Marereject lang ako, panigurado!

Kahit hinahabol habol ako ng ibang babae, nakafocus pa din ako sa isang babae. Yung babaeng gusto ko nga, may gusto naman atang iba.

Siguro nga, namisinterpret ko lang yung kwentuhan nila nang makita ko sila pauwi.

Sandali pa akong naglaro sa computer ko bago humiga sa kama at nagpahinga. Iniisip kung ano ba ang dapat kong gawin.

Mahirap mareject. Lalo pa't magkaibigan kami, baka masira lang yung pagkakaibigan namin kapag nangyari 'yun. Masisira ang lahat at mapupunta sa wala ang lahat kapag umamin ako.

Mas mabuti pa nga atang itago ko 'tong nararamdaman ko. Wala din namang mangyayari, baka iwasan lang ako nun. Hahaha.

Magpatulong kaya ako sa mga kaibigan ko? Magpa-advice? Magagaling naman yung mga 'yon, paniguradong hindi ako kukunsintihin.

Bukas makikipagkita nalang ako nang maaga. Masyado din akon naguguluhan sa magiging desisyon at sa nararamdaman ko kaya magandang makuha ko ang opinyon nila.

——

Kinabukasan, maaga akong nagising. Natawagan ko na pala sila Razzi at Grey, mga kaibigan ko. Sinabihan ko na magkita kami sa coffee shop na malapit sa school ko dati, dun pa din ang school nila ngayon. Nagtransfer lang kasi ako, pero nagkikita pa din kaming magkakaibigan.

My Six Boss and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon