REIGN
Nandito na ako sa lugar kung nasa'n si Mama. Nanginginig akong pumasok sa lugar na 'yon. Nakakatakot!
Feeling ko biglang may hahablot sa akin dito at pagsasamantalahan ako.
"Magaling, Ms. Assistant!", isang malaking boses ang narinig ko kaya't inikot ko ang paningin ko. Isang anino ng lalaki ang nakita kong papalapit sa akin.
Nanginginig ako ngayon at kinakabahan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
"S-Sino ka? N-Nasa'n ang Mama ko?", nanginginig na tanong ko. Ako lang ang mag-isa, naaaninag ko na yung ibang lalaki. Mukhang gang talaga sila! "Tsaka... B-Bakit mo siya kinuha? Ano bang nagawa niya sainyo?" Mangiyak ngiyak na sabi ko.
Sobrang nag-aalala na ako kay Mama at gustong gusto ko na siya makita!
"Hahahaha!", rinig na rinig ang malakas na tawa niya sa buong abandonadong building na 'yon. Madami pang kahoy ang nakapaligid.
"Nasa'n ang Mama ko!", matapang na sabi ko.
"Napakadali mong utuin para lang sa Mama mo?", nakita kong ngumisi siya. Anong ibig niyang sabihin?
He snapped at tuluyan nang bumukas ang ilaw.
"Sabihin mo... Salamat voice phishers. Hahahaha!", natatawang sambit niya at iniharap sa akin ang dalawang babae. Voice phishers? So hindi totoong kinuha nila si Mama?
"W-Wala si Mama dito?!"
"Napakadali mong utuin, Ms. Assistant.", nakangising sambit pa nito. Paano niya nalamang assistant ako ng anim na mokong? Sino ba sila?
"Sino ba kayo?! Anong kailangan niyo? B-Bakit niyo ginagawa 'to? Ano bang kasalanan ko sainyo?", naiiyak na sambit ko pa. Pilit kong kumakalas sa pagkakahawak sakin ng dalawang lalaki ngunit hindi ko kaya... Masyado silang malakas.
"Ang daming tanong!", malakas ng sigaw niya na siyang ikinakabog ng dibdib ko. "Ikaw wala, pero yung mga boss mo? Madami!" Naguguluhan ako.
"Ang SGN? A-Ano bang nagawa nila sainyo? Bakit kailangang pati ako at maski ang nanay ko! Dinamay niyo pa!", naiiyak na sigaw ko. Tinali nila ang kamay ko sa isang upuan at tinurukan ako ng pampatulog. Naramdaman ko pa ang pagsuntok nila sa tyan ko.
——
Nagising na lamang ako nang may marinig na sigawan sa paligid ko. Ang sakit ng katawan ko, sobrang sakit lalo na yung tyan kong sinuntok nila kanina.
"Oh my, Zane. Ha-ha-ha! Nakakatawa kayong pagmasdan. Akalain mong nagdala pa ng back up para sa assistant?", unti unti kong naaninag ang paligid.
Sina Zane!
Kasama niya ang buong SGN... Hindi lang ang SGN, may iba pa silang kasama, madami sila. Mas madami pa sa grupong kumuha sa akin. Kasama din nila si Lorenz!
Pawis na pawis ako at sobrang sakit na ng katawan ko. Nanghihina na din ako at hindi alam kung ano na ang gagawin.
"Zane, Lorenz...", nanghihinang sigaw ko. Dahilan para lumingon sila sa akin. Halata ang pag-aalala sa mukha nila.
Tatawagin ko pa sana ulit sila nang suntukin ako nung isang babae na kasama nila, sa mukha at sa tyan. Tinadyakan pa ako hanggang matumba ako sa sahig kasama ang upuang pinagtatalian nila sa akin.
Lalapit na sana sa akin si Lorenz upang tulungan ako ngunit pinigilan siya ni Zane.
Naiintindihan ko, mamaya din ay makakaalis na ako dito.
"Kung may galit ka, Eric... Wag na wag mong idadamay si Reign.", seryosong sabi ni Zane. Halatang halata na ang panga niya dahil sa panggigigil. Nag-aalala siya...Nag-aalala si Zane.
Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko akalaing tutulungan nila ako. Pero paano nila nalaman?
Ano bang kasalanan ng SGN sa Eric na 'to?
Nakita kong ngumisi yung Eric. "Ang dali niyong utuin! Sobrang dali! Hahaha!", malakas na tawa pa niya. "Minsan, kailangan may idamay kasi alam kong mapapapunta talaga kayo dito at magtutulong tulong."
Maya-maya pa'y nagsimula na silang maglaban. Nanghihina akong nanonood sakanila at nagdadasal na sana'y mailigtas kami dito.
Ang iba sa kalaban nina Zane ay may dalawang kutsilyo, alam kong may baril din na hawak yung Eric pero hindi pa niya ito nilalabas.
Sa kabila ng pagsipa sa akin nung babaeng kasama nila Eric, nagdadasal pa din akona sana matapos na 'to... Na sana matigil na 'to at maging ligtas kami.
Ubos na ang kalaban. Ngunit si Eric at yung babae nalang ang natitira.
Nakita kong nasa likod ng babae si Lorenz, sinenyasan niya akong wag maingay. Maya-maya hinampas niya ito ng kahoy sa batok kaya napatumba ito at nawalan ng malay.
"Are you okay?", nag-aalalang tanong ni Lorenz. Nginitian ko siya para sabihing ayos lang ako, hindi ko kayang magsalita ngayon.
Tinanggalan na niya ako ng tali at inalalayan. Sina Zane naman ay hawak hawak pa si Eric. Habang yung iba, hawak yung ibang kasama ni Eric. Si Zane at Eric ang magkalaban.
Nang matumba si Eric ay agad na lumapit si Zane kay Zayden para tulungan ito.
May nakalimutang kunin si Lorenz sa sahig kaya nilingon ko siya habang kinuha iyon.
"Reign!!", narinig kong sigaw ni Zane kaya lumingon ako.
Parang nagslow-mo ang buong paligid nang makarinig ako ng putok ng baril. Tila nagslow-mo din ang bala no'n na papunta sa akin. Pumikit lamang ako, sana hindi pa ito ang katapusan ko.
Maya-maya narinig ko na ang tuluyang putok no'n. Naramdaman kong may yumakap sa akin. Hindi ko naramdaman na may masakit o may dugo man lang sa katawan ko.
Nang tignan ko kung sino yung yumakap sa akin, napaiyak nalang ako.
"Zane!" Si Zane, niligtas niya ako. Niligtas ako ni Zane! Dahil sa pagyakap niya, siya ang natamaan ng bala! Siya yung nabaril.
Naglapitan na dito yung kasamahan nila, buhat buhat ng braso ko ang ulo ni Zane at umiiyak.
"Kuya!", sigaw naman ni Zayden. "Call an ambulance!", naiiyak at nagpapanic na sabi niya.
Damn. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Zane!
"B-Bakit mo yun ginawa? Handa naman ako para do'n e. Bakit mo pa ako niligtas?!", sigaw ko sakanya. Nginitian niya lang ako. Alam kong nanghihina siya.
"W-Wala 'yon. B-Basta nailigtas kita.", nginitian pa niya ako na mas lalon nagpaiyak sa akin. Puno na ng dugo ang kamay ko. "M-Malayo 'to sa b-bituka—ah!", sigaw niya sa sakit.
"Anong malayo?! L-Lagot ako kay Tita!", iyak ko pa. Nilapitan ako ni Lorenz at tinapik ang likod ko.
"H-Hoy, ingatan niyo yung assistant natin.", nakangisi pang bilin niya sa mga kagrupo niya. "K-Kapag nawalan na naman tayo ng a-assistant, wala nang m-maghahanap at mahahanap... S-Sige kayo! Hahaha.", nanghihinang tawa niya.
"Wag ka nang magsalita!", saway ko.
Maya-maya din may dumating nang ambulansya at pulis.
Fvck! He saved me... Kahit pa ikamatay niya. Kapag may nangyari sakanyang masama, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Hindi!
Magdadasal nalang ako na sana walang masayang na buhay nang dahil lang sa pagligtas sa akin.