Reign's POV
"Next week, madedemolish na tayo." Napatulala ako sa sinabing 'yon ni Mama at hindi nakakibo. Ang hirap maging mahirap. Saan na kami tutuloy?
"M-Maghahanap ako ng trabaho at..." naluluhang sabi ko. "Mauupahan." Argh. Sht. Umiiyak si Mama!
"Hindi! Ako ang hahanap ng mauupahan natin. Ako ang may responsibilidad sa'yo, hindi ikaw ang may responsibilidad sa akin—"
"Si Papa dapat ang may responsibilidad sa atin." Nakatulala pa ding sabi ko.
"Anak..."
"Basta po, ako na ang bahala." Sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.
Saan ako hahanap? Saan? Paano na?
Ang daming tanong, ang daming problema!
Napaiyak nalang ako habang nag-iisip kung paano na ang buhay namin.
Yung tatay ko, may bahay yun panigurado. Pero kami? Paano kami? Wala! Puro sarili nalang niya 'no? Haha. Napakawalang kwenta. Nakabuntis lang, hindi naman inalalayan si Mama sa pagpapa-aral sakin. Ni matitirhan, si Mama din may sagot!
Siya ang tunay na may responsibilidad samin, pero hindi niya magawan ng paraan kung paano niya kami tutustusan.
Tangina, paano na ngayon?! Bwisit. Sa lahat ng tatay, ito pa ang binigay. At sa lahat ng buhay, ito pa ang binigay!
Napapunas ako ng luha nang tumawag si Lorenz. Huminga pa muna ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko bago sagutin 'yun.
"Oh, bakit?" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.
"Tatanong ko lang sana kung nagawa mo na yung assignment natin?"
"A-Ah, haha. Oo naman! Ikaw ba?" Pinipilit kong magtunog masaya ang boses ko, pero tinatraydor ako ng sarili kong luha at boses. Naggagaralgal na yung boses ko habang pinipilit magsalita namg maayos.
"Oo nagawa ko na din." Halatang maganda ang mood niya. "Ahm... Umiiyak ka ba?" Nawala ang tuwa sa tono ng boses niya. Mas lalo akong napaiyak.
"Hindi ah! Hahaha." Ang hirap magpigil, ang hirap pilitin. Ang hirap ipakitang natutuwa ako, masaya ako. Kahit hindi naman talaga.
"Sus. Ano nga?"
"Wala, wala 'to." Pinunasan ko ulit ang luha ko. "May alam ka bang mauupahan?" Tanong ko. Change topic na rin.
"Hmm... Ewan ko lang. Tatanong ko yung Mama ko mamaya."
"Sige, salamat! Kitakits nalang bukas ha? Bye!" Hindi ko na siya pinatapos, binaba ko na agad ang tawag at humagulgol na. Ba't sobrang hirap? Sobrang hirap pigilan yung nararamdaman.
Sobrang hirap sabihin lahat, sobrang hirap! Hindi lahat kaya kong sabihin. Hindi lahat kaya ko. Ang hirap pigilan yung luhang papatak na, yung hagulgol na lalabas na.
Sobrang hirap.
"Anak, lumabas ka na dyan!" Kumatok si Mama, pero ayoko pang lumabas. Bakit ba ang kulit?!
"Mamaya na po!" Matamlay na sambit ko. Nilock ko ang pinto kaya hindi niya mabubuksan 'yon.
Narinig ko siyang bumuntong hininga, narinig ko din ang mga yapak niya kaya nakahinga na ako nang maluwag.
Ano nang gagawin ko? Bwisit na buhay naman 'to!
I opened my facebook account, nakita kong may nagmessage request at agad ko namang tiningnan 'yon.