REIGN
Simula na ng araw na magiging impyerno ang buhay ko. Ngayon na ako magsisimulang magsunod sunuran sa SGN. Okay lang, gusto nila ako na din magpaligo sakanila. Except Zane! I hate him na! Argh. Pero fan pa din niya ako.
Sige na nga pati si Zane papaliguan ko na din.
"Hoy! Ano ba? Pinagpapantasyahan mo ata kami, e.", napatayo ako sa sigaw na 'yon ni Zane. Nandito ako sa tambayan nila at kasama ko si Faye. Lunch ngayon so nandito kami.
Kasama din si Lorenz, buti nga pumayag ang SGN na makasama namin si Lorenz. Wala kasi siyang ibang kaibigan. Ayaw din naman makipagkaibigan sa iba dahil mukhang mata-pobre!
"H-Hindi ah! Asa ka!"
"Aba, ikaw ang umasa!"
"Ingay naman.", saway ni Ryland. Naglalaro siya ng computer games. Tiningnan lang ako nnag masama nito ni Zane.
"Kain na!", sigaw ni Nixon. Naglapitan naman kami sa table. Medyo nakakahiya pero dapat kaming masanay dahil simula ngayon makakasama ko na ang SGN.
Sa lamesa, may pizza, may cake, may burgers at juice. Gan'to sila maglunch? Napakadami!
"Ngayon lang kami naglunch ng ganito kaya ang swerte niyo, kayo lang ang nakasama namin." Nakangisi si Zane, yabang!
"At simula ngayon, ganito na talaga tayo maglunch. Sabay sabay na.", sambit naman ni Rhys at kumuha na ng pizza.
Jusko, ang daming pagkain. Isama pa na pati ang SGN pwede ding pagkain. Joke! Hahaha.
Pwede din, pwede naman yon ah!
"Mamaya, kunin niyo yung cake sa shop na pinaggawan ko. Second Anniversary namin as SGN. Pumunta din kayo, okay?" Sambit ni Zane. Psh, no choice na naman. Sumunod kapalit ng pagtira sa bahay.
"Saan naman 'yon?" Tanong naman ni Lorenz.
"Dyan lang sa kalapit na mall. May shop dyan diba? Do'n yon." Sabagay, isa lang ang pagawaan ng cake sa mall na kalapit netong school.
Tumango lang kami at umupo na dun sa sofa.
"Sasali ka sa Rubik's Cube Competition?", tanong sa akin ni Faye.
"Ah, oo. Kaming dalawa ni Lorenz.", nilingon ko si Lorenz. Tumango din siya at nginitian si Faye.
"Malapit na ang foundation day diba? Gusto ko nga sumali sa track and field e.", malungkot na sabi ni Faye.
"Wag ka na malungkot, malay mo sa international ka na talaga maglaro. Hahaha.", hindi kasi siya napili bilang representative. Si Anna yung napili, mahina daw kasi siya at mahinhin kaya hindi siya pinili.
Parehas kaming di pinili. Hahaha.
"Sana nga makapaglaro ako sa inernational games. Hahaha."
Next week na ang Rubik's Cube Competition dito sa amin. Next week na din kasi ang second week ng Mathematics Month.
Pinaghahandaan ko pa kung paano kong mabibeat yung fastest time ko na 38 seconds. Kailangan ko mabeat ang sarili kong time noon.
Hindi ko din akalain na marunong at magaling din si Lorenz pagdating sa ganun. Kaya nga din niya yung 4 by 4. Pero 3 by 3 lang kasi ang ipapabuo sa amin next week.
Nagbabalak din akong sumali sa Tower of Hanoi. Kaso baka maghagol na ako, sobrang busy. Pasahan na ng requirements lalo na't college na ako at graduating na. Dumagdag pa 'tong SGN na 'to!