Chapter 20

7 1 0
                                    

REIGN

Nandito na kami sa ospital at kakapasok lang ni Zane sa operating room. Kinakabahan ako.

"Natawagan niyo na ba sina Tita?", tanong ko kay Zayden. Tinanguan naman niya ako.

Kanina pa ako nagpaikot ikot ng lakad sa tapat ng operating room at napapaiyak nalang tuwing naaalala ko ang senaryo kanina nang iligtas ako ni Zane.

Bakit? Bakit niya ako kailangang iligtas?

"Hey, calm down.", saway sa akin ni Lorenz. "Maupo ka muna, inumin mo 'to.", iniabot niya sa akin ang tubig na binili niya. Sinunod ko naman siya at kinuha ang dala niyang tubig.

"Walang magagawa ang pagpapanic natin, maghintay nalang muna tayo at magdasal. Magiging okay din si Zane.", seryosong sabi ni Nixon. Ngayon ko lang siya nakitang malungkot at seryoso, kadalasan kasi ay tumatawa siya. Kaibigan ba naman niya ang mabaril, siguradong kung ako yun ay magiging ganyan din ako.

"Anong sabi ng doctor kanina?", tanong ni Jax. Medyo late siya nakarating dito dahil tinulungan niya ang iba nilang kasama.

"Inooperahan na siya.", kita ang gulat sa mukha ni Jax. Ngayon ko lang din siya nakitang nagkaron ng emosyon ang mukha.

Tama si Nixon, walang magagawa ang pagpapanic ko. Pero hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa akin dapat tatama ang bala pero niyakap at niligtas niya ako!

Pumunta ako sa chapel ng ospital at nagdasal muna.

Pagbalik ko, nandun na ang Mama nila Zane.

"Ayos kalang ba, hija?", tanong ni Tita. Tumango naman ako. "Nasa nurse station pa ang Tito mo." Dagdag pa niya.

"T-Tita...", niyakap ko siya ang tuluyan nang napaiyak. "Kasalanan ko po... S-Sorry po, kung hindi niya sana ako niligtas hindi siya mag-aagaw buhay ngayon. K-Kung hindi lang sana ako nagpauto na kinidnap si Mama, e-edi sana... Okay si Zane.", hagulgol ko. Wala akong pake sa lakas ng boses ko.

Naiiyak na din si Tita, hindi lang niya pinapahalata. Anak niya ang nag-aagaw buhay.

"Shh. It's okay, magiging maayos din si Zane.", pinunasan niya ang luha ko at ang luha niya.

"Si Mama po?", tanong ko at nilibot ang tingin sa paligid.

"Papunta na dito." Tumango naman ako. Maya maya, dumating na din si Tito.

"Argh!", bahagya niyang sinuntok ang pader. "Bakit ba nangyayari 'to ha?!", naiiyak na sambit niya.

Nakaramdam ako ng guilt, kasalanan ko 'to. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Sana pala hindi nalang ako nagpauto.

Hindi man lang ako nakahalata na hindi si Mama yun. Sarili kong nanay, hindi ko marecognize yung boses. Damn.

"Reign!", niyakap ako ni Mama. "Nako, jusko po! Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Mama. Umiyak na naman ako. May bakas pa ng onting dugo sa kamay ko.

"M-Mama... S-Si Zane", ang ingay ko na. Kanina pa ako iyak nang iyak, kanina pa din nila ako pinapatigil.

"Shh..." tinapik ni Mama ang likod ko at pinatahan. Pero hindi ko mapigilan yung mga luha ko. Hindi ko mapigilan yung hagulgol ko, hindi ko mapigilan yung nararamdaman kong guilt.

——

Nagising ako sa ingay ng paligid. Nakahiga ako sa upuan dito sa hallway. Anong nangyayari? Saan galing ang ingay na 'yun?

My Six Boss and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon