Chapter 22

6 0 0
                                    

REIGN

Si Zane, wala na siyang maalala. Hindi na niya ako maalala, hindi na niya kami maalala.

"Pero paanong yung Selena lang ang naaalala niya?", tanong ko kay Zayden. Nandito kami sa canteen ng ospital.

"Hay, ewan ko din. Siguro dahil...", saglitan siyang napatigil. "D-Dahil sa past nila ni kuya.", naiilang na sagot niya.

"Huh? Ano namang past yun?"

"Mag-ex sila.", mabilis niyang sagot habang pinupunasan ang labi niya. What the—

"Ex?!", tinakpan niya ang bibig ko nang mapasigaw ako. "S-Sorry... Nabigla lang ako. Pero, ex niya talaga yun? As in naging magjowa sila ganon?" Tinanguan niya naman ako. Hindi ako makapaniwala. Pero bakit? Bakit si Selena lang ang naaalala niya?

Kumain muna kami bago bumalik ulit sa kwarto ni Zane. Nadatnan naming magkatabi sila ni Selena at nagtatawanan. Napatingin sila sa amin ngunit pinagpatuloy ulit ang ginagawa at pinagkkwentuhan.

Umupo nalang muna kami do'n sa sofa ng room ni Zane. Nandu'n din pala si Zendrei.

"Nasa'n ang Mama mo?", tanong ko. Nilapag ni Zane yung take-out naming pagkain.

"She went home with Dad.", masungit na sambit niya. Tumango naman ako.

"Ahihi. Ano ba, Zane!", rinig kong sigaw ni Selena. Anong meron sa dalawang yun?

Enebe, Zane. Nyenye, panget mo Selena! Akin lang yang Zane ko!

"Oh, I'm sorry. May kiliti ka pala dyan." Tawa naman ni Zane. Nakitang may bata sa harap nila, grabe pa din magharutan!

"Stop looking.", napatingin ako kay Selena nang sabihin niya 'yon.

"I'm sorry ba—", napatigil si Zane nang malamang hindi siya ang sinabihan ni Selena. Ako... Ako yung sinabihan niya.

"A-Ahh, hehe. Sorry.", napayuko ako sa sobrang pagkahiya. Ganun na ba ako kaadik at kainis sa harutan nila? Tss.

"Hmm... So, assistant ka nila Zane?", tanong sa akin ni Selena. Parang nang-iinggit pa!

"Y-Yes.", ngumiti naman ako.

"You're the reason.", ngumisi siya.

"What do you mean?"

"Nabaril si Zane dahil sa'yo!", sigaw niya. "N-Nabaril ang... B-Boyfriend ko.", nanlilisik ang mga mata niya sa galit sa akin. Hindi niya yun boyfriend, ex niya lang!

"Shut up! Hindi mo siya boyfriend, ex mo lang siya.", bulong ni Zayden sakanya pero narinig ko pa din. Medyo malayo si Selena kay Zane dahil lumapit siya sa akin kanina. Hindi ko alam kung abot sakanya yo'n.

"I-I don't care! Boyfriend ko siya, at girlfriend niya ako! At dahil dito... s-sa babaeng 'to! Muntik na siyang mawala!", sigaw niya pa at akmang sasampalin ako.

Napapikit ako at hinintay na may masakit at malakas na sampal na dadapo sa kamay ko ngunit parang wala naman. Dumilat ako ulit.

Nakita kong hawak ni Zane ang kamay ni Selena, gulat na gulat naman si Selena at nagbait-baitan pa. Ang keme neto!

"Dito ka nalang, hayaan mo na yan!", sinamaan ako ng tingin ni Zane.

Kupal pa din kahit nagka-amnesia! Letche. Sana di nalang niya ako maalala talaga at di na siya makaalala ulit, nang makalimutan din niya kung gaano siya ka-harsh at kasama sa akin!

My Six Boss and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon