Chapter 21

6 1 0
                                    

REIGN

It's been 4 days since nabaril si Zane and hanggang ngayon, hindi pa din siya nagigising.

Ang sabi ng doctor after 2-3 days, magigising na siya! Pero bakit wala pa din?

"Doc, bakit hindi pa din po nagigising ang anak ko?", mahinang tanong ni Tita sa doktor ni Zane.

"Most of the patients who experienced the same struggles with your son, 2-3 days po talaga sila magising after operation.", nakangiting sagot naman ng doktor. "But later or maybe tomorrow, magising na po ang anak ninyo Misis." Tinanguan lang ni Tita ang doktor at saka hinatid palabas.

Nandito kami sa room ni Zane, magkakasama. Nandito ang buong SGN at yung isang member nung nagligtas sa amin noong nakaraan. Nakalimutan ko ang pangalan niya. Aaron? Hay basta, sa A nagsisimula yun!

Si Mama naman papunta na din dito para dalhan ng pagkain si Zane, kasama niya si Zendrei.

Sabado ngayon, walang pasok kaya nandito ang lahat. Hindi naman pwedeng sabay sabay dumalaw yung mga kaibigan ni Zane dahil hindi kasya dito.

"Hello, Tito! Tita!", bati ng isang magandang babae nang pumasok sa room ni Zane.

"Oh, hi!", bati naman ni Tita Zandra sakanya. Ang ganda niya. Sino naman kaya siya? Baka pinsan siguro ni Zane.

Nakipagbeso siya kila Tita Zandra at Tito Earl at saka lumapit kay Zayden.

"Hey.", ngumiti pa siya na lalo niyang ikinaganda. Lumapit naman siya sa ibang member ng SGN. "Hi! Kamusta ulit? Hahaha!", tanong niya pa sa mga ito.

"Ah, ayos lang. Parang nung nakaraan lang kakakita lang natin!", tawa naman ni Nixon.

Malaki ang kwarto kaya kasya naman kami. Maximum ng kwarto is 10-14 persons. Kaya sakto lang talaga sa dami namin ngayon.

Maya-maya pumasok na si Mama kasama si Zendrei.

"Oh, kain na kayo.", sabi ni Mama at nilapag sa mini table ang dala dala niyang pagkain. Si Zendrei naman, umupo agad sa tabi ko at nag-iPad! Tsk tsk, mga bata ngayon tutok na tutok na sa gadgets.

"Hello!", masiglang bati ko sakanya. Tinitigan niya lang ako.

"Just eat some food. Y-You might get sick if you wouldn't eat.", maya maya'y sambit na naman niya at saka muling naglaro sa iPad niya. Nginitian ko lang siya at inakbayan. Buti naman hindi siya kumibo.

Hinayaan ko lang silang magkainan do'n kasama yung babae. Sino ba 'yun?

"Kain na." Sambit ni Tita Zandra sa akin.

"Mamaya na po, Tita. Busog pa po ako." Nakangiti ko namang tugon, tumango lamang siya at kumain na ulit.

Nang umuwi na ang mga bumisita kay Zane, kami nalang na magkakasama sa bahay nila ang naiwan dito. Si Mama, si Tito't Tita, si Zayden, si Zendrei at ako.

Nakaupo ako sa gilid ni Zane at hinihintay pa din siyang gumising.

Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi sana ako nagpauto at naging tanga, hindi sana siya nabaril.

"Hija, magpahinga ka na muna." Nakangiting banggit ni Tito Earl sa akin. Umiling lang ako.

"Hay, oh siya sige! Mauna na kaming umuwi ah? Papunta na din si Zayden dito, naligo lang 'yun.", sabi naman ni Tita. Nginitian ko lang sila at hinintay na makalabas. Tumingin akong muli kay Zane.

Sana gumising ka na, gumising ka na please...


ZANE

"Reign, hindi magugustuhan ni Kuya kapag nakita kang ganyan ang hitsurs mo.", ang ingay. Ano ba 'yun?

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ang ingay!

"Z-Zane!", putcha sino ba 'to! Malabo pa ang paningin ko. "G-Gising na siya, Zayden!", sigaw ng isang babae. Ano ba naman 'to! Napakaingay.

Unti-unti ko nang naaninag ang mukha niya... nila!

"S-Sino kayo?", tanong ko sakanila. What the— sino ba 'tong mga nasa kwarto ko! At saka, nasaan ako?

"H-Ha? Kuya naman! Nagjojoke ka na naman kakagising mo lang! Hahaha! Si Zayden 'to, si Reign. Diba? Diba?", sabi naman nung isang lalaki. Langya 'tong mga 'to hindi ko nga sila kilala paanong Kuya niya ako?

Tinignan ko naman yung babae, parang nag-aalala pa siya.

"T-Teka, ano bang nangyari? Wala naman akong matandaan? Nasaan ba ako?", naguguluhang tanong ko sakanila.

"Tumawag ka ng doktor!", sigaw ng babae dun sa nagsabing Kuya daw niya ako! Di hamak naman na mas pogi ako kesa sakanya kaya paanong magiging Kuya niya ako?

Maya-maya dumating na din yung doktor, nagtataka ko siyang tinignan.

"N-Nasa ospital ako?", sambit ko. Ewan ko ba, ang tanga lang! May doktor naman akong nakita so alangan namang nasa bar ako 'no? O nasa barko? Tss.

"What happened?", tanong ng doktor at lumapit sa akin. Chineck niya yung mata ko at kung ano ano pang ginawa sa akin. "He's stable pero anong sabi niyo? Hindi niya kayo maalala?", nagtatakang tanong naman ng doktor.

Mga bobo doktor dito ha?! Paano ko sila maaalala e, hindi ko naman ata talaga sila kilala!

"Y-Yes, Doc.", sabi naman nung lalaki.

"Bihira sa pasyente ang magkaroon ng amnesia after operation. Mukhang napasama siya sa 'bihira' na yun." Sabi naman nung doktor. Bihira nila mukha nila, di ata marurunong ang mga 'to!

"Teka, s-sino ba ako?", tanong ko ulit sakanila. Wala ba silang mga bibig at hindi sila makasagot?!

"You're Mr. Zane Cohen, son of Zandra and Earl Cohen and leader of SGN." Sambit naman nung lalaki. SGN? Huh? Ano yun? Bakit ngayon ko lang narinig!

"SGN? Anong ka-cornyhan yan!" Asar ko pa, parang mga jejemon pa ata 'tong mga 'to!

Nagkatitigan sila at napahawak nalang sa noo.

Maya-maya may pumasok pang babae na doktor.

"How's he?", sambit nito.

"S-Selena...", sambit ko naman. Ang ganda pa din niya. Tinignan ko muli yung dalawa, tahimik lang.

"P-Paano? Bakit mo kilala si Selena?", tanong sa akin nung lalaki. Putcha, ano bang pangalan neto ha?!

"Malamang! Girlfriend ko siya! Ikaw, sino ka ba? Bakit mo kilala ang girlfriend ko?", sagot ko na ikinagulat nung babae na kasama netong lalaki Zayden ata ang pangalan nitong naka blue na lalaking 'to. Maski si Selena, nagulat din.

"A-Ah, hahaha!", nakangiting sambit naman ni Selena at lumapit sa akin.

"I missed you!", niyakap ko siya. Niyakap naman niya ako pabalik.

Nakita ko pa yung babae at lalaking nagtataka at nakasimangot na nakatingin sa amin. Sino ba sila! Inggit lang?

My Six Boss and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon