CHAPTER 1
"Good morning, Araya." Bati ni Jaesen sa kay Araya pagkapasok nito sa building ng kumpanyang pinagtatrabahuhan. Nginitian niya lamang ang lalaking receptionist at binati pabalik bago mabilis na nagtungo sa elevator paakyat sa 12th floor. Napahawak siya sa tiyan. Kumukulo iyon. Late na siya at hindi pa siya nakakapag-almusal.
Nang makapag-time in ay laking pasasalamat niya dahil maaga pa siya ng isang minuto. Lulugo sa pagod na tinungo niya ang kanyang upuan at binuksan ang kanyang computer. Ilang araw na siyang hindi makatulog dahil sa nangyari ilang linggo na rin ang nakararaan.
"Araya! Ayusin mo daw yung computer ni Sir Mico, hindi daw siya makapag-save ng file!" Napabalikwas siya nang marinig ang sigaw ni Andrea, officemate niya. Nakabusangot na hinila niya ang paa paalis sa kanyang work station patungo sa 19th floor.
Dumaan muna siya sa Employee's lounge at nagtimpla ng kape bago dali-daling nagpunta sa HR Manager ng kumpanya. Gutom na siya at kailangang mainitan ang kanyang tiyan. Bibili siya ng alamusal kapag natapos na niyang ayusin ang computer ni Sir Mico.
Sa kamamadali ay hindi na niya napapansin ang mga taong nakakasalubong. Ni hindi na nga siya nag-aangat ng tingin at bumabati. "Oh! Oh my God!" Sigaw ni Araya at mabilis na inilapag ang tasa sa pinakamalapit na lamesa. May nabangga siya! Ang mas Malala ay natapunan pa niya ng kape! Careless, Araya, very careless!
Mabilis na hinugot niya ang kanyang puting panyo mula sa bulsa at ipinunas iyon sa damit ng natapunan niya. "Sorry. I'm so sorry." Paulit-ulit niyang paumanhin habang pinupunasan niya ang suit nito. Shit! Mukhang mamahalin pa naman! Ilang saglit lang ay tinulak na nito ang kamay niya. "It's fine!" The man snapped at her. Agad itong umalis, hindi man lamang niya nagawang masilip kung sino iyon.
"Araya! Ang tanga mo talaga!" Bulong niya sa sarili at pinukpok pa ang ulo. Hinayaan na lang niya nang lalaki, marahil ay nagmamadali rin ito. Iniwan na lamang niya ang ngayong walang lamang tasa sa lamewsa at nagtungo na sa opisina ng HR Manager ng kumpanya.
"Good Morning, Sir Mico." Bati ni Araya kay Mico nang makapasok siya sa loob ng opisina nito. Nakita niyang kunot ang noo nitong nakatutok sa computer.
"Araya?!" Nagtatakang tanong nito nang makita siya. Napatayo pa ito sa upuan at lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at tinitigan na parang isa lang siyang imahinasyon.
"Ugh!" Sa huli ay sigaw nito. Siya naman ngayon ang napkunot noo. "Andrea told me na wala ka daw! So, she fixed my computer!" Lintaniya nito. Lihim siyang napangiti at napailing. Naku, ang dalawang love birds. Bulong niya sa sarili.
"Ay 'yun naman pala, Sir. Edi pwede na pala akong bumalik sa baba?" Nakangiti niyang tanong. Hindi lingid sa kaalaman niya na may gusto ito sa kanya. Ngunit sa tingin niya ay mas bagay ito kay Andrea na may lihim na pagtingin dito. At isa pa, hindi ito ang tipo niyang lalaki.
Napanguso na lang ito at hinayaan siya. Habang naglalakad pabalik ay napagtanto niyang malapit na talagang mahulog ang loob ni Mico kay Andrea. Iiling-iling siyang bumalik sa kanyang pwesto upang tapusin ang kanyang naiwang trabaho kahapon.
Isa siya sa maraming IT specialist ng malaking kumpanya ng angkan ng mga Adams sa Pilipinas. Marunon siya sa software programming, may kaunting alam din siya sa hardware and software aspects ng isang computer. Malaki ang opportunity sa Adams Empire kaya kahit software programming talaga ang forte niya ay kinuha niya ang posisyon.
Hindi lamang kasi dito sa Pilipinas umiikot ang kompanya kung hindi sa buong Asia. Maraming produkto at sub-company ang Adams Empire, at ang bawat kumpanyang hawak nito ay pinalalakad ng kung sino sa mga apo ng pinakamatandang Adams.
BINABASA MO ANG
The Consequence [Completed]
RomanceWARNING RATED SPG!! Some scenes may not be suitable for young audiences. BOOK 1 - FIN BOOK 2 - FIN Duology When he first saw her, he knew deep inside that this girl should be his and his alone. He pursued her, followed her until he got her right in...