Melisa
Sa pagbagsak ng isang hungry spirit sa stage ay agad na napawi ang tingin sa amin ng mga hungry spirits. Patay. Napatingin ako sa mga kasamahan ko na naghihintay na sa susunod na gagawin ng mga ispiritu.
"Presider gawin mo na!" Isang sigaw ng babaeng istudyante na sinundan pa ng ilang istudyante. Anong gagawin? Tinignan ko si Presider na nakatingin na din pala ngayon sa akin.
"Y-you..." Agad na kumunot ang noo ko ng mapagtanto kong nakatingin pala sya sa pakpak ko.
"Malalaman mo kung sila nga ang itinakda, dahil sa pakpak nilang magkaparehong- magkapareho." rinig ko pang bulong ng dean.
"Close your eyes Melisa." di ko alam ang gagawin ko sa mga panahon na to kaya sinunod ko na lang si Presider. Pinikit ko ang aking mata, at sa pag pikit ko ng aking mga mata muli akong nakarinig ng tunog ng isang pakpak pero isa lang ang aking natitiyak, Pakpak iyon ni Presider.
Nakarinig ako ng mga bulong bulongan, sigawan, iyakan sa paligid maging ang malulutong na mura ni Marga. Pilit akong pumikit hanggang sa di ko na kinaya at tuloyan na akong dumilat.
"Presider!" Agad kong hinanap si Presider matapos kong marinig ang sigaw ni Headmistress hanggang sa nahanap ko na siya na pinapaligiran ng dalawang hungry spirit. At doon na Tuloyan bumagsak ang aking mundo.
Huli na ako. He was already laying down. Lifeless.
(Very short update; I wasn't able to finish the chapter tho di ko na kinaya puputok na yata brain cells ko kakaisip ng gagawin ni Alyanna este Melisa -,- :D so yun thankieeee po sa mga readers! From 4 naging 380 reads and still hoping for moooree haha! Then di ko pa alam kung gagawan ko to ng book two 😂)

BINABASA MO ANG
Sacred Dominion University
Fantasy"Even death can't do as apart." -Presider Isang lugar kung saan lahat ay may mga kapangyarihan, Lugar na kung saan mo.makikita ang mga bagay-bagay na kahit kailan hindi mo pa nakikita. She was silently living in the middle of the forest when things...