C2:Grand entrance?!

192 7 0
                                    

Melisa

Muli kung e dinilat ang aking mga mata ng marinig ko ang sunod sunod na katok sa labas. Kahit pa inaantok parin ako ay pinilit ko paring bumangon.

"Sandali lang." maya maya pa ay tumigil na ang katok kaya tumayo na ako at sinuot ang aking tsenelas. Pagkatapos ng usapan namin kahapon ni headmistress ay pinatuloy na niya ako sa sarili kong kwarto.

Pagkatapos kung maligo ay binuksan ko ang Closet halos lahat ay puro uniporme, kulay brown na blouse? Napatingin ako sa logo na gawa sa metal, May Lion tsaka crown na kulay gold. Kinuha ko ang listahan ng requirements sa gilid ng kama at binasa.

"Requirements for Apprentices"

-Complete uniform
-Dagger (any kind)
-Magic pen
-Dragon's egg
-Owned power

Note: requirements must be complete. No requirements means no class. Deadline will be tomorrow.

Saan ko naman mahahanap ang mga to?! Hayyysss!

Inayos ko ng mabuti ang aking uniform tsaka tinali ng pony tail ang aking buhok. Napangiti nalang ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Lumabas na ng silid habang naglalakad ako ng may nagsalita sa intercom

"To all student please proceed to the canteen and eat your breakfast. Our Dean will be eating with us. Late students will be punished." Dean? Punished?! Naglolokohan ba tayo?! Ni hindi ko nga alam kung nasaan ang Classroom ko! Canteen pa kaya? Halos wala ng istudyante sa hallway, ganon ba sila katakot sa Dean?

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang isang lalake na kakalabas palang sa isang kwarto.....

.....Si Presider

Kumonot ang noo niya ng makita ako. Tsaka niya tinignan ang kabuoan ko, para bang inoobserbahan ako. Muli nya ako tinignan sa mata saka umiling at naglakad na palayo. Iiwan niya ako?! Sa laki ng hakbang niya ay halos tumakbo na ako papunta sa kanya.

"Pahintay...hoy! Dahan-dahan naman." pero imbis na bagalan niya mas lalong binilisan niya pa. Abat! Huminto ako tsaka Kinuha ko ang tali sa buhok ko at ginawang bala ng tirador gamit ang thumb ko. 1......2......3 sapol sa ulo! Huminto sya sa paglalakad tsaka lumingon at tumingin sa aking dereksyon

0____________0

Masama ang tingin niya sakin para bang kakainin niya ako ng buhay. Pilit akong ngumiti tsaka nag Peace sign. Pero walang nangyari masama pa rin ang tingin niya sakin! Lumapit ako sakanya. "Ahh...Ehh... P-pahatid naman sa canteen niyo o" sabay puppy eyes syet na malagkit inirapan lang ako tsaka sya naglakad ulit. Ang sama niya! Sinundan ko nalang siya sa paglalakad baka papunta rin siya ng canteen e.

Tumigil siya sa paklalakad kaya tumigil din ako, napatingin ako sa harap namin malaking pintuan eto naba ang canteen nila?

"You should go first." sabi niya na naka harap pa rin sa pintuan.

"A-ayoko nga. Baka mamaya magka Grand entrance pa ako." duh ang laki kaya ng pintuan pang Harry Potter. Humarap siya sakin.

"If you don't want to feel uncomfortable go first." kumonot ang noo ko,anong pinagsasabi niya? Pauunahin niya ba ako para Solo niya ang Grand entrance ganon?!

"No. Ayoko." pagmamatigas ko pa tsaka pinag-cross ang dalawa kong braso.

"Okay fine." akmang bubuksan na niya ang pintuan ng hinawakan ko agad ang kanyang braso. Agad naman siyang tumigil at humarap sakin tsaka binigyan ako ng 'what do you want look'

"Sabay na tayo." sabi ko tsaka ngumiti ng konti. Nakakahiya ka na Melisa! Feeling close tsk!

"Whatever." tumabi ako sakanya tsaka niya binuksan ang pintuan. Nalaglag ang panga ko dahil halos lahat ng istudyante are silently eating, halos ang mga kubyertos lang ang gumagawa ng ingay and the most shameful part is lahat sila ay nakatingin samin!

"Who is she?"

"ba't kasabay niya si Presider?"

"Bitch."

"bago ba siya dito?"

"look she's a sidekick."

Ilan yan sa mga naririnig ko sa mga bumubulong. Tumingin ako kay Presider na nagpatuloy lang sa paglalakad na para bang walang pake. Kung kanina sa gitna ako dumadaan nasa gilid na ngayon gaaadd ma ko-conscious ka talaga sa mga tingin nila! Yumoko nalang ako at patuloy sa paglalakad.

"psst...." guni guni ko lang ba yon? "Psst....Lisa..." tinaas ko ang aking ulo tsaka tumingin sa pinaggalingan ng boses. Si Shenna!

Sacred Dominion University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon