Reign's POV
"Halika, ihahatid kita sa kwarto mo!" Masiglang sambit ng kaibigan ni Mama. Ang sigla sigla niya talaga kausapin. "Ah, teka. May boyfriend ka na ba?" Tila kumikinang ang kanyang mga mata.
"W-Wala pa po.", sagot ko. Gabi na at halos kakauwi ko lang dahil gumala pa kami ng mga kaibigan ko, nagpaalam naman ako kay Mama. Ngayon palang ako nag-aayos ng gamit ko.
"Saktong sakto!" Parang kinikilig pa siya. "Ipapakilala kita sa panganay ko! Hihi."
"Tita!" Napatigil ako nang marealize kong napasigaw ako. "M-May crush na po ako. Sikat na sikat pa po! Kaso..." nilingon ko siya. "Hindi niya ako gusto." Nginitian ko siya nang mapait.
"Edi... Ipapakilala na nga talaga kita!" Hindi ko na lamang siya pinansin at nakipagtawanan nalang. "Dito ang kwarto mo, halika. Ayusin mo na ang mga gamit mo ah! Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka pa." Nginitian niya ako pero nandun pa din yung pang-aasar na parang ipapakilala niya talaga ako!
Nginitian ko siya at pumasok na sa loob dala-dala ang maleta ko. Umupo ako sa kama at nilibot ang tingin. Ang ganda! Kulay pink.
Binuksan ko na yung maleta ko para ihanda ang mga gamit ko na aayusin. Una kong nilabas ang mga picture ng SGN. Syempre, kasama sila palagi 'no!
Syempre lalo na ang picture ni Zane! Siya ang may pinakamaraming picture na kinollect ko.
Nilabas ko na din ang punda ng unan at kumot ko na may design ng mukha ng SGN. Kay tagal ko din 'tong tinago sa cabinet ko noon dahil ayaw kong marumihan.
Nang mailabas ko na lahat ng merch ko ng SGN, sinunod kong buksan ang isa kong maleta na may laman naman ng mga damit ko at hygiene kit ko.
Una kong inayos at nilagay sa cabinet ang mga damit ko.
Dinikit ko sa pader yung mga picture ng SGN, nilagay ko din yung album ko ng SGN sa study table ng kwarto na 'yon.
Nagbihis na ako ng pantulog. Ready'ng ready na ako matulog! Sa ibang kwarto pala si Mama.
Napapikit pa ako habang niyayakap ang unan na may punda ng SGN, iniimagine na totoong kayakap ko sila. Argh, sana totoo! Hahaha.
Patulog na ako nang may kumatok naman. Letche, sino ba 'to!
"Sino ba 'yan? Pasok!", hindi naman nakalock ang pinto kaya pinapasok ko na siya habang nagsusuot ako ng tsinelas para tumayo. Pero nagsusuot palang ako, napatigil ako nang malaman kung sino 'yon.
Zane...
"Ikaw?!" Sabay naming sabi.
"What the fuck! Ikaw yung sinasabi ni Mom?", naguguluhang sambit niya.
"Ikaw yung sinasabi ni Tita?", balik ko ng tanong sa kanya. Nagseryoso ang mukha niya at kumalma. Mukhang problemado.
"Sabi niya tulungan daw kita mag-ayos ng gamit mo." Pumasok na siya nang tuluyan sa kwarto. Narealize kong punong puno ng pictures nila 'to lalo na ang kama ko! Potek na design yan.
Ngumisi siya. "Adik na adik samin ah? Lalo na sakin?" Nakakainis yung ngisi niya!
"H-Hindi ah! Sayang kasi 'yan. N-Napulot ko lang. Kaya dinikit ko." Papikit pikit ang mata ko habang nagsasalita dahil sa sobrang hiya. Tinatakpan ko pa ang kama ko at ang pictures na nakadikit sa mga pader.
Kinuha niya yung album na nandun sa table.
"Pati ba 'to napulot? Sayang naman, tinatapon lang nila.", ngumisi ulit siya. Mabilis akong pumunta sa kanya at hinablot yung album na hawak niya. Punyeta! Nakakahiya!