C14: Rescue

133 5 0
                                    

Melisa

Hindi ko hinayaang tumulo ang aking luha, dahil nangako nga pala ako at ang pangakong yun ay di maaring ibalewala. Imbes na umiyak ako dahil sa takot at sakit ngumiti ako sa kanila.

"Bitch." Hinila ni Abby ang buhok ko hinigpitan niya ang pagkahila kaya masakit tinignan ko siya mata sa mata.

"Alam mo ba kung ano ang nangyari samin?!" tinadyakan ako ni Mia sa tyan habang nakatanga ang aking ulo dahil sa paghila ni Abby sakin. "Ha! Presider was a monster! He made me burn my own arm... Fvck him!" Si Presider? Kailan? Saan? Akala ko ba ipapadala si Abby sa Malamig na lugar?

"He made me scratch my own face!" sigaw naman ni Mia na nasa gilid ni Abby, sobrang sama ng tingin nila sakin. Si Presider ang gumawa sa kanila neto? It made me think, sino ka nga ba Presider?

"Get you filthy hands off her."  Isang malamig at matigas na boses ang om-echo sa buong kwarto. Napatingin kaming tatlo sa bintana. Presider.

"P-presider...." Utal na bigkas ni Abby, Ang kaninang galit na galit na mukha ni Abby ay napalitan ng takot si Mia naman ay hakatang namumutla na. Dahan-dahan inalis ni Abby ang kamay niya sa buhok ko. Bigla na lang lumuwag ang mga tali sa kamay at paa ko.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas na tumakbo papunta sa kay Presider. Agad niya akong niyakap, Sobrang higpit ng kanyang yakap. god how I missed this man.

"did they hurt you?" I simply nodded. Wala na akong pake kung ano man ang gawin nila ni Presider sa kanila pinagbigyan ko na sila at tama na ang isang beses. "I'll make them pay." kumalas siya sa pagyakap sakin at itinago niya ako sa kanyang likod, para bang prinoprotektahan na sobrang gaan sa pakiramdam.

Ibinaling ko ng kaunti ang aking ulo at nakita ko na namumutla na ngayon ang dalawang demonyita. Humakbang sa Presider palapit sa kanila. "I warned you once. You disobeyed me. And who ever disobeys me will pay." Hindi ko nakikita ang mukha ni Presider pero alam kung galit na galit siya.

"Y-you are not allowed to p-punished a student t-twice!" giit pa ni Mia na ikina igting ng panga ni Presider.

"Don't you ever tell me what to do Mia. I don't give a f*ck. Now I want you to show me your sharp nails." napaawang ang labi ko ng biglang umitim ang mata ni Mia tsaka lumabas ang mahahaba niyang kuko. "I want you to scratch Abby's face." umiling si Abby sa kay Mia na naka tingin na ngayon sa kanya. "Now b*tch!" Agad na ginawa ni Mia ang sinabi ni Presider. Bumaon ang kuko ni Mia sa pisngi ni Abby, agad namang kumilos si Abby, She set her hands on fire.

"P-presider tama na..." wala sa sarili kung sabi. Hindi ko kayang makitang may magpatayan sa harap ko. Agad namang natauhan si Presider, humarap siga sakin tsaka hinawakan ang aking kamay.

"Let's go." Ang kaninang Demonyong Presider ay biglang naging maamo. Sino ka ba talaga?. Nagpahila ako sa kanya palabas sa kwarto.

Pero bago kami lumabas tiningnan ko muna ang dalawang babae na naiwan sa loob. They were unconscious! Ngayon alam ko na kung bakit si Presider ang naging SSG. He is a devil! A manipulative devil.



(A/N: MUST READ!!!!!! HELLO READERS, SORRY FOR A KINDA DELAY UPDATE. Sobrang busy po kasi talaga sa school dahil Summer na and examination pa namin sa Mon-wed kaya made-delay po muna ang pagu-update ko. THAT'S AAALLLL! CONTINUE TO READ, VOTE AND COMMENT LALABS! MWUAAHH!)

Sacred Dominion University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon