"I'm sorry Miss Delavinne pero ang mga parents mismo ng mga istudyante ang nagrequest na paalisin ka sa SDU." Walang emosyon ngayon ang dean maging si Headmistress karina. Pilit akong ngumiti.
"N-naiintindihan ko po. Maraming s-salamat po sa lahat, at patawad sa mga na---" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng pumasok si Ingrid sa silid.
"Andyan na ang sundo mo Melisa tara na" Saad niya. Kaya naman agad akong nagtaka, mamayang gabi pa ang sundo ko. Pero bago pa ako magreklamo ay hinila na niya ako palabas.
"Sandali. Mamaya pa ang---" Pinutol na niya nanaman ako. Wow. Presider 0.2?
"Hindi ka pupunta sa Swelton City. Inatake sila kahapon ng mga hungry spirits. " Simpleng wika niya.
Na ikinagulat ko naman."Ano?! Alam ba to ni dean?" Ang gulo.
"hindi. At hindi niya malalaman dahil ni isang taga swelton hindi nabuhay. Pupunta ka ngayon sa Xemux, yun lang ang pinaka ligtas na lugar ngayon. " Aangal na sana ako kaso bigla na niya na lang akong pinapasok sa loob ng kotse at agad na sinira ang pintuan. Agad naman na umalis ang kotse kaya binuksan ko ang bintana at narinig ang sinasabi ni Ingrid.
"That night was an act! " Ang mga huling kataga niyang binitawan na nagpagulo ng isip ko. Anong ibig niyang sabihin?
=================
Nagising ako dahil sa malakas na katok mula sa pinto. Kahit na inaantok pa ako ay pilit pa din akong bumangon at inayos ang aking sarili bago binuksan ang pintuan.
"Gising na binibini!" Masayang wika ni Ron, ang walang hiyang lalake na nagpahiya sa akin sa buong bayan kahapon! Kasing edad ko lang siya at kapag tumabi ako sa kanya nagmumukha akong bata dahil sa tangkad niya.
"Ano naman ang dahilan mo at andidito ka na naman?" mas lalo pang lumapad ang kanyang ngiti. Tsk nagmumukha siyang tuta.
"Ouch! Di ako tuta my Lisa" Isa din siyang mind reader kagaya ni Sheena. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na wag siyang irapan, mahirap na baka may makakita pa sakin at isumbong ako sa ina ng Ron na to
"My lisa mo mukha mo Melisa nga kasi you, M-E-L-I-S-A" tinalikuran ko na lang siya at tumungo sa kama ko para ayusin.
"Andito ako para sana sunduin kana dahil ngayon ang alis natin patungong Sacred dominion" Napatigil ako. Ngayong araw na pala. Paano ko nakuhang makalimutan? Eto ang araw kung kailan ako kinamuhian at pinalayas sa lugar na yon.
"Bumalik ka na lang dito mamaya, aayusin ko lang ang mga konting gamit ko." Kagaya ng dati mga dalawa o kaya hanggang tatlong araw lang ako tumatagal sa SDU.
"Konting gamit? Hindi kana babalik dito Melisa. This is your last day here" Agad akong humarap kay Ron na seryosong nakatingin sa akin. Huling araw ko na dito sa Xemux at ngayon na ang balik ko sa SDU matagal tagal na din simula nong umalis ako sa dominion's league.
"Three years ago to be exact" Pinalobo ko na lang ang pisngi ko. Binabasa na naman ng tuta ang isip ko. "Alis na muna ako My Lisa babalikan kita. " At tuluyan na siyang lumisan. Paano nga ba ako napunta dito? Mahabang kwento, matapos ang gabing yon, ang gabi kung kailan namatay si Presider. Kinalaunan ay pinaalis na ako ng mga istudyante dun labag man sa kalooban ni Miss Karina at ng dean.
At ngayon na ang aking pagbabalik. Inaamin ko na may kaba pa din sa aking puso at hanggang ngayon sariwa pa din saakin ang mga nangyari ng gabing yon. Kung sana ginamit ko ang aking kapangyarihan, kung sana hindi ako natakot. Sana buhay pa siya ngayon.
[A/N: tataratatat! Whoooooo wala akong maisip kaya pagpasensyahan nyo na to gwaaaaayywwss hehe bye]
BINABASA MO ANG
Sacred Dominion University
Fantasia"Even death can't do as apart." -Presider Isang lugar kung saan lahat ay may mga kapangyarihan, Lugar na kung saan mo.makikita ang mga bagay-bagay na kahit kailan hindi mo pa nakikita. She was silently living in the middle of the forest when things...