ZANE
Bwisit na yan! Bakit ba kasi naging kaibigan ni Mama yun? Dagdag problema. Kapag may nakaalam lang talaga na magkasama kami, kahit babae siya aba! Bubugbugin ko talaga.
"Malapit na foundation day! Sali tayo track and field." Bungad sa akin ni Ryland nang makapasok sa school.
"Baliw ka ba? Ako nga ang pambato ng section natin." Binatukan ko siya.
"Namo naman, oo nga sabi ko nga! Nakalimot lang e.", nakapout pa siya. Putcha hindi bagay! "Galingan mo pre, ah? Lilibre mo kami." Kinindatan niya ako at tumakbo. Pasalamat siya wala ako sa mood makipaghabulan.
Ako ang pinakahuling pumasok, hinintay lang talaga ako ni Ryland. Yung iba naman nasa room na, kunwari pang aral na aral.
Pero dapat ko bang sabihin sa mga kagrupo ko na nakatira si Reign sa amin? Siguro nga, oo. Mga kaibigan ko naman sila at wala na silang pake doon!
Badtrip na badtrip akong umupo sa upuan ko nang makapasok sa room. Inis na inis pa din ako dahil sa set-up namin ngayon. Pasalamat lang talaga ang babaeng 'yon takot kaming lahat sa nanay ko! Argh.
"Ba't parang ikaw naman si Jax ngayon? Hahaha!", pang-aasar ni Nixon sa akin. Putcha, walang makikisabay kung ayaw niyong madamay.
"Pwede ba manahimik ka?", seryosonh sabi ko. Nanahimik naman siya.
"Ano problema pre?", bulong ni Rhys. Pero sapat para marinig din ng iba.
"Walang makakaalam neto." Tumango naman sila. "Tara sa tambayan wala pa namang teacher.", chineck ko pa muna kung may paparating bago tuluyang lumabas. Sana wala munang teacher.
"Oh, ano ba yun?" Masungit na tanong ni Jax.
"Easyhan mo!", pang-aasar ni Ryland. Tinapik pa niya ang likod ni Jax na parang umiiyak ito. Hahahaha!
"Gan'to kase...", bumuntong-hinga pa ako hindi ko alam kung sasabihin ko ba talaga. Nakasarado ang pinto ng tambayan namin kaya wala naman sigurong makakarinig. "Hindi ko alam kung sasabihin ko ba talaga o hindi. Argh!", napatayo ako at sinabunutan ang sarili. May tiwala ako sa mga kaibigan ko pero hindi ko pa din alam kung sasabihin ko ba o hindi.
"Sabihin mo na, pre! Anong oras na oh. Tayo tayo lang naman.", tiningnan pa ni Nixon ang wrist watch niya.
"Kilala niyo yung sinabi kong inasar kong hahalikan ko tapos may nakahuli sa amin?", umupo muna ako at pinakalma ang sarili.
"Oo pre. Ano meron? Ano ba pangalan no'n?", si Rhys.
"Si Reign...", pumikit ako at humugot ng lakas ng loob. "Nakatira siya sa bahay namin." Gulat na gulat sila sa sinabi ko at hindi nakaimik agad. "W-Wait... Kaibigan ng Mama niya si Mom. Wala silang matirhan ngayon kaya pinatira muna sila ni Mom doon.", nawala sa mukha nila ang gulat at napalitan 'yon ng pagtango. Mukhang namisinterpret nga nila yung kanina.
"Eh, bakit wala silang matirhan?", tanong ni Nixon.
"Nademolish daw sila.", nagpalumbaba ako. "Alam niyo naman, takot kami sa nanay namin. Maski si Dad!" Nagtawanan sila. Totoo naman, kapag may maling desisyon si Dad nagbubungangaan sila ni Mom. Bibig pa naman non daig pa ang bomba! Sabog nalang nang sabog kahit hindi naman siya hinahagis.
"Tara na—"
Napatigil kaming lahat nang makarinig ng nalaglag na bagay. What the fuck! Sino na naman 'to? Bakit lahat nalang ata kapag may importanteng balita about sakin na makakasira ata ng pangalan ko, may mga nakakakita o nakakarinig?