Melisa
Pahiga na sana ako ng marinig ko ang school alarm, agad na naging alerto ang aking sarili binuksan ko ang cabinet ang sinuot ang aking leather jacket at tumungo na sa labas.
"Kyaaaahhh!"
"I can't die!!!!"
"I need to talk to my parents"
Ilan sa mga sigaw ng mga istudyante na nagsisitakbuhan papuntang Gym. Ano ba ang nangyari? Kailangan ko malaman kung ano ang nangyayari. Hinablot ko ang braso ng isang babaeng istudyante na tumatakbo.
"Anong nangyayari?" puno ng pangamba at pagkagulat ang kanyang mukha ng makita niya ako.
"T-tulongan mo ako.... Tulongan mo k-kami....." hinawakan niya ang aking kamay. Kumunot ang noo ko, ano ba kasi ang nangyayari?!
"Tutulongan kita. Pero sabihin mo muna sakin kung ano ang nangyayari." Mukhang nabawasan ang kanyang takot dahil binitawan na niya ang aking kamay.
"Umatake na sila..... Ang mga hungry spirit, mahigit benteng istudyante na ang nabiktima nila mula sa girl's dorm.... Please tulongan niyo kami" Hungry spirits. Agad na uminit ang dugo ko sa katawan, umatake sila sa panahon na hindi kami handa, wala silang patawad.
"Huwag kang magalala tutulongan kita, tutulongan namin kayo ng Dominions league." Lumakas ang sigawan ng mga istudyanteng tumatakbo, napabitaw ako sa braso ng babae ng makita ko ang isang maitim, walang mukhang lumulutang na ispiritu galing sa isang kwarto.
"Ahhhhhhh! Andyan na sila!"
"Takbo!"
"ayoko pang mamatay!"
"Melisa!" Napakurap ako at napatingin sa tumawag sakin. Si Presider. Bakas sa mukha niya ang pagalala at galit.
"P-presider umatak---"
"I know. We have to get out of this building as soon as possible!" kaunti na lang ang mga istudyanteng dumaraan sa hallway tiyak na nasa gym na sila.
"pero presider... Kailangan natin silang tulongan, ang mga natutunan natin mula sa training maari nati----" pinaharap niya ako sa kanya at tiningnan sa mata.
"Listen Melisa, Kailangan nating pumunta sa gym dahil yon lang ang ligtas na lugar sa panahon ngayon. Andon ang dean, headmistress at ang mga istudyante pati na din ang dominions league. Naiintindihan mo ba ako Melisa?" Tumango ako bago niya ako hinila papuntang gym.
Pagkapasok na pagkapasok namin ng gym agad kaming naghanap ng pwestong mauupuan, may mga istudyanteng sugatan ang iba umiiyak na. May mga bangkay ding natabunan na ng manipis na puting tela.
"Sh*t Melisa" Napatingin ako sa kay presider na agad ding tinakpan ang aking mga mata.
"Anong ginagawa mo P-presider?" pilit kong tinanggal ang kamay niya ngunit napatigil ako ng marinig ko ang rason niya.
"I don't want your innocent eyes witnessed this." maya maya pa ay tinanggal na niya ang kanyang kamay. Maya maya pa ay natanaw na namin ang myembre ng League na kasama ng dean at headmistress.
"Bakit ngayon lang kayo?! This is shit!" Sinundan ng malutong na mura ang sigaw ni Marga kaya naman minura din siya ni Presider.
"Oh please don't you ever fucking curse us" Napatingin ako sa kamay ni Presider ng biglang lumabas ang kulay blue na parang ulap don kaya agad kung hinawakan ang kamay niya.
"Wag dito Presider." Sa panahon ngayon kailangan naming magpahinga. Umakyat sa stage si Dean at nagsalita.
"Students, crews and other faculty members please stay calm. We need your cooperation in this moments. Alam kung nakakatakot ang mga nangyari at nasaksihan niyo ngayong gabi, may mga nasawing buhay at may mga nasaktan our deepest condolences. We are now in safe grounds hindi na nila tayo magagalaw o masasaktan habang andito tayo sa loob. We will take control of all the dama----" Ang mga istudyante ay nagsimula ng magpanic ulit may mga istudyanteng ginagamit ng ang mga kapangyarihan dahil sa malakas na kalabog mula sa gate ng gym.
Wag naman sana ngayon.
(wassup wassup guys! Ready na ba kayo sa part kung saan malalaman na ng buong campus na si Melisa at Presider ang tinakda????? Support niyo sana ang next chap guys! Pero baka ma delayed ng konti HAHAHAHA see'ya next chap guys don't forget to vote ang comment! Mwuaahhh!)
BINABASA MO ANG
Sacred Dominion University
Fantastik"Even death can't do as apart." -Presider Isang lugar kung saan lahat ay may mga kapangyarihan, Lugar na kung saan mo.makikita ang mga bagay-bagay na kahit kailan hindi mo pa nakikita. She was silently living in the middle of the forest when things...