Chapter 15

4 1 0
                                    

REIGN

"Huy!", tawag ko kay Lorenz. Hindi naman niya ako pinapansin. "Bakit ba hindi mo ako pinapansin?"

"Reign!", pawis na pawis na sambit nito. "N-Nandyan ka pala.", umiwas siya ng tingin.

"Hmp! Kanina pa ako nandito! Hindi mo ako pinapansin."

"G-Ganun ba? Hindi ko narinig e, hehe.", napakamot pa siya ng ulo.

"Sus, imposible! Ano bang problema?" Tanong ko, alam kong may iba siyang dahilan.

"Wala naman, may onting problema lang about sa family.", nginitian niya ako. Yung ngiting ngayon ko lang nakita sakanya, yung ngiting pilit, yung ngiting sa labi lang makikita at hindi sa mga mata.

Hinayaan ko nalang siya, mukhang mabigat. Pag mabigat kasi talaga, mas mahirap sabihin. Kaya kesa layuan sila dahil ayaw nila sabihin, dapat mas iniintindi sila kasi hindi naman lahat kayang magsabi ng problema.

Hindi pwedeng layuan ko siya nang dahil lang sa hindi niya pagpansin at hindi niya pagsabi ng problema.

Minsan, mas kailangan nating umintindi at icomfort yung taong 'yon.

Pumasok na kami sa room, kakatapos lang ng recess. Mamayang lunch pupunta pa kami sa tambayan nila Zane. Kanina nga nung kinausap kami ni Zane, nakatingin lahat ng tao.

Kaya tuwing napapadaan kami puro bulungan, na paano daw namin naging close si Zane. Paano namin siya nakakausap nang ganon kapormal, na parang magkakaibigan lang.

Well, assistant ako hindi ako kaibigan! Psh. Baka hindi nila maintindihan, baka mapagkamalan akong girlfriend or kaibigan nila. Iw.

Kahit sino naman sakanila hindi ko jojowain, 'no! Maliban nalang kung nanligaw si Zayden, siya nalang. Hahaha.

"Hey, Reign!", nagulat ako nang tawagin ako ni Faye. Nandito na pala kami sa loob ng room. "Tulala ka dyan, narinig mo ba ang sinasabi ko? Hahaha!", sa unang tingin akala mo'y napakatahimik niya. Sobrang daldal pala!

"A-Ah, sorry. May iniisip lang.", nginitian ko siya.

"Hay, nako! Ano ba 'yon?", she crossed her arms.

"Wala, wala.", nginitian ko siya.

"Sus, halata namang meron!", bulong niya pero sapat para marinig ko. Tinawanan ko lang siya.

Iniisip ko yung pag-uusap namin ni Zane kagabi. Naisip ko na naman si Papa. Kahit naman na naiinis ako sakanya, inaalala ko pa din siya.

Iniisip ko pa din minsan kung kamusta na ba siya? O okay lang ba siya?

Kahit na iniwan niya kami noong 14 years old ako, nakabonding ko pa din siya noong bata ako kaya mahirap din para sa aking ipagtabuyan siya.

Mahirap din sa aking sabihan siya ng masasakit na salita. Pero nagagawa ko lang yun dahil ayaw ko siya mapahamak o mapaaway dahil meron na din naman siyang ibang pamilya.

Oo, hinayaan ko si Papa na sumama dun sa iba niyang pamilya. Malaki na ako, halos kaya ko na din buhayin si Mama. Pero yung mga anak niya doon, mga bata palang. Yung iba mga baby palang talaga.

Mas kailangan ng mga batang 'yon ng alaga ni Papa ngayon kesa sa akin. Dumaan na din ako sa edad nila at gusto ko maranasan nilang maalagaan din ng isang Ama.

Ayokong madanas nila ang nangyari sa akin noong kabataan ko kaya hinayaan namin siya ni Mama na doon sumama sa iba niyang pamilya.

Pero hindi ko alam kung bakit kailangan niyang bumalik, anong meron? Anong ganap? Anong drama? Psh.

Ano na kaya ang ginagawa ni Papa ngayon? Maswerte pa rin ako dahil kahit hindi na kami kumpleto, masaya naman kami.

Hindi nga katulad nila Zane, kumpleto at mayaman pero punong puno ng problema.

Nagpapasalamat pa din ako na may problema ako, at kahit gaano pa kalala 'yon hindi ako gumagawa ng alam kong mali para lang matapos ang problema ko.

Nagpapasalamat ako sa ibinibigay na problema sa akin, doon ako nabubuhay.

Doon tayo nabubuhay.



ZANE

"Anong nangyari dyan, Zayd?", tanong ni Nixon kay Zayden. Hindi ko nakita kung ano yung tinutukoy ni Nixon.

"Ah, eto...", nilingon ko sila. Yung malaking peklat sa hita ni Zayd! Hindi ko pa din alam kung ano ang nangyati doon, hanggang ngayon. "Ewan, nasugatan lang din siguro noong bata pa ako. Alam mo na... Kakulitan plus katangahan. Hahaha!", tinawanan naman namin ang sinabi niya.

Sabagay, ganon nga siguro. Baka nasugatan lang talaga siya. Pero paano? Bakit siya nasugatan? Alam kaya ni Mama 'yon?

Malamang, Zane! Magulang 'yon, magulang! Tanga tanga ka!

Nandito nga pala kami sa The Bartz, bar malapit sa school. Dito agad ang diretso namin nang mag-uwian kanina. Si Zayden naman, nakakakilos na nang maayos. Friday ngayon, sa lunes na siya makakapasok.

Naisipan naming magbar dahil kaya na ng ni Zayden pumasok sa lunes, at para na rin makapagbonding.

Um-order ng Alfonso at ng Tequila si Nixon, napakalakas talaga sa alak! Palibhasa si Rhys ang magbabayad!

Si Jax naman, nakauwi na kaninang umaga. Kaya naisipan din naming mag bar muna.

"Kumusta sa Bora, tol? Hashtag sana all kami dito, e! Hahaha!", asar ni Rhys.

"Tss. Ang boring.", seryosong sabi nito. Wala man lang ka-emosyon emosyon.

"Maboboring ka talaga kung ganyan ka katahimik at kaseryoso doon!", nagtawanan sila sa sinabiko.

"Walang masyadong ginawa, nagpicturan lang sila.", napapailing niyang sambit.

"Hahaha!", malakas na tawa ni Nixon. "Ano nga palang ikkwento niyong dalawang magkapatid?", isa din pala sa ipinunta namin dito ay ang maglabas ng sama ng loob.

Uminom muna ako ng isang baso ng tequila bago magsalita.

"Dad wants us to take over the company.", panimula ko. Kita ang gulat sa mga mukha nila, alam din nilang kay Zendrei sana ang magmamana ng kompanya. "I know what you're thinking... Nagulat din kami na biglang nagbago ang isip nila."

"T-Teka. P-Paano? Bakit biglang naging ganoon si Tito?"

"Ewan ko din, pati ako nagulat.", ngumisi ako at tumingin sa kawalan. "Noon naman, gustong gusto niyang maging engineer ako, at maging doctor naman si Zayden. Na tuparin yung pangarap namin for ourselves."

"Pero nung umuwi ako kagabi kasama si Reign, nagulat nalang ako nung sinigawan niya ako at inopen ang tungkol sa kompanya."

"Mas gusto kong tuparin ang pangarap ko, kesa manahin ang kompanyang hindi naman ako ang nagpakahirap itayo.", I smiled sarcastically.

"Buti nalang nandun si Reign kagabi.", uminom akong muli ng tequila. "Tinulungan niya ako, binigyan niya ako ng payo."

"Wiw, baka kung saan na mapunta. Ehem.", asar ni Nixon. Tinignan ko siya nang masama. "T-Tuloy mo na."

"Sabi niya sa akin, ilaban ko lang daw yung gusto ko. Kasi mas masarap maging successful kung pinaghirapan mo.", ngumiti ako. Hindi ko akalaing may tinatagong ganong kwento si Reign, hindi ko akalaing siya pa ang magsasabi sakin non.

"She has a point. Prove yourself. Patunayan niyo kay Tito na kaya mo maging engineer at matupad ang lahat ng pangarap niyo nang hindi minamana ang kompanya. Magsasawa din yun, baka bukas makalawa payag na agad siya", seryosong sabi ni Jax.

May point sila. Tama sila, ilalaban ko lang yung pangarap namin ni Zayden para sa sarili namin.

"K-Kuya.", bahagyang umubo si Zayden. "M-May hindi ka pa nalalaman."

"Huh? Ano yun?", hindi pa pala lahat ay alam ko. Kulang pa din.

"Ipapa-arrange marriage tayo nila Dad... For the sake of our company."

My Six Boss and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon