Melisa
It's been a week simula ng dumating ako dito sa Sacred dominion University. Ika-apat na araw ng walang Sheena sa paaralan, tama nga si Presider, isa sa mga chosen student si Sheena, Ang chosen student ay binubuo ng sampung piling istudyante na magco-compete hindi physically but in mind, sa ibang paaralan na kagaya din naming may mga special abilities.
Well speaking of Presider hindi ko na siya nakikita pa sa unibersidad. Naglaho siya na parang bula pagkatapos ng malaman niya na sina Abby ang nanakit sakin, ganon din sila ni Abby, naglaho na parang bula. At mas naging busy ang mga tao sa Paaralan ngayon dahil sa paparating na laro, ang basccer.
"Psstt. Tulala kana naman ah?" napatingin ako sa katabi ko. Si Simon ang kaklase ko sa defense. Sidekick din siya kagaya ko. He glows in the dark.
"tss..." nakilala ko siya noong kahapon, wala kasi akong partner sa defense class ganon din siya in short kami ang naging partner.
"Taray, Eto na lang tutal gwapo naman ako tsaka bonus na ang pagiging matalino e lilibre na lang kita mamaya." tsaka siya ngumiti, kitang kita ang malalim niya na dimple sa left cheeks niya.
"Connection ng libre sa mukha at utak mo?" magtataray ko sa kanya na ikinatawa niya lang. Nilagay ko na muna ang mga notes ko sa locker.
"Hanep. Luma-level up yata ang pagiging mataray mo araw-araw ah?" sinira ko na ang locker ko tsaka nagsimula ng maglakad. "Sandali!" Napailing na lang ako ng tumakbo siya papunta sa gilid ko tsaka ako inakbayan.
"Tatanggalin mo ang kamay mo o tatanggalin mo ang kamay mo?" Mas lalong lumaki ang ngiti niya.
"Pwedeng 'O'?" sinuntok ko siya sa kanyang tyan tsaka siya naman nagkunwari na nasaktan. "Aray naman! Ang sama mo Melisa. Why do you keep hurting my feelings?" humarap ako sa kanya tsaka siya pinalakihan ng mata.
"Ang feelings mo kasi walang ka-kwenta kwenta!" inalis ko ang kamay niya na nakaakbay sakin bago siya iniwan.
"Grabe, ang sama mo! Pasalamat ka lang talaga kasi maganda ka." napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang huling sinabi niya. Tumalikod ako para makita siya na nakakamot sa ulo niya. Nginitian ko siya yung matamis na ngiti.
"Alam ko kaya nga kita tinatarayan diba?" sabay belat sa kanya :-P he gave me a 'are you serious look' I chuckled bago nagpatuloy sa paglalakad.
Napadaan ako sa pintuan ng dean's office, naka bukas ito ng bahagya katulad ng kahapon nilagpasan ko lang ito.
"We understand dean, but how about my son?!" napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang sigaw, it was the headmistress voice. Nagtago ako sa gilid ng pintuan.
"Calm down Karina, Based on my observation makakaya ni Presider ang ibinigay kung pagsasanay sa kanya." puno ng awtoridad ang boses. Isang matandang lalake, kung hindi ako nagkakamali boses iyon ng dean. Si Presider? Anong nangyari sa kanya?
"Paano kung hindi dean? Mamamatay ang anak ko!" Basag na boses ni Headmistress.
"Karina, malapit na ang araw na hinihintay natin. Dumating na ang dalawang itinakda para baguhin ang Prophecy. Now tell me? Paano mapro-protektahan ni Presider si Melisa kung siya mismo hindi niya kayang protektahan ang sarili niya!" tumaas ang boses ni Dean. Ako? Itinakda? Protektahan? Prophecy? Ang gulo!
Agad akong nagtago sa isang sulok na may paparating na isang lalake. Si Ingrid, hingal na hingal siyang pumasok sa Dean's office.
"Dean. Si P-presider!" lumaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pangalan ni Presider.
"Anong nangyari sa anak ko?!" Nagaalang tanong ni Headmistress.
"What is it Ingrid?" Napaawang ang labi ko sa nagaalang boses ni Dean.
"He's gone...." lumambot ang aking tuhod at parang tinusok ng karayom ang aking puso sa di malamang dahilan, kasabay ang pagpatak ng aking luha sa ika-dalawang beses.
--------------------------
--------------------------
(A/N: AYAYAYAYAYAY! anong nangyari kay presider?! Don't forget to vote and comment for more updates! :-) Short update lang muna sa wednesday ulit)
BINABASA MO ANG
Sacred Dominion University
Fantasy"Even death can't do as apart." -Presider Isang lugar kung saan lahat ay may mga kapangyarihan, Lugar na kung saan mo.makikita ang mga bagay-bagay na kahit kailan hindi mo pa nakikita. She was silently living in the middle of the forest when things...