(A/N: nasa taas po yung picture ng Magic shop)
Melisa
Pababa na ako ngayon ng train dala dala ang mapa na binigay sakin ni Sheena. Totoo nga ang sinabi niya na hindi siya makakasama. Maya maya pa ay biglang may kung anong boses akong naririnig.
'Lisa! It's me Sheena, I'm so stupid para makalimutan na wala ka palang phone!'
'What the hell?! Seryoso ba to?' Tinampal ko ang noo ko para magising ang diwa ko.
'Hey, ako to besides of being a mind reader my side ability is telepathy'
'Kung ganon may sasabihin ka ba?'
'well dahil hindi kita na samahan at hindi na kita masusundo mamaya sasamahan ka nalang ni Kuya! Andyan din daw kasi siya e coincidence diba? And siya nalang daw ang maghahanap sayo'
narinig ko pa ang pagtawa niya ng bahagya.
'S-sino? Okay na ako d-dito no!'
paano ba naman kasi! Ang awkward kapag kasama ko ang kuya niya.
'No it's not. My brother is a little bit kinda'cold and isang tanong isang sagot kind of person kaya bear with it okay? Byeeee~'
Just like that hindi ko na narinig pa ang boses niya sa ulo ko tsk! No choice! Pero siya nalang daw ang maghahanap sakin?
Naglakad nalang ako may nadadaanan pa akong mga taong nakatingin sakin kaya ginantihan ko nalang sila ng ngiti. Tumigil ako sa paglalakad ng makarating na ako sa Magician's shop. Isa itong lumang shop mukhang nasa 70's pa yata to ginawa e. Pumasok na ako sa loob and then my jaw dropped! No way.... Naka air-conditioned ang shop! Kulay gold ang pader samantalang itim naman ang tiles. Marami rami din ang mga tao na bumibili.
Ang ganda! Tumingala ako at nakita ko ang lumilipad na airplane paper! Paanong.....
"Because of magic." muntik na akong mapatalon dahil sa gulat. Humarap ako sa pinanggalingan ng boses.
"P-paano mo ako nahanap?!" ang weird niya! Paano niya ako nahanap? Maliit nga ang bayan na ito Pero madami naman ang mga tao. Saka ko nalang naalala siya pala si Presider Ang kapatid ni Sheena kaya malamang kaya niya rin basahin ang iniisip ko.
Just wow walang modo ah! Bigla nalang akong iniwan! Sinundan ko siya ng tingin pumunta siya sa kabilang section maya maya pa ay lumabas na siya dala dala ang isang bagay na hugis square nakabalot ito sa isang lumang papel sa kabilang kamay niya naman ay isang bagay na binalot sa leather kung hindi ako nagkakamali isa itong dagger! Papunta siya ngayon sa dereksyon ko at walang pasabi na nilaglag lahat ng bagay mabuti nalang at nasalo ko! Saka ko siya hinarap na ngayon ay seryosong nakatingin sakin na naka pamulsa. Pinagpag niya muna ang kanyang damit na may mga alikabok bago tumalikod at naglakad paalis.
Abat! Dali dali kung binayaran ang mga gamit na dala ko gamit ang mojo card ni Sheena. Lumabas ako at hinanap si Presider Ayon! May kausap na babae? Hindi ko nakikita ang mukha ng babae dahil nakatalikod siya sakin pero mukha naman siyang maganda kahit pa nakatalikod at naka itim siya na blouse school mate ko siya? Seryoso ang kanilang pinaguusapan hanggang sa napatingin sa deriksyon ko si Presider! Agad na kumonot ang noo niya at naka pamulsang lumapit sakin kaya naman humarap ang babae sakin.
Laglag panga ako ng makita ko ang mukha ng babae! Ang ganda niya maputi ang kanyang balat at hakatang makinis din ito, mapupula ang kanyang labi dahil sa lipstick tinignan niya ako ng masama, may mali ba akong ginawa? Agad na bumalik ang aking diwa ng hawakan ako ni Presider sa kanang braso.
"Let's go." hindi na ako naka sagot pa dahil kinaladkad na niya ako.
Kumain muna kami sa isang maliit na restaurant ng lunch pero di na kami nagtagal dahil dumeretso na kami sa sakayan ng train.
Halos walang umimik kahit isa samin sa loob ng train. Pasimple ko siyang sinulyapan, Magkasalubong pa rin ang kanyang makakapal na kilay. Hindi ko na natiis ang tahimik kaya naman huminga muna ako ng malalim bago ibinuka ang aking bibig.
"Ahh....Ehh" Tinignan niya ako, ang kaninang magkasalubong na kilay ay naka taas na ngayon "Errr... Wala" binigyan niya ako ng isang masamang tingin bago binaling ang tingin sa bintana.
Napa buntog hininga nalang ako at ipinikit ang aking mga mata tsaka sinandal ang aking ulo sa upuan matagal tagal pa naman bago kami dumating kaya matutulog na lang muna ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/137690202-288-k953991.jpg)
BINABASA MO ANG
Sacred Dominion University
Fantasía"Even death can't do as apart." -Presider Isang lugar kung saan lahat ay may mga kapangyarihan, Lugar na kung saan mo.makikita ang mga bagay-bagay na kahit kailan hindi mo pa nakikita. She was silently living in the middle of the forest when things...