Sam's POV (Special POV)
Hayyyyyy... Grabe na s-stress ako sa mga nangyayari ngayon. Bakit pa ba siya bumalik? Para ano? Saktan na naman si Trixx?
[''Hello? Pwede bang pumunta ka sa ospital? Kaibigan ka yata niya... Nahimatay kasi siya sa daan buti na nga lang at nakapagpreno ako kaagad kaya 'di ko siya nasagasaan.'']
Ha?! Sino ba 'tong lalaking 'to? Bakit siya yung nagsasalita sa kabilang linya. Eh number 'to ni Trixx.
'Di kaya kidnapper siya? Rapist? Holdapper? Budol-budol gang?
Ayttssss pero sabi niya sa ospital daw ako pumunta eh.Nag-aalala na'ko kay Trixx.
"Saang ospital ba?" Nag-pa-panic at kinakabahan kong tanong sa kabilang linya.
["Ahm... Sa Villardo Hospital"]
"Ok.. Salamat." Dali-dali akong nag-ayos at nagpunta sa ospital na sinabi niya.
Pagkapunta ko sa ospital dali-dali kong tinanong kung ano'ng room si Trixx at dali-dali akong nagpunta doon.
Nagulat na lang ako sa naabutan ko. Isang pamilyar na pamilyar na lalake sa labas ng room ni Trixx.
Bakit siya na'ndito?DONT TELL ME?!
"Ako yung nagdala kay... ahmm.. sino ba ulit 'yon... Basta may Trixx siya eh.."
Mukhang nahirapan siyang alahanin yung name ni Trixx. Well, 'di na'ko magtataka kung bakit.
"Trixxie Marie 'yong pangalan niya.""Ahh... Ikaw ba si Sam? Na'ndoon siya sa loob. Wala pa din siyang malay... 'di bale, sabi ng doktor pwede na daw siya makauwi kapag nagising na siya."
Tumango na lang ako.
"Sige, mauna na'ko. May pupuntahan pa kasi ako..."
"Okay. Ahhh... Salamat pala."
Tumango siya sabay ngiti at tuluyan ng umalis.Pumasok na'ko sa loob at naabutan ko ang walang malay na si Trixx.
"Dumating na ang panahong kinakatakutan mo Trixx, sana handa ka nang harapin siya"
O diba.. Sino ang hindi maiistress.
Tapos noong gumala kami ni Trixx sa mall nahagip siya ng mata ko na papalabas sa boutique na pupuntahan sana namin ni Trixx.Ang malala pa niyan no'ng isang araw nag-offer siya ng shares dahil gusto niya daw maging business partner namin.
What a small world nga naman... Hayysst!
"Ako nalang kakausap." Pagprisinta ko.
Eh pa'no sayang naman kasi baka magbigay 'yun ng share sa kumpanya.
Medyo may naaalala rin ako sa apelyedo niya e.
Saka wala naman akong ginagawa sa opisina ni Trixx.
Kaya kaysa mamatay sa pagka-bored do'n eh kakausapin ko nalang 'tong gustong kumausap sa'min.
Ngumiti lang sa'kin si Trixx at lumabas nako.
Pagkapunta ko sa sinabi ni Ms. Elle ('yung secretary ni Trixx). Kung saan naghihintay 'yung gustong kumausap kay Trixx. Nanlaki 'yung mata ko. As in lalabas na nga ata eyeballs ko e. Char!
Nakita ko na naman kasi siya.
Buti nalang at busy si Trixx, ewan ko nalang kung ano ang mangyari 'pag nagkita sila." 'Di ba.. ikaw yung si Sam? What a coincidence... akala ko nga kapangalan lang ng kaibigan mo ang may-ari ng kumpanyang 'to.." Amused na sabi niya. Ngumiti na lang ako.
Nagpunta na lang kami sa isang restau. Doon nalang daw kami mag-usap.
"Gusto ko sanang magbigay ng shares at saka gusto ko sanang maging business partner niyo..." Panimula niya. Kinabahan naman ako bigla.
"A-ah.. g-g-ganon ba ? Hindi pa kasi ako sigurado... Tatanungin ko pa kasi siya. " Sabi ko sabay ngiti ng pilit.
"Okay lang... 'di naman ako nagmamadali. Basta tawagan niyo na lang ako kapag nakapagdesisyon na kayo." Binigyan nya ako ng isang calling card. Tumango na lang ako.
Dami pa kaming napag usapan about business. Naging komportable din naman agad ako kahit papaano.
Habang nagkukwento siya isa lang masasabi ko, malaki ang pinagbago niya.
"Ay oo pala... kanina pa ko nagkwekwento 'di pa pala ako nakapagpakilala." Kahit 'di mo sabihin kilala naman na kita.
"Ako nga pala si Tristan Sebastian Madrigal.. Nice to meet you miss Sam…?" Sabay abot nya ng kamay niya.
"Samantha Saavedra." Sabay abot ko rin sa kaniya ng kamay ko para makipag-shakehands.
Ngayon sobrang kinakabahan ako sa mangyayari kapag nagkita sila ni Trixx.
Ito na talaga siguro ang tamang panahon para magkita ulit silang dalawa.
Sana handa kana Trixx.
BINABASA MO ANG
Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)
ChickLit[ C O M P L E T E D ] (Published in Ukiyoto Publishing) Paano kapag mahal mo pa rin pero hindi ka na maalala? Paano kung siya ay may iba na, samantalang ikaw ay nag-iisa pa rin? Paano kung matagal na kayong tapos pero ikaw itong umaasa pa hanggang n...