REIGN
Nakauwi na din kami, sa wakas. Ilang days akong nagstay sa ospital para alagaan si Zane!
Tapos may amnesia ang loko. Psh. Si Selena naman ang nag-aasikaso sakanya minsan kaya hindi ko na siya masyadong inasikaso, bantay lang gano'n.
Wala na akong pake, dyan na siya sa Selena niya! Mas lalo tuloy nawawala ang feelings ko sakanya. Hindi ko na ata siya gusto.
Pero dahil marupok ako kahit hindi kami, gusto ko pa din siya. Wala akong pake, agawin ko pa siya kay Selena, e!
Pero nalaman ko na niligawan pala ni Zayden si Selena noon. Buti nga nagparaya siya at hindi na nakipagtalo pa sa kapatid.
Mahirap ang sitwasyon nila, magkapatid sila tapos iisang babae lang ang gusto nila. Pero di bale, past naman na yun. Ako nalang ang para kay Zane! Letche.
"Hija, kakain na!", sigaw ni Tita Zandra mula sa labas ng kwarto ko.
"Sige po, Tita! Palabas na po.", sagot ko naman. Nag-aayos pa ako ng mga damit ko dahil kakatapos ko lang din maglaba.
Buti nga nakauwi na si Zane, pero wala pa din siyang naaalala. 1 week and 3 days na siyang walang maalala. Pero may naaalala naman na siya kahit papaano.
Sabi ng doctor, 'wag daw biglain si Zane sa pag-alala ng mga bagay bagay dahil babalik din naman 'yun.
May times na biglang mahihilo si Zane at may maaalalang pangyayari bago pa siya mabaril.
Halos apat na beses ata sa isang araw siyang nahihilo noon. Minsan naman, 'pag may nakikita siyang picture ng kakilala niya noon nahihilo din siya.
Nararamdaman kong ilang araw lang din, makakaalala na din si Zane. Tapos na ang maliligayang araw ni Selena! Bwisit siya.
Maya-maya may kumatok sa kwarto ko.
"Eto na po, pababa na!", sigaw ko. Batid kong si Tita lang yun o si Mama. Pero nagkamali ako. "Selena, anong ginagawa mo dito?" Nginitian niya lang ako.
"Parang gulat na gulat ka naman.", nakangising sambit niya. "Gusto ko lang mag-thank you at magbilin. At syempre, magsorry kung nasungitan kita noon" , natatawang sabi pa niya.
"Huh? Para saan yung thank you at ano ang ibibilin mo?", nagtatakang tanong ko. Pinaupo ko muna siya sa kama at umupo naman ako do'n sa upuan ng study table ko.
"For taking care of my boyfriend...", saglit siyang napatigil. "A-Ah, no. Boyfriend ko lang siya sa ngayon." She smiled bitterly. Kita ang lungkot sa mata niya nang banggitin 'yon.
"Ano yung ibibilin mo?", tanong ko.
"We both know naman na nagka-amnesia lang si Zane at hindi naman talaga kami... Naaalala lang niya ako bilang girlfriend niya pero hindi naman talaga kami. Haha.", bumuntong-hininga siya at lumapit sa akin. "Ngayon, kaya ko pa siyang alagaan dahil ako lang ang naaalala niya. Pero 'pag dumating yung time na naaalala na niya kayo, please promise me na alagaan mo siya ha? Never leave his side.", nakangiti niyang hinawakan ang kamay ko.
"S-Sure. Para sayo.", nginitian ko din siya. Bumaba na kami pareho para sumabay kumain. Sinubuan niya si Zane, tuwang tuwa naman yung mokong! Kala mo si budoy, e!
Mabait pala si Selena, masama talagang maging judgemental. Sabi ko nga, hindi na ako magiging judgemental!
Sa una masungit talaga siya at mukhang mataray. Kala mo may galit sa mundo. Pero nang kausapin niya ako kanina, nakita kong nalungkot din siya sa mga pangyayari.