Prologue

501 10 0
                                    

-------------
(A/N: Hello guys! So this is my first chapter and I hope you will love it! Nakalimutan kung gumawa ng prologue so I decided to make this as a prologue pag pasensyahan niyo na lang po na kalimutan lang ni Oturr haha! I decided to update this every time I have a chance to.... Don't forget to comment and vote labdabs WAAAHAHAHA corny ko na bye na mwaahh!)
-------------



Melisa

Quarter to 4 na ng umaga ng mapabalikwas ako dahil sa isang panaginip.

Napatingin ako sa bintana na nakabukas, tumayo ako para isara ang bintana ng biglang umihip ng malakas ang hangin na nagbigay ng takot sa buong katawan ko. Pinikit ko ng mariin ang aking mata at pilit na pinapakalma ang hangin sa labas.

Kumalma ang hangin kaya agad ko namang sinira ang bintana. Hangin ang aking kapangyarihan kaya ko itong kontrolin, maging lagutan ng hininga ang isang tao gamit ang aking kapangyarihan pero nangako ako sa aking sarili na hinding hindi ako papatay gamit ang aking kapangyarihan namana ko ito sa aking Ama kaya ko rin magpagaling ng maliliit na sugat ng tao, hayop maging sino ang disadvantage lang ay sakin napupunta ang sugat nila.
ang advantage ko lang ay kaya kung pagalingin ang mismong mga sugat ko na namana ko sa aking ina . Pilit kong itinatago ang aking kapangyarihan sa lugar ng mga tao dahil bukod dito wala na akong alam na lugar na mapupuntahan.

Hindi na ako natulog pa dahil may masama akong pakiramdam na may mangyayaring masama. Lumabas ako ng kwarto para tumungo sa terrace. Nag-iisa nalang ako ngayon wala na akong pamilya na tinatawag kahit pa kaibigan, Wala. Natuto akong mabuhay na mag-isa simula ng namatay ang aking nagiisang pamilya noong 13 na taong gulang.

Umupo ako sa isang upuan habang nakaharap sa gubat. Sa gitna ako ng gubat nakatira dahil malayo sa mga tao na pwede kong masaktan gamit ang aking kakayahan. Biglang lumabas ang aking mga pakpak ng may naramdaman akong kakaiba. Tumayo ako at nilibot ang aking paningin sa gubat. Saka na hagip ng aking mga mata ang isang ibon,kulay puti na may sugat sa kanyang Paa. Umupo ako sa gilid niya. Ibon lang pala. Itinago ko ang aking mga pakpak.

"Kawawa ka naman munting ibon." hinimas himas ko ang kanyang balahibo bago ko ipinikit ang aking mata at binuksan ulit. habang unti-unting nawawala ang sugat sa kanyang pay ay unti-unting humahapdi ang aking paa. Tinignan ko ito tsaka lamang napagtanto na ganitong ganito din ang sugat ng ibon kanina. Hinimas ko ulit ang kanyang likod bago siya pinakawalan.

Tumayo na ako at bahagyang pinagpag ang aking kulay kayumanggi na palda na lagpas sa tuhod ko. Tsaka tumuloy na sa loob. Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang ingay sa loob ng bahay. Mga bote, babasagin at mga gamit na nahuhulog sa sahig. Natakpan ko ang aking bibig ng makita ako ng isang lalake na kakalabas lang galing sa loob. Lumaki ang kanyang mga mata ng makita ako.

"Andito siya!" akmang huhulihin na niya ako hanggang sa may kamay na humawak sa kamay niya. Sa bilis niyang gumalaw natumba niya ang lalake na walang kalaban laban. Napaawang nalang ang aking bibig.

"Come with me. " hindi pa ako nakakasagot hinila na niya ang Pagkapasok namin ng bahay may dalawang babae at isang lalake na naka tayo doon na agad ding tumangin sa kinakaroonan namin. Nakita ko pa Kung paano inikot ng babae ang leeg ng lalaking hawak niya na ngayon ay wala ng malay. Binitiwan na ako ng lalaking naka hawak kanina sakin saka siya naglakad palabas.

"Tara na nga! Ang boring dito. Akala ko mapapawisan na ako." nakangusong sabi pa ng babae yung umikot ng leeg ng lalake kanina. Tumalikod na sila at nagsimulang umalis.

"S-sandali! S-sino kayo? Bakit niyo ako tinulungan? " walang tumalikod sa kanila kahit isa. Nakita ko pa na iniling ng lalake ang ulo niya. " H-hoy! Sandali n-nga! " akmang hahabulin ko na sila ng naramdaman ko na may humawak sa kabilang paa ko, napatingin naman ako dun.

0____________0

Isang kamay! Diyos ko po. Wala akong nagawa kundi ang pumikit ng mariin. Hanggang sa wala na ang kamay sa paa ko, dahan-dahan akong dumilat saka ko nakita ang lalake na nag-ligtas sakin kanina. Nag, tss lang siya bago umalis. Napako ang tingin ko sa paa ko patay na ang lalake! Saka ko nalang nakita ang dagger sa dibdib niya.

"Ano pa ang hinihintay mo dyan? Tara na!" naka kunot noong tanong ng babae sakin. Mukha siyang maldita inarapan niya pa ako?! E kung dukotin ko kaya ang mga mata niya? Hmmppp. Sumonod nalang ako sakanila.

------------------

Halos naabutan kami ni gabi bago kami nakadating sa pupuntahan namin. Walang iba Kung di sa.....

.......Sacred Dominion University

Sacred Dominion University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon