C22: Training

121 5 0
                                    

Melisa

Limang oras.

Limang oras na kaming nagt-training ng buong Dominions League! Alam kong pagod na pagod na ang aking katawan at konti na lang ay bibigay na ito pero hindi, hinding hindi ako susuko. Napapikit ako ng mariin ng dagdagan pa ni Marga ng isang tao ang battlefield kung saan ako ngayon naka tayo, ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko mula sa aking noo hanggang labi tsk! May galit ba siya sakin?

Hindi ko matukoy kung sino ang dalawang taong nasa harapan ko ngayon dahil naka maskarang puti sila at nakasuot din sila ng itim na magagarang damit. Sa tingin ko pareho silang babae dahil pareho silang naka pony-tail at bukod pa dun naka heels pa sila samantalang naka rubber shoes naman ako, dapat na ba akong matakot?

"Each of you have a haiboku necklace, kapag natanggal iyon sa leeg mo. You simply lost" Pahabol ni Headmistress, napatingin na lang ako sa kay Presider na katabi ngayon ni Ingrid sa kabilang sulok na nginitian ako ng bahagya. Sana andito si Sheena.

"The fight starts in three...." kaya mo'to Melisa.

"Two..." hindi ka naman mamamatay e.

"One." pero paano kung Oo nga? bumalik sa relehidad ng may kamaong padapo na sa mukha ko kaya naman agad akong umiwas.

"B*tch!" Napaawang ang labi ko ng bigla niya akong sinugod, Sinabunutan niya ako ng sobrang higpit na sa tingin ko ay ikakatanggal ng buhok ko kaya naman sinabunutan ko din siya pabalik."Ahhh!" Napasigaw siya ng natumba siya sa semento dahil sa pag-patid ko sa isa niyang paa.

Agad akong pumatong sa kanya tsaka siya muling inatake. Ang kwentas. Habang sinasabunutan ko siya ay pasimple kung hinila ang kanyang kwentas na kulay puti na agad ding naging pula. Umalis ako sa kakapatong sa kanya at iniabot ang isa kung kamay para itayo siya pero di niya iyon tinanggap. Agad siyang bumangom at inalis ang kanyang maskara. Walang iba kundi si Mia.

"Well done newbie but sad to say may isa pa." Napatingin ako sa kay Mia ng sinabi niya yon sabay turo sa isa pang babaeng nakatayo sa sulok ng battlefield at kung di ako nagkakamali ay si Abby. Padabog naman na umalis si Mia, Wala ba silang balak na tantanan ako?

Napatingin ako sa dereksyon ni Presider na nakatingin pala sakin ngayon he mouthed 'Well done'  bago ngumiti ng nakakaloko. Bakit bumibilis ang tibok ng aking puso kapag nginingitian niya ako? Hindi to pwede. Grrrrr. I must admit,

I'm falling deeper and deeper.

Sacred Dominion University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon