Jax' POV
Jax Carson. I really don't have anything to say. I'm the most quiet person in the whole, whole world!
Tch. Ang ingay ng mga kaibigan ko. Ang usapan, babae. Lalo na 'tong si Zane. Psh! Ewan ko ba kung bakit ko naging kaibigan tong mga 'to.
Mga babaero!
"Ano, Jax? Kumusta laway mo? Panis na ba? Hahaha!", sabi ni Nixon. Kahit kailan talaga 'to. Palibhasa pinakamadaldal eh!
Nginisian ko lang sila. Habang sila, tumatawa pa din. Mga gago talaga.
Sa sobrang inis ko iniwan ko sila doon. Mga baliw eh.
"Tampo na yung chingchong natin. Hahaha!", rinig ko pang sabi ni Rhys. Chingchong ang tawag nila sakin kasi half chinese din ako. Wala akong dugong Filipino. But i was born here. Kaya natuto na din akong magtagalog. But i really love Philippines even though wala akong dugong pinoy.
Dumiretso ako sa tambayan namin. Madami kaming tambayan eh. Hahaha.
*Room*
"Oh? Nandyan na pala ang matampuhin nating kaibigan. Hahaha", -Nixon.
"Wag na tampo baby boy!! Hahahahaha!!", psh! Lagi nalang silang ganyan. Baby boy ang tawag nila minsan sakin pag nagtatampo ako o nagsasarili kasi yan ang tawag sakin ng Mom ko.
"Tch.", tanging singhal ko. Wala naman na'kong pwedeng galaan dahil patapos na ang recess. Naririnig ko pa din ang tawanan nila. Aish! Nakakarindi. Wala akong magawa kaya lumipat ako ng upuan.
Kinuha ko ang libro ko sa history, since yun ang next subject namin at nagbasa. Ganito lang ako pag wala akong magawa o pag naaasar ako sakanila.
Aral lang ako nang aral. Sila kasi nagbubulakbol lang minsan. Pero syempre, di ako nagpapa-impluwensya. Sayang ang hirap ng parents ko kung gagaya pa'ko sakanila.
"Good day, class!", napabalikwas ako ng tayo at pumunta sa upuan ko. Professor namin sa History nandito na. "Since we didn't finish our lesson yesterday, let's continue today.", ayan na naman sa history. Kung saan ako pinakamahina. Pero pinipilit ko namang pag-aralan ito.
"Cohen!", biglang sigaw niya.
"Sinong Cohen, Miss?", tanong ni Zane. Dahil dalawa nga kasi silang Cohen dito, magkapatid.
"You!", nagulat si Zane sa sagot ng lecturer. Ayan. Puro lande. Hindi nag-aaral eh. Hahaha. Kabado bente si tanga oh.
"M-Ma'am?"
"Rice Capital of the Philippines?"
Nagulat si Zane sa tanong ng lecturer. 'Di kasi nag-aaral si tanga! Hahaha.
"A-Ah. Sorry Ma'am. Di ko po alam 'y-yan."
"What?! What the hell are you doing here?! Bulakbol lang? Porket sikat kayo at may mga pera? Hindi ako tulad ng ibang teachers niyo dyan ha! Na hinahayaan lang kayo kasi kayo ang nagpapasahod samin", bakas ang galit sa mga mata niya habang pinapagalitan si Zane.
"Bakit ba ganyan kayo?! Kayong lahat! Porket mga nagpapasahod sa teachers ang lalakas na magbulakbol at hindi na nag-aaral! Ano? Wala na kayong matututunan? Alangan namang pasahurin niyo ako nang wala kayong natutunang kahit ano?", ang taray talaga ng teacher na 'to! Napaka- ingay pa. Pero naiintindihan ko naman siya. Dahil may mali din naman si Zane.