C17: Melisa Era Delovinne

120 7 0
                                    

Melisa

Agad akong sumama sa Headmistress papunta sa lugar kung saan nasaan si Presider halos walang umimik sa buong biyahe hanggang sa maka rating kami.

"Go, He really wants to see you, I bet" pilit na ngumiti si headmistress kahit na ang mga mata niya ay malungkot. Sino ba na mang ina ang hindi malulungkot kapag na coma ang anak niya diba?. I followed what she said. I opened the door. He was peacefully laying in a white bed. May iilang sugat din ang kanyang mukha.
May kung anong galit na bumalot sakin.

Who the fvck did this to him?!

"P-presider...." dahan-dahan akong lumapit sa kanyang higaan. Hinawi ko ang mga buhok na naligaw sa mukha niya, he's still handsome even if he's asleep. "S-sinong may gawa neto sayo?...." para akong baliw na kumakausap sa kanya pero anong magagawa ko? Hindi ko mapigilan ang luhang tumakas sa aking mata na agad ko ring pinahiran ng palad kasabay nun ang pagbukas ng pinto.

"I brought some food dear..." It was headmistress.

"A-ano po ang nangyari kay presider?" malakas si Presider, hindi siya pwedeng mapabagsakng kung sino sino lang.

"It's a long long story...." tsaka siya yumuko. Bakit lahat na lang pinagkakait sakin.

"Sabihin niyo na po please? B-baka po may ma tulong ako." nagbabakasakali kung tanong. Napabuntog hininga na lang siya.

"Presider will be mad if he knows that you knows. You lost your Mama and Papa when you were ten right?" tanging tango lang ang nasagot ko. She's a mind reader. "They're not really your parents Melisa." tumango ulit ako at ngumiti ng malungkot. "Long ago there was two men named Zlone Lonz and Marco Delovinne, they both hunt hungry spirits also known as the Shallow spirits dahil padami ng padami ang mga ispiritung ito padami at padami din ang kanilang nabibiktima these spirits are very tricky, they can disguised as your Mama or Papa even your friends luckily the teachers nor the students of the school can't be clone by the Hungry spirits kaya napilitan sina Zlone at Marco na hanapin ang lungga ng mga halimaw." tumigil muna si headmistress sa pagsasalita tsaka uminon ng tubig ako naman ay nakikinig lang sa kanya.

" They tried and tried but it took them decade, nagka-asawa at nagka-anak na nga silang dalawa e at sa isang gabi natuklasan na nila kung saan matatagpuan ang devil's realm, pauwi na sana silang apat noon kasama ang kanilang mga anak but then a great evil came, pilit itong kinuha ang mag-asawang Delovinne kasama ang kanilang anak. Mrs. Delovinne was so brave that she even made a deal with a devil. Pinagpalit niya ang kanyang buhay para lang mailigtas ang kanyang anak." napatakip ako ng bibig. Is she my mother?

"But we know that she didn't die of course, she have a healing power." and so I am. "Kinuha ang dalawang mag-asawa at iniwan nila ang kanilang anak na may markang letrang D sa kanyang leeg." napahawak ako sa batok ko. I have that mark! "Habang sa kabilang mag-asawa naman ay ganon din ang nangyari pero sa kasamaang palad namatay ang ina ni Presider. Sa sobrang galit ni Zlone na sugatan niya ang demonyong iyon, kasabay non ang pagtakbo niya bitbit si Presider at ang anak ng Delovinne" kung ganon pangalawang asawa na ni Mr. Zlone si Headmistress...

"Sa kasamaang palad may sugat din na natamo si Zlone, iniwan niya ang nagiisang anak ng Delovinne sa mag-asawang nakatira malapit dun. Isang bata lang ang nadala ni Zlone sa University bago siya nawalan ng malay." tumayo ang balahibo ko. "After many years we have found the lost heiress of the Delovinne..." Napanganga ako ng lumuhod sa harapan ko ang Headmistress! "It's an honor to finally meet you Miss Melisa Era Delovinne."

Sacred Dominion University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon