Chapter 13

9 1 0
                                    

ZANE

Tapos na kaming magdesign dito sa gaming room ni Rhys kaya dinala na dito ng mga katulong nila yung pagkain, wine at desserts. Yung cake naman nandun na sa gitna.

It's our second anniversary as a group. 20th birthday din ni Rhys kaya espesyal palagi ang araw na 'to at pinaghahandaan namin nang sobra.

"Reign, paki ready na yung cake. Buksan mo na.", utos ko kay Reign. Kailangan ko munang maging matino ngayon dahil second anniversary namin.

Next time ko na pagttripan si Reign. Hahaha!

"Okay, let's start the party!" Sigaw ni Nixon at nilakasan na ang tugtog. Sobrang ingay talaga neto magpatugtog!

Nagsayawan lang kami at nag-usap usap. May kanya kanya kaming pinag-uusapan. Sila Reign at Cassandra kasama yung kaibigan nilang lalaki magkaka-usap.

Ewan ko ba, no choice ako na naging buntot yan nila Reign! Psh, pasalamat sila naawa pa ako!

Bukas ng umaga, pupunta pa pala ako kay Zayden. Kailangan kong magising nang maaga. Pero paano? Tinatamaan na ata ako sa alak.

Naglabas pa kasi ng Alfonso 'tong si Rhys! Ginanahan tuloy akong mag-inom.

Di bale, kung sakaling malasing ako at late makapasok bukas, sa uwian ko nalang pupuntahan si Zayden.

Bukas na siya makakalabas ng ospital pero magpapahinga muna siya sa bahay ng 1 week. Kailangan kong patahimikin si Reign na 'wag sabihin ang nangyari kay Zayden kung sakaling makauwi na ito.

Sila Reign, puro inom lang ng wine. Ang boring naman nila kasama sa party!

Maya-maya dumating na yung manager naming babae, kaedad siya ni Mom.

"Hey, my babies. Mwah! Mwah!", bineso niya kaming lahat. "And of course, happy birthday Rhys!", bati niya kay Rhys at inabot ang regalo.

"Ah, mamita. I want you to meet... Reign, Cassandra and...", tiningnan kong mariin si Reign para sabihin ang pangalan ng lalaki. "L-Lorenz. Assistant namin si Reign at tinutulungan naman siya nung dalawa.", tumango siya sa akin.

"Oh, hi! I'm Savi.", pakilala niya at nakipagshake hands pa. Mabait namanang manager namin at talagang inaalagaan kami nang maayos.

"So, yeah. Happy second anniversary, SGN!!", sigaw ni Nixon. Nagcheers kami sa table namin, kasama din namin ang manager namin. Sa kabilang table naman, nagcheers din ng wine yung tatlo.

Hindi ba sila naboboringan sa pinaggagagawa nila? Walang kasaya-saya, hindi sila nag-eenjoy! Halatang nga inosente pa.

"Try this.", lumapit ako sa table nila at nilapag ang Alfonso na dala ko. Kalahati nalang 'to.

Hindi pa naman ako masyadong nahihilo pero nanghihina ako. Grabe ang hina ko na sa inuman! Isang week din akong hindi nakainom dahil sa mga nangyari.

"Bilis na, try lang. Nakakaboring kaya ang puro wine lang!", dugtong ko pa dahil nakatulala lang sila sa akin.

Hindi sila kumibo kaya ako na mismo ang nagsalin ng mga 'yon sa baso nila. Agad nilang tinikman 'yon. Parang diring-diri pa sina Reign at Cassandra nang tikman yun. Pero si Lorenz, chill lang.

Halatang sanay na sanay sa inuman, ah?

"That boy...", sambit ng manager namin at bahagyang lumunok. "He's familliar.", familliar daw? Sino ba siya? Hahaha.

"Paanong familliar? Baka naman nakita mo lang po siya somewhere.", tama si Ryland.

"Oo nga naman, mamita."

My Six Boss and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon