Melisa
Isang malakas na ingay ang narinig namin bago umusok ang buong gym, lahat ay nagsisigawan na, ang iba naman ay umiiyak lang sa isang sulok. Pero ngayon, Ni-isa sa amin ay di na nagawa pang umimik ng makita namin ang sampung ispiritu na lumabas mula sa sirang gate ng gym. Kitang-kita ko ang bawat galaw na ginagawa nila dahil lumulutang at sobrang itim nila.
Napanganga ako ng may isang hungry spirit na tumigil sa paglipad at napako ang walang ano ano'y dumeretso sa dereksyon ng isang babaeng istudyante hindi ko lubos na makita ang mukha ng babae dahil sa usok, hawak na ngayon ng hungry spirit ang leeg ng kawawang babae---- hindi ko na kinayang tumayo lang dito, kailangan kung.....
"Stay. We can't fight in this situation melisa." Isang malamig na boses ang nagmula sa gilid ko.
"Presider hindi mo ba nakikita? Papatayin niya ang babae----" Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang pagbagsak ng isang bagay----hindi bagay kung di bangkay, bangkay ng babaeng pinatay ng hungry spirit.
"Madami na ang nasaktan ngayong gabi Melisa at kapag lumaban pa tayo mas lalo lang lalala ang sitwasyon." Tama nga. Lalala lang. Napatingin ako sa mga kasama ko sina Ingrid at Marga na nakayuko lang, hindi alam ang gagawin. Napabuntong hininga na lang ako at muling napatingin sa mga hungry spirit.
Tila di ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng mapatingin sa dereksyon namin ang isang hungry spirit. No fucking way. Napaatras kami ng lumapit siya samin, Sino? Sino samin ang mamamatay ngayong gabi?. Wala. Wala Melisa. Walang mamamatay, wala,wala,wala. Nakatingin ng deretso sakin ang ispiritu. Tama nga sila walang mukha ang mga hungry spirit.
"Close your eyes Melisa." Napatingin ako sa kay Presider na walang emosyon ang mukha hanggang ngayon. "Close your fucking eyes Melisa!" Mamamatay na din naman ako kaya bakit pa ako pipikit?
Dahan-dahan umatras ang Hungry spirit at tumingin sa dereksyon ni Presider. Hindi pwede. "P-presider do something! Or else you'll be a dead meat!" Hindi ko makuhang tinginan si Marga dahil deretso lang ang tingin ko sa Ispiritu ngayon. Maging ako ay natatakot na para kay Presider.
"I'll be fucking fine. Tch." Yon ang mga katagang binitawan ni Presider bago tumalim ang isang kamay ng ispiritu na parang isang itim na crystal ito na kapag natamaan ka ay agad kang mamamatay.
Umiling-iling ako habang si Presider naman ay ngumiti lang, gago ba siya?! This is a suicide! Alam kong agad na lalabas ang aking pakpak kapag may delekadong mangyayari. Damn you Presider pilit kong tinatago ang mga pak pak ko ngunit siguro dapat ko ng ilabas sa mga oras na to.
"Hindi na ako hihingi ng kapalit sa gagawin ko Presider." Agad na kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Napatingin ulit ako sa Hungry spirit na nasa ere na ngayon ang crystal niyang kamay na handa ng atakihin si Presider sa ano mang oras kaya naman walang ano ano ay niyakap ko si Presider bago ako makaramdam ng isang matalim na bagay na tumama sa aking pakpak.
"What the hell!" naka tingin lang ako sa nagaalang mukha ni Presider na agad ding napalitan ng galit at inis. Nakarinig ako ng mga bulong bulongan sa loob ng gym. Kaya naman agad kong binitawan sa Presider bago humarap sa Hungry spirit at agad itong ginamitan ng aking kapangyarihan, pinalipad ko siya sa ere at tinapon sa stage.
"She's the prophecy!"
BINABASA MO ANG
Sacred Dominion University
Fantasy"Even death can't do as apart." -Presider Isang lugar kung saan lahat ay may mga kapangyarihan, Lugar na kung saan mo.makikita ang mga bagay-bagay na kahit kailan hindi mo pa nakikita. She was silently living in the middle of the forest when things...