Chapter 17

6 1 0
                                    

LORENZ

Hindi ko alam kung paano ko nasabi yun kay Reign. Alam ko namang takot na takot akong banggitin yun pero hindi ko alam kung paano? Sa paanong paraan ko nasabi yun.

Paano lumakas ang loob kong umamin na si Faye ang gusto ko? Argh, hindi ko din alam!

Nasa coffee shop ako ngayon, kasama si Reign. Itutuloy namin ang pag-uusap.

"So, ano nang gagawin mo?", tanong niya.

"H-Hindi ko alam. Sayo ko lang muna sinabi kasi naguguluhan pa ako kung sasabihin ko ba talaga kay Faye."

"Bakit naman?", nagtatakang tanong niya.

"Syempre, alam mo na... We're just friends para sakanya. Pero p-para sa akin kasi, iba na 'to.", napayuko ako. Nakakahiya.

"Hmm... Siguro nga, wag muna.", sang-ayon niya. "Masyadong mahirap yan, ang mafall sa isang kaibigan. Pag nareject ka once, hindi na mababalik yung dating friendship niyo. Pero it depends. It depends naman sa tao.", nakangiting sambit niya. Napangiti din naman ako.

"Pero ikaw, Reign?", uminom muna ako ng kapeng nasa harap ko. "Kung halimbawa aamin sayo yung bestfriend mo or yung friend mo, anong gagawin mo?"

"Wala."

"Wala?", anong ibig namang sabihin ni Reign na wala?

"Just like what I said earlier, nakadepende yun sa tao. Pero kadalasan sa mga sitwasyon na ganyan, mahirap talaga mabalik yung dating friendship. Pero kung halimbawang sa akin mangyayari, tatanggapin ko! Kung nakikita ko namang pursigido yung taong yun, kung kilala ko naman siyang lubos, mabait siya o matalino at may respeto... Tatanggapin ko yung pag-amin niya, at after non friends pa din pero walang reject na mangyayari kung makita kong pursigido siya. Ganun lang yun.", mahabang paliwanag niya. Nagulat naman ako sa sinabi niyang 'yon.

"W-Wow..." , nginitian niya ako. Nakakamanghang isang Reign ang makakasabi sa akin ng ganon. Isang Reign ang makakapag-advice sa akin ng ganon. "Hindi nga ako nagkamali ng pagpili sa kaibigan. Salamat sayo.", I smiled and kissed her torridly... char bastos hahahaha! Ngumiti lang ako.

"No worries. I'm always here for you.", hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako. Sobrang swerte ko kasi may kaibigan akong katulad ni Reign.

Matapos non, umuwi na agad ako. Umalis daw si Mama sabi ni Papa kaya kailangan ko ng umuwi bago pa siya dumating.

Ang daming nawiweirdan sa tawag ko sakanila. Bakit daw hindi Daddy at Mommy dahil may kaya naman daw kami. Tss, pang maaarte lang yun e, jusko naman!

Natulog muna ako saglit... Iniisip ko kung ano nang sunod kong gagawin matapos kong sabihin kay Reign na si Faye ang gusto ko.

——

Nagising ako dahil sa ingay sa baba. May mga bisita, narinig ko pa silang nagkwentuhan.

"Itong si Keanu, nung nagpakasal lamg kami tsaka ko lang nalaman na siya pala yung batang niligtas ko sa lawa, nalulunod siya noon! Hahaha!", nakita kong tumingin pa si Mama kay Papa at tumatawa.

Umakyat muna ako sa kwarto ko.

Naalala ko yung batang niligtas ko din noon mula sa pagkakatalon sa building. Naalala ko noon na nung una, tinawanan ko pa siya.

Kasi sa murang edad niya at namin noon, may kaedad pala akong ganoon na agad mag-isip.

Kinausap ko siya na parang nang-aasar pa noon, pero yun yung way ko para maisip niyang hindi siya nag-iisa.

My Six Boss and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon