Chapter 26

10 0 0
                                    

REIGN

Nagising ako sa sikat ng araw, sobrang sakit ng ulo ko! 'Di naman ako lasing kagabi.

Hindi ako lasing pero parang may nagawa ata akong kasalanan kagabi na ewan! Haha.

Naalala ko, kagabi... Ang pag-amin ni Lorenz sa akin.

Paano? Bakit? Kailan?

Paano niya ako nagustuhan? Bakit niya ako nagustuhan? Kailan nagsimulang magustuhan niya ako?

Hindi ko rin alam kung anong sagot sa mga tanong ko. Ang hirap naman ng sitwasyon na 'to. Bakit ako?

Ang alam ko lang talaga, si Faye ang gusto niya. Pero bakit ako?

Pero sabi nga niya, he lied. Nagsinungaling siya dahil takot siya.

Hindi ko nalang muna inisip 'yon at naligo muna.

Pagkababa ko, nando'n si Zane pero wala si Zayden. Si Zayden pa naman ang inaasahan ko sa ngayon dahil hindi naman ako maalala ni Zane.

"Kumain na.", masungit na sabi ni Mama.

"Sunget! Hindi na po ako kakain, may gagawin pa kaming project. Bye!", paalam ko. Sisigawan pa sana niya ako pero tumakbo na ako palabas. Nakita ko pa si Tita na nasa labas pero hindi ko na siya pinansin.

Mangungulit na naman yun na sabay nalang daw kami ni Zane!

Wala naman talaga kaming project na gagawin. Gusto ko lang muna makapag-isip isip.

Masyado pang magulo, naguguluhan ako kung bakit ako?

Ayokong maulit yung nangyari noon sa bestfriend kong si Razzi. Ayokong maulit yun kay Lorenz. Ayokong masira ang samahan namin.

Pumunta ako sa isang coffee shop di kalayuan sa school. Kumain na din ako do'n. Nagmadali pa nga akong pumasok sa shop dahil umaambon na.

Ang araw araw kanina tapos biglang uulan. Pati ang panahon hindi ko na din maintindihan, e!

Kasabay ng paghigop ng mainit na kape, sa malakas na pagpatak ng ulan ang gulo ng isip ko.

Hanggang kaibigan lang ang tingin ko kay Lorenz. Pero paano na yung sinabi ko sakanya?  Yung sinabi ko nung tinanong niya ako na pa'no kung nagkagusto sa akin ang bestfriend ko?

Yung sagot ko na ayos lang sakin, na tatanggapin ko yon kung may naipakitang maganda at may napatunayan ang lalaki.

Paano yung relasyong nabuo namin bilang magkaibigan?

Ang dami kong iniisip, ang dami kong tanong.

Pero hindi ko gustong lumagpas sa pagiging magkaibigan ang relasyon namin ni Lorenz.

Kailangan kong sabihin kay Lorenz, kailangan naming mag-usap. Pero hindi ko alam kung sa paanong paraan? Sa paraang hindi siya masasaktan.

Sa paanong paraan nga ba? Hindi nga ba talaga siya masasaktan kahit anong paraan pa ang gawin ko?

Batid kong masasaktan pa din siya. Maliban na lamang kung hindi naman gano'n kalalim yung nararamdaman niya sa akin.

Maya maya naisipan ko nang pumasok. Sakto din naman dahil nakita ko ang first subject teacher ko kaya inunahan ko na agad siya at nagkunwaring hindi ko siya nakita para hindi ako tanungin.

Naabutan kong nakatingin sa pintuan si Lorenz, sinong hinihintay neto?

Nang makita ako, agad siyang napayuko. Ako nga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Six Boss and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon