C6:Coffee?

168 6 0
                                    

Melisa

Sa paghinto ng train tinignan ko ang aking katabi na tulog, Sobrang amo ng kanyang mukha, Matangos ang kanyang ilong, maninipis na labi, makinis na mukha at makisig na katawan. Siguro madaming babae na ang napaiyak neto? Tila na istatwa ako ng dumilat ang kanyang mga mata at seryosong tumingin sakin. Those pair of Golden brown eyes.

"I swear...h-hindi kita tinitignan" tsaka umiwas ng tingin. Great ang ganda ng rason ko peste.

"Tch." yun lang ang narinig ko sakanya bago niya ako iniwan bitbit ang mga pinamili ko at naunang bumaba na ng train, ayos ah. Sarap pektusan!

Wala akong ginawa kundi sundan siya. Napahinto Ako ng maalala ko na wala pa pala akong dragon Egg! Omaygolly. Dahil sa pagka-tanga ko na bangga ako ng babae at nabuhos sa aking uniform ang dala niyang ice coffee, ang lamig!

"What the hell! My coffee!" she shouted hystericaly. Ang coffee pa talaga ang inaalala niya? Samantalang basang basa na ako ng kape niya, ayoko pa naman sa kape hayy.

"Your coffee? Ako yung nabasa hindi ang kape." matapang na saad ko na ikinataas ng isang kilay niya.

"Did you know that this coffee is a limited edition of Wouliac Coffee shop?! It cost a fortune!" ang oa niya, sinakyan ko na lang ang kaartihan niya.

"Una, hindi ko Alam na may limited edition na pala ang mga kape ngayon. Pangalawa, Wouliac? Tss malay ko naman sa coffee shop na yun? Pangatlo, it cost a fortune? Tanong mo kung nasaan ang pake ko." sabay belat bleeehh! Alam kung childish na childish pero isa ito sa mga bagay na mas ikakairita niya. Itinapon niya ang cup ng coffee na kalahati na lang ang laman sa lupa tsaka pinamewangan ako bitch mode na siya agad?

"You bitch! You don't know me so if I were you I would already beg for forgiveness." mataray na saad niya.

"Well sad to say that you are not me." nakangising sagot ko na mas ikinagalit niya pa mukha na siyang aswang. Mabuti na lang at konti lang ang mga tao ngayon na dumadaan. "Humingi ka na lang sakin ng sorry dahil nataponan mo lang naman ako ng Limited Edition mong kape"

"Bitch! How dare y---" akmang susugurin na niya ako ng may humawak ng kamay niya. "P-presider." ang kaninang aswang ay biglang naging tuta sa harap ni presider?! Napaawang ang kanyang labi ng bitawan siya ni Presider na agad humarap sakin tsaka napatingin sa uniform ko na nabasa ng ice coffee.

Hinawakan niya ang braso ko tsaka kinaladkad na ako paalis sa lugar na yun. "Fucking coffee." narinig ko pang bulong niya. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa malaking gate ng Dominion University agad rin Naman kaming pinagbuksan ng mga bantay.

"There's no more Eggs at the market." seryosong sabi niya.

"Ano?! Ibig bang sabihin hindi na ako makaka pasok neto bukas?" nagaalang tanong ko, baka ipalayasin ako! Oh no,no,no.

"Gagawan ko ng paraan. Fix yourself first. You look disgusting." walang ganang sabi niya. Maka pagsalita to!

"Nasaan na nga pala ang pinamili natin?" naglalakad kami ngayon sa corridor as usual mas nauuna siya sa paglalakad.

"I'll pass it to your teacher tomorrow morning. Together with the dragon egg." saka siya lumiko sa kanan habang ako naman ay sa kaliwa. Ibang building kasi ang girls dorm at ang boys dorm.

Pagkapasok ko sa kwarto ko dumeretso na agad ako sa banyo para maligo ang lagkit na kasi ng balat ko. Ang sama ng babae Di man lang nag-sorry kainis. Nagbihis na ako suot ang maluwag kung White shirt at ang kulay pula kung pajama. Agad kung tinapon ang sarili ko sa kama, *hikab* nakakapagod ang araw na to, dahan dahan Kung ipinikit ang aking mata hanggang sa makatulog na ako.

Sacred Dominion University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon