C12: Doomed

138 6 0
                                    

Melisa

Nakaraan na ng ilang araw matapos kung marinig ang paguusap ni Dean at Headmistress tungkol kay Presider na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita, Gusto kung tanongin si Ingrid kung anong ibig sabihin ng sinabi niya kahapon na wala na si Presider kaso may parte sakin na nagsasabi na wala ako sa lugar para magtanong.

"Hey. Tulalang babae!" bumalik sa relihidad ang aking pagiisip ng may tumamang crumpled paper sa noo ko. Agad na umiba ang mood ko ng makita ko na naman ang nakakairitang mukha ni Simon na naka peace sign. "Hehe...tulala ka na naman kasi e"

"Wala kang pake." tsaka ko siya inirapan, hindi ko alam kung bakit ako mataray sa harap niya at mukhang aso naman sa iba. Sa totoo lang ang unfair ko na sa kay Simon kasi parati ko na lang siyang tinatarayan.

"Ba't ba ang harsh mo? Sakin ka lang naman ganyan? May nagawa ba ako sayo?" That hits me. Ano nga ba ang kasalanan niya sakin? Wala. Sadyang maldita lang ako sa harap niya. Bumuntog hininga na lang ako.

"Wala. Ang kulet mo kasi e!" dali dali kung inayos ang aking gamit na naka kalat sa mesa, wala ng tao ngayon sa classroom kundi kaming dalawa na lang ni Simon hindi ko nga alam kung bakit pa siya andito.

"Nga pala. Did you know that every first semester nagkakaroon ng isang match between the two sections? Blue-blooded Vs. Sidekicks sa defense class?" napatigil ako sa pagaayos at dahan dahan na humarap sa kanya.

"A-ano?" tama ba ang narinig ko? Sidekick vs. Blue blooded? Ibig sabihin may chance na maging kaaway ko si Abby? Mia? Wilma?

"Lutang kana naman e. Bukas e a-anounce ng prof. Natin sa defense ang tungkol dyan." Unti-unti akong tumango bago nagpatuloy sa pagaayos.

"Sabay na tayo?" tanong ko sa kay Simon pagkatapos kung ayusin ang aking backpack.

"Sige." binitbit din niya ang kanyang backback gamit ang isang braso, sabay kaming lumabas ng classroom. Dumaan muna kami sa locker dahil may kukunin daw si Simon.

"have you heard? Bumalik na daw si Abby sa Sacred Dominion University."

"Talaga?! I'm sure gagantihan niya ang sidekick na yun, what's her name again?"

"Wag mo nga silang pansinin nagmumukha kang daga." pinandilatan ko siya ng mata, ako daga?! Sa ganda kong to?

Benalewala ko na lang ang presensya ni Simon, naka balik na sila Abby?  Gagantihan nila ako. Paano? Wala pa si Presider sinong magliligtas sakin ngayon kapag inaway ulit ako ni Abby? Ghad! Isip bata ka Melisa!

"Ohh sh*t! May klase pa pala ako sa Physics!" Napatingin ako sa kay Simon na mukhang nag-aalala na.

"Physics lang yun." walang ganang sagot ko e paano ba naman? Healing na nga ang kakayahan ko healing pa ang pagaaralan ko?

"Wow! Swerte mo kasi healer ka! E ako? Hanggang band aid lang ang kaya ko" nakangusong sabi pa niya na ikinatawa ko.

"Hahahaha!" tawa ko. Napatigil ako sa pagtawa dahil sa seryosong tingin niya sakin. "A-ano? Wag mo nga akong tignan ng ganyan!" matamis siyang ngumiti.

"First time mo kasing tumawa at ngumiti, at higit sa lahat dahil pa sakin" ma pang-asar na ngayon ang ngiti niya, first time? Hindi naman ah, tumawa na ako dahil kay Pre----hmmpp never mind.

"Psh. So paano? Una na muna ako." pagpapalam ko sa kanya.

"Sige pasensya na talaga di kita masasamahan ah? Failure na kasi ako sa subject na yun e." bakas sa mukha niya ang pagka-irita.

"Okay. Goodluck." binigyan niya ako ng nakakalokang ngiti bago siya tumakbo papunta sa kabilang building.

Napa buga na lang ako sa kawalan mag-isa na naman ako, hayst parsti naman akong mag-isa ah? Ba't nagiinarte ako? Ha! Naglakad na ako papunta sa dorm. Hindi masyadong marami ang mga tao na naglalakad sa hallway dahil may klase pa ang iba ang ibang istudyante naman ay nagc-cutting hindi na sila yata takot na mahuli dahil wala na si Presider. Tumigil ako sa harap ng pintuan ko na bahagyang naka bukas.

Ba't naka bukas to? Ni-lock ko naman to kanina ah? Dahan dahan kung binuksan ang pinto. Nilibot ko ang aking paningin sa aking kwarto hanggang sa may kamay na humila sakin tsaka neto sinira muli ang pintuan.

"Long time no see Melisa." may malaking sugat siya sa kanyang braso mukhang dahil sa apoy.Nakangisi siya ngayon habang hawak hawak ang dalawang braso ko. Pilit kong inalis ang kanyang kamay pero wala akong nagawa.

"Not so fast bitch." napatingin ako sa likod ko may malaking kamot ang kanyang kaliwang pisngi.

Damn. The two witches. I'm doomed.

Sacred Dominion University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon