ZAYDEN
"We're here!", ani Sariah nang pumasok sa kwarto kasama si Reign. Dala nila yunh donut na hiniling kanina ni Selena.
Napakaarteng babae!
"Yehey!! Thanks, Zane!", nginitian siya ni Kuya. Ah, hindi... Kuya gave her a SARCASTIC smile. Bakit? Bakit kakaina ang ngiting binigay ni Kuya kay Selena? Sa itinuturing niyang girlfriend.
Kung walang amnesia si Kuya, panigurado'y lalayuan niya si Selena. Hindi din siya papayag na lapitan siya ni Selena.
Paniguradong magagalit din si Kuya kung pupuntahan siya ni Selena matapos niyang mawala few years ago.
"Zayd!!", napatingin ako kay Sariah nang sigawan ako. "Ano? Nakatanga ka na dyan hahaha! Bumili din kami ng donut para satin dahil alam kong para kay Selena lang yung donut na pinabili ni Zane.", tinarayan pa niya si Selena. Inggit na naman. Hahaha!
"Duh, as if naman may care si Zane bigyan kayo di naman siya nakakaalala.", rinig kong bulong ni Selena para di marinig ni Zane.
Naglalaro lang din sa cellphone niya si Kuya. Walang pake sa paligid niya basta alam niya nakakakain ng donut ang girlfriend niya.
Corny!
Pero masaya ako para kay Kuya, dahil sa pagpaparaya ko noon naging masaya sila.
"Samahan mo si Reign bumili ng snacks dali!!" Pnalo palo pa ako ni Sariah, sinamaan ko siya ng tingin. Loko! With matching palo pa, e!
"Na naman?", reklamo ko.
"Anong na naman? Wala na tayong snacks, ngayon ka nga lang bibili tapos may kasama ka pa! Aba!", sarcastic na sambit ni Sariah.
Padabog akong lumabas ng pinto. Pauwi pa nga lang ako sa bahay, e! Uutusan naman ako. Bahala na!
Nakasunod lang sa akin si Reign, nakayuko siya at mukhang nagiguilty.
"Reign, don't feel guilty okay?", nginisian ko siya.
"Sorry, may gagawin ka pa ata. Ako nalang ang bibili.", nginitian niya ako. Umiling ako, responsibilidad ko na samahan siya dahil ako ang pinasama.
"No, pwede namang mamaya na ako umuwi." Sumakay kami sa kotse para pumunta sa mall. Ayoko sa convenience store, hindi naman kumpleto!
Nang makarating kami sa mall, nauna na pumasok si Reign. Siya din kasi ang sinabihan kong mamili muna kung ano ang gusto niyang snack mamaya na ako.
"Magjollibee tayo mamaya pagtapos dito.", sambit ko at tumango naman siya. Mabuti naman, hindi na siya tumanggi.
Hindi na din siya iba samin dahil nakatira lang kami sa iisang bahay. Si Kuya lang ang mapantrip.
"Sorry, Miss." Isang malaking tinig ang narinig ko habang pinupulot ang mga nalaglag ni Reign na snacks.
"Aziel!", bati ko nang makita ang mukha niya.
"Oh, bro!" Niyakap niya ako, ang harot naman neto!
Siya si Aziel, he's my childhood friend. Nung nasa New York palang ako, do'n ko siya nakilala. Magkaibigan ang parents namin kaya bata palang kami, sobrang close na kami.
"Magkakilala kayo?", tanong ni Reign at nakaturo pa sa amin.
"Ay hindi! Sino ka ba? Ba't kita niyakap?" Natatawang sagot ni Aziel, napakapilosopo talaga! Napanguso naman si Reign at tumawa kalaunan. Hahaha!
"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko.
"Ah, nagnanakaw ng mga chichirya."
"Punyeta ka talaga!"
"Aba malamang, naggrocery!" Nagtawanan kami. Bwiset talaga 'to, napakapilosopo kahit kailan!
"Bagay na bagay sa'yo ang magiging trabaho mo na Lawyer!", ngumisi ako. Si Reign naman nagtitingin tingin lang ng snacks habang naglalakad kami.
"Magdedetective na ako. Nagbago isip ko. Hahaha!", sagot niya at kumuha ng isang Pic-A sa tabi niya.
"Childhood dream mo 'yon diba?", tumingin ako sakanya at kumuha din ng Pic-A at nilagay do'n sa dala naming cart.
"Oo, pero may Lawyer naman na sa pamilya. Si Ate Elyse. Tsaka mas gusto ko nalang ding maging detective.", sagot naman niya kaya tumango nalang din ako.
Nang matapos na maggrocery, naghiwalay na din kami ni Aziel kahit walang kami. Pumunta na din kami ni Reign sa jollibee at kumain na.
"Kailan kaya babalik yung alaala ng Kuya mo?", tanong sa akin ni Reign. Nagkibit balikat na lamang ako. "Parang ang sungit pa naman nung Selena."
"Hindi yun.", ngumiti ako. "I know her." Sambit ko, napalingon siya sa akin.
"Paano?", tanong niya. "Ay, sabagay kapatid mo yung ex niya." Sabi naman niya at muling kumain.
"I courted her.", napatingin siya ulit sa akin. "Hahaha! 'Di talaga kapani-paniwala kasi magkapatid kami ni Kuya Zane."
Bahagya kong binaba ang hawak kong kutsara't tinidor at kinrus ang mga braso.
"Ikkwento ko 'to kasi komportable naman na ako sayo. May tiwala ako.", nginitian naman niya ako. "Noong una, ako ang nagkagusto kay Selena. So, I courted her. Pero habang nililigawan ko siya, nahuhulog na din pala si Kuya sakanya... Ganun din siya kay Kuya.", tiningnan ko siya. Nakikinig lang siyang maigi sa akin.
"Haha. So ano ako do'n? Parang ako pa yung panira 'no? Ako yung naunang manligaw at alam ni Kuya 'yon pero sa huli, parang ako pa yung pa-epal." Saglitan akong ngumisi at muling tinuloy ang pagkkwento.
"Anong ginawa mo?", tanong niya.
"Nagparaya ako.", I smiled bitterly. "Mahal ko si Selena pero mas mahal ko si Kuya. Mahal ko sila parehas kahit na sila din pala, nagmamahalan na. Haha. Kaya nagparaya ako. Hinayaan ko sila. I want them to be happy kaya nagparaya ako kahit na masaktan pa ako. I want them to be happy kahit na ikasasakit ko pa yung pagiging masaya nila."
"You're strong. You are a very strong person, Zayden. You let her go even if you love her. Para sa kasiyahan nila, ginawa mong malungkot ang sarili mo."
"Anong matapang dun? Eh, pinalaya ko nga siya hindi ko man lang siya pinaglaban.", tumawa ako.
"Sa love, merong dalawang klase ng tao. Pero parehas lang na matapang." Binaba niya ang kutsara't tinidor at tumigil muna sa pagkain. "Yung isa, laban lang! Kahit nasasaktan laban pa din! Pinaglalaban yung pagmamahalan na nakakasakit na, pinaglalaban yung love kahit nasasaktan na." She smiled. Ang galing niya pagdating sa love. Haha. "Yung isa naman, pinalaya yung taong mahal pa niya. Kasi gusto niyang maging masaya at malaya ito, sa paraang ikasasakit mo."
"Y-Yah.", sambit ko.
"At sa tingin ko ikaw yung pangalawa sa binanggit ko. At sa tingin ko din, mas maituturing na matapang yung pangalawang binanggit ko."
"Huh? Bakit naman? Paano?"
"Kasi sa love, hindi puro laban! Lalaban ka kasi mahal mo, pero dalawa naman kayo nasasaktan. Mas maituturing kong matapang yung paglelet go. Kasi Zayden, mas mahirap magpalaya ng taong mahal mo pa. Mas mahirap i-let go yung tao kasi gusto mo siyang maging masaya kahit hindi sayo. Mas mahirap magparaya, para maging masaya sila habang ikaw...nasasaktan na."