LORENZ
It's my birthday. 1 week na din nang huli kong makita si Reign. Busy siya kakaalaga sa Zane na 'yon.
Ngayon din ako may aaminin pang isang sikreto kay Reign.
Papunta na sila rito ng SGN kasama si Faye. Tapos na ding mag design ng bahay ang mga kasambahay namin.
Sila lang naman ang bisita ko kaya hindi masyadong bongga ang handa at design.
Nalaman ko din na nagka-amnesia si Zane at pinaalalahanan kami na 'wag bibiglain si Zane sa pag-alala ng mga bagay bagay. Grabe naman ata ang nangyaring pagkakabaril sakanya.
Tinawagan ko kanina yung kaibigan kong may Ate na doctor. Ang sabi niya, bihira lang daw sa mga pasyente ang nauuwi sa gano'n. Pero imposible naman daw na mangyari yo'n sa kaso ni Zane.
There's something wrong. Feeling ko din ay imposibleng mangyari yo'n kay Zane dahil hindi naman kritikal ang lagay niya after siya operahan. Ang bilis pa nga niya maging okay, e!
"Nandya'n na ang mga bisita mo.", tawag ni Mama sa akin. Nasa kwarto ako ngayon at kasalukuyang nag-aayos ng aking sarili.
Nasa mood si Mama ngayon na maging maasikaso muna dahil birthday ko. Tss, wala rin minsan sa hulog ang nanay ko!
"Susunod na po ako." Sagot ko naman kaya lumabas na din siya ng kwarto. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at huminga nang pagkalalim.
Handa na ba akong sabihin kay Reign ang matagal ko nang gustong sabihin o aminin? Lalo na kay Faye? Handa na ba talaga ako?
Pero nangako ako sa sarili ko na ngayong kaarawan ko mismo sasabihin kay Reign at Faye ang sikreto ko. Ngayon ko aaminin sa kanila.
Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto ko. Habang bumababa ako ng hagdan, nakatingin sila sa akin.
I looked at Faye and Reign. They're both beautiful. Tama lang ang ayos ni Faye, naka dress na peach at light ang make-up. Si Reign naman, naka skirt na black at see-through naman ang pantaas.
Ito ang unang beses na makita ko siyang gano'n ang suot. She looked sexy.
"Ehem.", binasag ni Rhys ang katahimikan. "Happy Birthday, Lorenz. Salamat sa pag-imbita!", tumayo siya para yakapin ako at batiin. Sinundan naman siya ng ibang members.
"Happy Birthday, bro!"
"Salamat din sa inyo at nagkaro'n kayo ng time makapunta dito. Kaibigan na din ang turing ko sa inyo.", lumingon ako kay Zane na nagdudutdot lang sa cellphone! Tss. "So, kain na tayo! Mamaya na magcellphone.", pang-aasar ko. Lumingon silang lahat kay Zane na masama na din ang tingin sakanila. Tumawa sila at sumunod na din sa akin para makakain na.
"Eatwell and feel at home!", nakangiting sambit ni Mama sakanila.
"Ang plastik.", nakangising bulong ko kay Mama. Hinampas ako! Masakit 'yon buti nalang walang nakakita sa amin dahil busy silang kumain.
"Mmm." Nakakabastos pakinggan pero siguro'y masarap talaga ang pagkain.
Mamaya pa ako kakain 'pag umuwi na sila. Halos kakakain ko lang din. Mag-iinuman pa.
Nang matapos na sila, nilabas na ng kasambahay namin yung wine. Wine lang, magagalit si Mama.
"Wine?", nagtatakang tanong ni Nixon. Halatang lasinggero ah?
"Magagalit Mama ko.", natatawang sagot ko naman. Tumango nalang silang lahat.
Isa-isa ko nang nilagyan ang mga baso nila, onti lang ang nilalagay ko sa baso ni Reign dahil baka malasing na naman 'to at wala sa wisyo kapag inamin ko na sakanya.