Nixon's POV
"Punta tayo kila Zane sa sabado?", aya ni Ryland habang papunta kami sa Parking Lot ng school namin.
"Ipaalam mo muna. Tutal, nandito naman ata si Zayden ngayon eh diba?", sabi naman niya. Sabay kaming umuuwi lagi ni Ryland.
"Hanggang ngayon dinidiin mo pa din yan? Kaya ka ba sumali sa isang gangster group para gantihan kami?", nagkatinginan kami ni Ryland sa boses na iyon. Malawak ang Parking Lot kaya sigradong mag-eecho ang boses mo. Alam namin kung kanino ang boses na iyon, kay Zayden. Pero hindi namin alam kung saan at kung sino ang kausap niya.
"Hahahaha. Naaalala mo pa ba yung ginawa niyo? Inagawan niyo na nga ako ng kasikatan, tapos pinabugbog niyo pa ako?". Wait, wth that voice is familliar! "Anong klaseng sikat na group yan. Nananakit ng kapwa sikat na lalaki din."
"Eric!", sabay naming sigaw ni Ry at hinanap kung nasaan sila.
"Sinabing hindi kami ang nagpabugbog sa'yo—"
"Hindi?! Ha?! Hindi? Eh, bakit yun yung sinabi sa akin nung bumugbog sa akin nung nasa police station kami? Paano niya nalaman lahat? Mula sa personal niyong pagkatao, lahat! Alam niya. Kaya paanong hindi kayo?", sunod sunod na sabi niya. Halata ang galit sa boses niya kaya binilisan namin ang paghahanap.
"E-Ewan ko! Hindi ko alam! Walang nakakaalam. Malay ko, malay mo, malay nating lahat! Sinisiraan lang niya kami sayo! E-Eric... Hindi namin magagawa sa'yo yun! Alam mo yan, kaibigan ka nam—", palapit na nang palapit ang boses na naririnig namin at ramdam naming malapit na kami.
"Kaibigan?? Pwes, hindi ko nararamdaman na kaibigan ko kayo!", sigaw niya at may narinig kaming parang tunog ng—Kahoy?
"Zayd!", sigaw namin ni Ryland dahil natagpuan nalang naming nakabulagta si Zayden at may sugat sa gilid ng noo. Tinignan ko nang masama si Eric pero tumakbo siya. Inalalayan na namin si Zayden at itinakbo sa hospital ng school namin.
"Damn. Wake up!", gising ko kay Zayden habang nakasakay siya sa stretcher.
Napahawak na lang ako sa ulo ko namg maipasok na si Zayden sa loob ng Emergency Room. Sabi ng nurse bawal kami pumasok.
"Tawagan mo si Zane, sabihin mo namdito sa hospital ang kapatid niya!", utos ko kay Ryland. Sinunod naman niya ako at dinial ang number ni Zane.
"Patay ang phone niya", nag-aalalang sagot niya.
"Argh!! Tawagan mo nang tawagan! Ako na ang tatawag kila Rhys."
Tinawagan ko na si Rhys, ganun din si Jax. Parehas silang nagulat sa nangyari at nagmamadali nang pumunta. Tapos etong si Zane, naka-off pa din ang phone! Busy sa career samantalang yung kapatid niya nasa hospital.
"Okay na po ba siya? Pwede na bang pumasok?", narinig kong sabi ni Ryland, kausap niya yung doctor.
"Kamag-anak po ba kayo?", umiling kami.
"Friends lang kami. Bakit? May masama bang nangyari?", nag-aalalang tanong ko sa doctor.
"Wala naman. Hindi naman malala ang tama sa ulo niya.", nakahinga kami ng maluwag sa sinabi niyang iyon. "Pwede na po kayong pumasok at pakitawag nalang po ako kapag may dumating na kamag-anak niya.", sabi ng doctor at umalis na. Nagmadali naman agad kaming puntahan si Zayden na ngayon ay gising na.
"Are you okay?", tanong ni Ry. Tumango naman siya.
"Zayden Cohen!! Zayden Cohen ang hinahanap namin nurse! Pakibilis!", isang pamilyar na boses kaya napatingin kami sa labas.