C8:Punished

136 9 0
                                    


"Halimaw!"

"Panget!"

"Mamamatay tao kayo!"

"Malas kayo!"

"Hey! Wake up!" napabangon ako ng wala sa oras ng may kung anong likido ang natapon sa aking mukha.

"Ano ka ba Presider?! Ba't moko binuhusan ng tubig?" pilit kung pinakalma ang sarili ko. Nasaan ako? Anong nangyari? Bakit andito si Presider?.....

"You had a nightmare, you keep shouting and crying." panaginip lang pala yon, Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"P-paano nga pala ako nakarating dito?" seryosong nakatingin lang siya sakin para bang inoobserbahan ako.

"Comfort room." maikling sagot niya. Comfort room? The witches. Nakita niya nga pala ako kahapon sa cr... Ngayong araw pala ang first class ko sa defense. Bigla akong bumangon na muntik ko ng ika-tumba mabuti na lang at agad akong nahawakan ni Presider sa bewang.

"A-aalis na ako. Salamat sa tulong." binitawan na niya ang aking bewang at tinignan ako mata sa mata.

"You're not going anywhere." matigas na bigkas niya.

"May klase pa ako, at pwede ba tigilan mo ang pag english mo." tumaas ang sulok ng kanyang kilay.

"You are excused, this is my life, I can speak whatever I want." Tinalikuran niya agad ako pagkatapos niyang sabihin yun. Man of few words huh?

Sinundan ko siya sa paglalakad. Tumungo siya sa kusina. Agad naman siyang lumabas dun na may bitbit ng plato. "Wow hotdog!" masiglang sabi ko pa pero nilagpasan lang ako? "Hoy sandali nga. Pahingi ako..." di man lang ako pinansin. Sinuntok suntok ko ang likod niya pero mahina lang hanggang sa nakarating na kami sa Dining table may itlog, corned beef, juice at tubig na naka hain sa mesa.

"Now. Eat." magkaharap kami ngayon habang kumakain. Di ko maiwasan ang mailang dahil kaming dalawa lang ang tao dito.

"Nasaan ang mga roommates mo?" tanong ko habang nginunguya ang hotdog.

"Class." Maikling sagot niya. Bat ba kasi ang ikli niyang sumagot? Nasa gitna ako ng pagiisip ng maalala ko na may natamo nga pala akong sugat kahapon. Agad akong tumigil sa pagkain tsaka tinignan ang braso ko wala ng sugat. Hinawakan ko ang aking mukha ni bahid ng hapdi wala.

"Woooh! Magaling na ako!" Di ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw. Buong buhay ko kasi ngayon lang ako nasugatan ng ganon. Wala na rin akong nararamdamang sakit sa katawan. Napayuko na lang ako ng makita ko ang mukha ni Presider na masama ang tingin sakin.

"Who the hell did those to you?" napapitlag ako ng marinig ko ang ingay ng pagbagsak ng kanyang kubyertos sa kanyang plato.

"Wala. Tsaka kita mo naman diba? Magaling na ako." nakangiting sabi ko pa. Ayoko ng alalahanin pa ang mga nangyari kahapon.

"Just fucking tell me." Aba't maka mura to. Hindi ko siya sinagot bahala siya dyan. "If you wouldn't tell me, you will be punished." lumaki ang aking mata sa narinig ko.

"Ano?! At dahil sa ano naman at paparusahan ako?"

"Loitering during class hours at the comfort room? Tsk tsk tsk" umiiling na sabi niya.

"For your information Mr. Supreme Student of the government. Hindi iyon loitering, sa pagkakatanda ko 10:15 ako pumasok ng cr at palabas na sana ako exactly 10:20 kung di lang sana dumat---" tumigil ako sa pagsasalita dahil sobrang tutok na tutok siya sa mga sinasabi ko. Muntik ko ng masabi ang pangalan ng mga unggoy shocks.

"Dumating? Sino? Sila ba ang gumawa sayo non?" seryosong tanong niya. Pero kapag sinabi ko ang pangalan nila abby tiyak na paparusahan sila pero kapag hindi ko naman sinabi ako naman ang mapaparusahan? Ba't ba ang komplekado ng buhay ko? "Damn it. Just answer me!" nagulat ako sa pagtaas niya ng boses niya. Nakakatakot ang mukha niya ngayon.

"I'm sorry but I can't tell you. Ako na lang ang parusahan mo." ngumiti ako ng pilit sa kanya na ikinalaglag ng panga niya pero agad din namang bumalik sa pagiging seryoso. I don't want to be selfish so I'll choose to be selfless.

"But let me remind you, This is not just an ordinary School Ms. Delovinne and so as the punishments." bigla akong kinabahan. Ano ba ang mga punishment dito? Maglilinis ng canteen? Maglilinis ng cr?

"Alam ko." pilit pa rin akong ngumiti kahit na natatakot na ako sa pwedeng maging parusa ko.

"Alright then. See you at the SSG office later." Ang huling sinabi niya bago ako iniwan magisa.

Sacred Dominion University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon