Zayden's POV
Bago ang lahat, magpapakilala muna ako. Ako si Zayden Cohen, kapatid ni Zane Cohen. Obvious naman sa apelyido namin.
Nandito ako sa room namin at wala pang teacher. Kaya nagbasa nalang ako ng libro. Boring eh, yung iba ko namang kaklase nagphone lang.
"Pre, ano nangyari sayo? Mukha kang pinaliguan ng pawis. Hahaha. Tas mukhang bad mood ka pa?", nagulat ako nang magsalita ng ganun si Ryland. Tinignan ko kung sino ang tinanong niya, si kuya. At pawis na pawis nga ito. Tulad ng sabi ni Ryland, mukha nga itong bad mood.
"Hoy, unggoy! Tumahimik ka ah. Alam mo naman palang mukhang bad mood, nakisabay ka pa!", sigaw ni kuya sa kanya. Tch. Ang ingay talaga, kahit kailan.
"E-Eh, sorry naman. Bakit ka ba kasi ganyan?"
"Tch. Wait lang ha? Magpapahinga lang ako pwede?", tumango naman si Ryland sa kanya. Kaming apat naman, nakikinig at naghihintay lang sa ikkwento ni kuya. "Kanina, may kausap akong babae. Inaasar ko siya kung magpapa-autograph ba siya kasi mukha siyang ewan na naghihintay na lumabas ako. Hahahaha!"
"Then?", singit ni Nixon.
"Tch. Saglit pwede? Di pa tapos eh.", inirapan naman siya ni Nixon. "Tapos bigla siyang umalis kaya hinila ko siya tapos tinulak ko siya sa pader. Onting daliri nalang talaga, magkikiss na kami. And, sinadya ko yun. Pero... nagulat ako nung biglang may nagflash sa mukha namin. Tangina pre! May nagpicture sa amin, punyeta naman talaga!", halata pang bad trip na bad trip si kuya.
"Talaga? Eh, paano yan?!", tanong ni Ryland.
"Yun nga eh, patay na ako nyan! Baka nga madamay pa kayo. Hahanapin ko talaga yung lalaking yun, bago pa niya maikalat."
"How did you know na lalaki siya?", tanong ko naman.
"Aish, tanga ka ba?! Malamang nakita ko!", hindi ko na lamang siya kinibo. Masyadong bad trip eh. Tch.
"Sino ba yung babae?", tanong ni
"Ewan, hindi ko kilala eh. Pero parang nakikita ko siya somewhere. I think, kabatch natin."
"Nako pre, mayayari ka sa manager natin. Sikat pa naman tayo. Tapos may issue pa na kakalat!", singit naman ni Rhys.
"Argh! Bahala na, Rhys. Ang mahalaga sa akin ngayon, mahanap yung lalaking yun! Bwisit siya!"
*bell rings*
"Pano 'yan? Uwian na? Baka maunahan ka ng ipakalat yun bago mo pa siya mahanap?", pag-aalalang tanong ni Nixon.
"Problema ba yun? Uunahan ko siya hihintayin ko siya sa gate. Alam ko yung section nung lalaking yun, late sila lagi pinapalabas ang alam ko. Kaya hindi ako uuwi hanggat di ko siya nakikita!", sabi ni kuya at nauna nang lumabas. Kasunod niya ay lumabas na din ako. Pero hindi ko siya sinundan dahil sabi niya, hindi siya uuwi hanggat di nakikita yung lalaki eh. Edi matik na iiwan ko na siya. Hindi pala uuwi ah.
Sabay kasi kami pumasok at umuwi minsan pag trip niya. Pero ngayon, wala siyang dalang sasakyan kaya wala siyang sasakyan pauwi. Hindi naman sasabay sa akin, dahil nga hihintayin niya yung lalaki. Hahahaha, tatawag at magiging leon na naman 'to mamaya.
Pumunta na akong parking lot.
"Long time no see, Cohen.", isang malalim na boses dahilan para matigilan ako sa pagpasok sa kotse. Nasa madilim siyang part ng parking lot kaya hindi ko maaninag ang mukha niya.
"Who are you? Bakit mo'ko kilala?", tanong ko.
"Ha...", natatawang sabi niya na parang nagtatanong kung ano ang sinabi ko. "Ikaw, bakit hindi mo ako nakikilala?", naaaninag ko na ang mukha niya.